Page 11

20 0 0
                                    


"Weird. I don't get how you and Henry got close just like that. I haven't even seen you guys together. Ni hindi mo nga siya kilala di ba?" Nakataas ang kilay na sabi ni Hera habang nandito kami sa rooftop ng bahay namin. We're waiting for November. Apat lang kasi kaming babae na magpipinsan kaya naman close kami sa isa't isa. Yun nga lang masyado pang bata si Helise kaya hindi pa namin siya nakakabonding.



"I will tell you later. Ihanda muna natin ang food para pagdating ni Novie makakain na tayo agad." Tumango lamang siya at bumaba kami sa kusina para kunin ang pagkain na hinanda ni Mommy para sa amin.


"Ate May.. Ate Hera." Kiming tawag sa amin ni November habang palabas kami ng kusina. She's very beautiful. Mas maganda kesa sa amin nina Hera at Helise. Mukha talagang manika ang batang ito.



"Baby doll!" Sigaw ko bilang pagbati.


"Novie! Halika, bring these glasses please." Sabi ni Hera. Ngumiti at tumango naman sa amin si November.

"Ako na." Sabat ng bunso kong kapatid na si Sep. Nagulat naman si Novie at biglang nabitawan ang hawak na baso. Nalaglag iyon sa lapag at nabasag.



"Ouch!" Sigaw ni November nang bigla niyang pulutin ang baso. Nakita ko ang pagdurugo ng daliri ni November. I was about to rush to her in worry when Sep made his way up to her first.


"Clumsy! Ayan! Nasugatan ka tuloy." Hinila niya sa lababo si Novie at isinahod sa tubig ang daliri niya. Namumula ang mukha ni November pero hindi siya nagsasalita.


"Hera mauna ka na. Papalinis ko muna kay manang yung bubog." Umalis na si Hera. Pero ako, nanatili sa kanila ang atensyon ko. Weird, pero bagay na bagay ang dalawang ito. Sayang nga lang at magpinsan sila. Ayoko namang isipin na magkakaroon sila ng relasyon. That's weird!


"Baby doll, tara na. Sep, pakisunod na lang yung mga baso ha." Hindi ko na hinintay ang sagot ni Sep at inaya ko na si Novie. This girl is very transparent. Kahit di niya sabihin halatang halata sa kanya ang pagkailang kay September.


Masyado namang atat ang kapatid ko na mapalapit kay November. Halatang halata din iyon. Napailing na lang ako.



"Novie baby. Wag ka ng mailang kay Kuya Sep mo ha? We're cousins. You have to get used to him. Bakit kay Kuya July naman ay ayos ka? Try to be friends with September. He's a good boy." Nakangiting tinap ko ang ulo ni November.



"I just can't get close to him Ate. I want to pero nahihiya po talaga ako." She timidly smiled at me. Nang makapasok kami sa rooftop ay nginitian kami ni Hera.



"Kaya mo yan. In time magiging malapuit din kayo. Tutulungan ka namin ni Hera."


"Right! Okay ka lang ba?" Sabi naman ni Hera kay Novie. She's very dear to us just like our other cousins. Ayokong makaramdam siya ng indifference.



Hindi man namin siya kadugo ay tunay na kapamilya ang turing namin sa kanya.


"So, ikwento mo na May." Pukaw ni Hera sa atensyon ko habang nilalapag ni Sep ang baso sa tapat namin.


"Remember Ilustre?" I said when Sep is already out of sight.


"Anong kinalaman ni Ilustre dito? Naaalala mo ba sa kanya ang TOTGA mo?" Pangbubuska niya. Lagi naman niyang sinasabi na si Ilustre ay ang 'The one that got away' ko. That started when we watched Ex with benefits ni Derek Ramsay na super crush ni Hera.



"Henry is Ilustre. Nalaman ko lang iyon last week. Since then Henry became very visible to me. Na para bang sinusundan ako." Nanlalaki ang mga mata ni Hera nang marinig ang sinabi ko.



"What?! Paano?! Teka, you mean he said that he's Ilustre? Pero walang Ilustre sa pangalan niya. How come?" Gulong gulo na tanong ni Hera.



"Exactly my thoughts at first. But he knew about me. Alam niyang ako si May na nakalaro niya dati. He even said the exact same lines Ilustre told me before. And he said Ilustre 'was' his surname." I emphasized on the word was. Di ko pa rin maisip kung paanong nangyari iyon but then who would really know?



Napakatahimik ni Henry. It's almost like he didn't have friends. And he wouldn't tell me himself. That makes him even harder to crack.


"Weird. Di kaya ampon siya ng mga Ilustre and he knew his family years back ang mawala siya? Then, after years of being with them he came back with his real surname?" Tila imbestigador na nangangalap ng impormasyong sabi ni Hera.


May punto naman.


"What bothers me is the big change in him. Ilustre back then is very jolly, approachable. The happiness in his eyes before is still very vivid in my memories. I hate that he piques my curiousity so much. I want to know what happened to him years ago. So bad." Nanlulumo kong sabi. I can feel the strong urge in me when I said that. At alam kong nakikita iyon ni Hera sa mukha ko.


She knowingly smiled and nodded.


"I see. But May, nagaalala pa rin ako sayo. Hindi mo kilala si Henry. I mean yung bagong siya. When he enrolled last year in St. Felicity it seemed like the whole university was hit by a storm. Girls flock around him like hell. They don't care if he's cold. If he doesn't talk much or if he doesn't give a damn about them." Nababasa ko sa mga mata ni Hera ang pangamba.



"Girls hated you so much for years May. They hated your beauty. They hated your natural charm with boys. They hated that you can lure them down on their knees even if you just stand in a corner. Ayoko sanang pasukin mo pa ang mundo ni Henry. Girls will throw shades at you more once they see you hang around their eye-candy. I am not saying that you get rid of Henry or Ilustre. Alam kong matagal mo na siyang hinihintay." Hinawakan ni Hera ang mga kamay ko at pinisil ang mga iyon.


"Nagpakabaliw ka sa mga sunflower sa lumang park na iyon para sa kanya. You avoided every goddamn boy who tried to get your attention because of him. But please be very careful May. You've been broken way too much. Lagi ka ng nakatago. Ayokong lalo kang mawalan ng kumpyansa sa sarili mo. You've been struggling way too long to find your place. To gain self esteem. To be confident. Don't let this ruin you." She smiled. I see that November nodded to agree with her. I smiled at them to assure them that I will.



Ayoko rin namang mas dumami ang bashers ko. It's more than enough to live with my broken childhood because of this pretty face. I can't risk that much. Dahil konti pa lang ang naiipon kong lakas ng loob.



Naramdaman ko ang biglang paginit ng mga mata ko. Hindi nagtagal ay bumuhos ang luha sa mga mata ko.



They knew how broken I was. I am. I don't want to break even more.

Chasing Love. [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon