Page 24.

19 0 0
                                        

Tumatakbo ang oras. Mabilis at tila nilalagpasan ako pero mabagal ang pagkilos ng mga tao sa paligid ko.

Tumatakbo ang mga taong nakasuot ng kulay puti. They all look like they're in a hurry.

"Bilis! Dito!" Sigaw ng isang babae sabay hawi ng kulay green na kurtina.

"One! 1001.. 1002.. 1003.." Nakita ko ang paglundo ng katawan ng lalaki ng idiin ng doktor ang hawak na panguryente sa lalaki. "Come on! Come on!" Sigaw niya.

"Time of death 10:40pm." Malungkot na umiling ang doktor sa tumatangis na matandang lalaki at babae.

"Hindi! Panginoon ko! Bakit?! Wag nyong kunin ang anak ko! Parang awa nyo na iligtas nyo siya." Naglupasay ang babae yakap ng lalaki habang umiiyak.

Nanlalamig ang buong katawan ko. Tumatakbo kami habang itinutulak ang stretcher. Tinignan ko ang kalunos lunos na mukha ni Sep.

Halos di ko na siya makilala sa dami ng sugat at bubog sa mukha niya. Umaagos din ang dugo mula sa ulo niya.

"Sep! Please Sep! Hold on okay? Nandito ang ate! Please!" Tumulo ang luha ko sa kamay niyang tila walang buhay nang nakalaylay sa magkabilang gilid ng stretcher. Sa ibabaw niya ay may nakaluhod na lalaking nurse habang hawak ang tila isang malaking pump.

Iyon na lamang ang nagbibigay ng buhay sa kanya.

"No! No.. Please September!" Sigaw ko hanggang makarating kami sa tapat ng operating room.

"Miss, dito na lang po muna kayo." Itinulak ako paatraa ng babaeng nurse at isinara ang pinto.

Napaupo ako sa tapat ng pinto. Napatingin sa mga kamay kong may bahid ng dugo ni September! God my baby brother!

"Diyos ko! Tulungan nyo ang kapatid ko! Diyos ko! Parang awa nyo na!" Walang patid ang luhang bumuhos sa akin.

"May! Nasaan si September?" Sumigaw si Kuya habang tumatakbo palapit sa akin. Niyakap niya ako at patuloy akong humagulgol sa bisig niya.

"Ku-Kuya! Si Sep! God! Si September!" Tila wala sa sariling sigaw ko.

Nakita ko ang pagdating nina Mama at Papa. Humahangos silang lumapit.

Napuno ng galit ang puso ko. Kumalas ako kay kuya at tumakbo para harangan si Mama sa paglapit.

"Bakit ka nandito? Ha?! Ikaw! Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Ikaw ang dahilan kung bakit nasa loob ng kwartong iyan ang kapatid ko at lumalaban para mabuhay! Ikaw! Ikaw ang may kasalanan!" Sigaw ko habang pumipiglas sa yakap ni Kuya.

"May! Stop talking to your Mama like that! Hindi niya ginustong mangyari ito!" Sigaw ni Papa habang nakatulala lamang si Mama. Nagulat at tumatangis pero wala na akong pakialam!

"At ipagtatanggol mo ulit siya?! Di mo ba nakita ha Papa?! Dahil sa kasakiman niya naospital kaming lahat! Kuya got a broken rib and I got comatosed! Now?! September's almost dying! Ano?! She mean well pa rin?! Wala naman kayong pakialam sa amin nina kuya! Wala kayong pakialam kahit masaktan kami! Hindi nyo ba kami mahal?! Ha! Anong klase kang nanay?!" Puno ng galit na sigaw ko.

"I'm so-sorry! God! Please! I'm sorry! M-May!" Sinubukan niya akong hawakan at mabilis ko iyong tinapik palayo sa akin. Sobrang sakit na. Sobrang hirap na! Ayoko na!

"Don't fucking touch me! Fuck! Fuck this! Pray for September's safety! Pray for him to survive and live because I swear in all hell I will kill myself! You hear me?! Magpapakamatay ako at maghanda kang mawalan ng dalawang anak agad agad!" Sumigaw ako ng sumigaw. Wala na akong mahanap na katinuan sa akin. Nawala na lahat. God! Sobra na. Ayoko na talaga!

Chasing Love. [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon