Page 6.

25 0 0
                                    

Henry is wiping that cold towel on my face. Mas lalo akong nanginginig.



"I can't believe that you are Ilustre. You are a cold hearted bastard! How can you be my happy sunflower?" I know this is just a dream. There's no way in hell that this high and mighty bastard will take care of me.



Kaya kahit sa panaginip lang ito, lulubusin ko na!


"Happy suflower?" He asked. His brows creased. I smirked at him. I waved my hand on him.


"Ah-ah! That's a secret! Hahaha!" I laughed like crazy but my voice is hoarse and sluggish. If this is true, forever kong ikakahiya ito!


"Okay but since this is just a dream.. I will tell you. Di ko kasi kayang sabihin to sa real life. Nakakahiya." I motioned for him to come closer.


He lowered his face on my side. Inilagay ko ang kamay sa likod ng tenga niya at nilapit ko ang labi ko dun.


"Ilustre is my happy sunflower. He has the most beautiful happy eyes that I have ever seen." Humagikgik ako ng bahagya niya akong ilayo sa kanya. Kahit sa panaginip maarte itong Henry na ito!


"He smelled like sunflower. So I call him my happy sunflower." Ibinagsak ko ang ulo sa unan dahil sa sobrang bigat nun. Itinuro ko siya at pilit tinignan kahit na hindi ko maipokus ng maayos ang aking mga mata.


"Trivia! Naging favorite flower ko ang sunflower dahil sa kanya. I even planted all those sunflowers in the park in hopes that one day he will come back." Tila nahihilo na ako. Am I falling asleep? God! But I am dreaming right? Pwede pa bang matulog habang nananaginip? Nababaliw na ako!


"I wish for my happy sunflower to come back. For he's the only guy I ever wanted." Nakapikit na ako nang sabihin ko iyon. Di man ako sigurado kung okay lang bang matulog sa loob ng panaginip ay nakatulog na ako.


Muli kong idinilat ang mga mata ko. Nahihilo man ay mas nakakapokus na ang mga ito. The room is very manly pero halatang walang masyadong gamit dito. There's a bookshelf full of books. A study table with a lamp on it and a pile of papers, notebooks, books and school needs. Sa harap ay isang flatscreen tv at speakers. May desktop computer din sa gilid at aircon.



Hindi naman kalakihan ang kwarto pero okay na rin. Hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito. I sat on the bed. Nasan ba ako.


Inunat ko ang mga kamay. Tila ang luwag luwag ng damit na suot ko. I am now wearing an oversized shirt. Sobrang laki nun sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko sa naiisip. I am at a very strange room, my clothes are different. Sinalo ko ang dibdib.


Napapikit ako nang maramdaman kong wala akong bra! Naluluha na ako! Fuck anong nangyari sa akin! Dahan dahan kong sinilip ang pangibaba ko. Ang suot ko ay isa lamang itim na boxers. Alam ko kahit hindi ko tignan wala na rin akong underwear.






Fuck! Fuck! Fuck! What have I done?!



Sinubukan kong balikan ang nangyari kahapon. Nagkasagutan kami ni Henry tapos yung sa park, umulan, nalaman kong siya si Ilustre tapos.. Tapos.. Tangina naman! Wala na akong maalala!


Sinabunutan ko ang buhok at frustrated na sumigaw. Nahilo ako sa ginawa ko. Sinapo ko ang sentido ko.



"May! What's wrong?" Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking gumugulo sa isip ko.



"Nasan ako?!" Sikmat ko. Lumapit siya sa akin at naupo sa gilid ng kama at hinawakan ako sa noo.



"You look fine but your temperature tells otherwise. Mataas ang lagnat mo May. Rest." Tinabig ko ang kamay niya. Nasorpresa ako sa hina ng katawan ko. Ni hindi ko naitulak ang kamay niya palayo. Naibagsak ko lang iyon sa kandungan ko.



Pumalatak siya. Napailing pero hindi nagsasalita. Tinitignan lang niya ako gamit ang malalamig niyang mga mata.



"Gusto ko ng umuwi." I said. Ayokong ungkatin sa kanya ang pagkakapalit ng damit ko. If I am this sick I don't think this jerk will take advantage of me. He let out a heavy sigh.


"I called your parents. I told them of what happened. Sinabi ko rin na dinala kita sa bahay ko. May bagyo May. Kung hihina ang ulan bukas at kung magkakaroon ng pagkakataon ay susunduin ka nila. Kundi naman ay mananatili ka muna sa akin."



"Ayoko magkaroon ng utang na loob sayo Henry. I will go home. Kahit ipasundo na lang ako sa driver. I understand that I can't right now. Pero bukas uuwi na ako." Iniwas ko ang tingin sa kanya at humiga na patalikod sa kanya.


"Hindi mo kailangang tanawing utang na loob ito May. Tinutulungan kita ng bukal sa loo-"


"Wow! Talaga? I bet nasusuka ka na sa mga pinagsasasabi mo. Why would you waste time taking care of a whore? I am just a lowly human being. Masyado kang mataas para sa akin. No! Babayaran ko ito. If not in cash then in kind. Pag magaling na ako pwede mo rin akong gawing utusan. But I still prefer to pay with cash baka masungisan ang pangalan mo kapag nadikit ako." Tumawa ako. Hindi yung masayang tawa. Hungkag iyon at nasasaktan.


"May! Hindi ko talaga sinasadya ang mga sinabi ko. I was.. I felt.. Fuck!" Sigaw niya. Hindi marahil alam kung paano ipapaliwanag ang sarili. Pero kahit na itanggi niya ay hindi ko pa rin tanggap ang sinabi niya. Ang latay ng mga sinabi niya ay nasa pagkatao ko pa rin. Hindi ko na yata makakalimutan.


"Don't bother explaining Henry. Naiintindihan ko. I understood long before that people will really judge be because of this face. I curse my looks so much. But I know I have to live with it. Just like how I should learn to live with narrow minded people like you." Ramdam ko na ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko.


"Matagal ko ng tanggap na hinding hindi ako matatanggap ng mga taong tulad mo. Nakakalungkot lang isipin na ikaw pala si Ilustre. Alam mo bang isa ka sa mga taong nakatulong sa akin para umusad? Those things you told me before became the hope I held onto. I just can't believe that the one who taught me how to go on will be the same one who'd break me."


Tumulo ang mga luha sa mata ko na mabilis kong pinunasan.



"But still, I want to thank you for what you've done for me. Those 4 years helped me build my confidence. It helped me get through. I guess, I just have to find a new reason to get going. I will find a new hope."

Chasing Love. [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon