Page 10

24 0 0
                                    


He removed my tears with his palm. He tapped my cheeks and gave me a tight smile. Kung smile nga bang masasabi ang mariing pagdidikit ng kanyang mga labi habang nakaangat ang isang gilid nun.


"Fix yourself. Let's get out of here." He stated. I nodded at him. He went out of the locker room again. I went to my locker and got my things. I showered fast then I walked out. Nakapagshower na rin siya at nakasandal sa tapat ng locker area.


"Tara na?" He tentatively asked. I smiled at him and nodded again.


"Punta muna tayo sa Infinitea. Kasama ko kasi si Hera. Hinihintay niya na ako dun." Tumango lang siya at mabagal kaming lumabas sa Il Centro at naglakad papunta sa Infinitea.



"Hera." Hindi nag-angat ng mukha si Hera mula sa cellphone niya. Sinilip ko iyon. She's making her new blog. Parehas kaming into blogs and vlogs. Pero mas madalas sa blogs si Hera. Ako naman Vlogs.


"Ang bilis mo naman. Akala ko aabot ka ng 2 hours. Tignan mo nga kung ayo-" napatanga siya sa akin nang mapansin na hindi ako nagiisa. "Henry." Malamig niyang bati.


Bagay maging magkaibigan itong dalawang to. Magkaugali eh. I maybe unwanted by many but I still kept my bubbly self. Grow up with Kuya July and you will understand. He's so jolly that it's hard to be too sad at home.



"Hera." Sagot niya. He looked at me. "Ako na oorder. Taro milk tea?" He asked. Nagulat ako. Pano niya nalaman?


"May vlog ka about Infinitea, May. Did you forget?" Shit! Pati iyon alam niya? Ano ba ito? Lalo akong nalilito pero sobrang kumakalabog ang puso ko at kinikilig ako.


"Ah. No. Okay sige. Thanks!" Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. How much does he know about me? Hindi ko alam pero the fact na alam na alam niya ang mga ito ay malaking bagay para sa akin.


But it's kind of unfair. I don't know much about him but he knew most of the things about me.


"Why are you with Alonzo?" Mapanuri ang tingin na binigay niya sa akin. Hindi ko alam pero lalo akong kinabahan sa mga tingin ni Hera.


"I saw him inside the gym." Iyan lang ang sagot na nahanap ng bibig ko. Tinignan niya si Henry at ibinalik sa akin ang tingin.


"He speaks trouble for you May. Masyadong gwapo. Masyadong maraming may gusto. At masyado ka ng nasaktan. Magisip ka." Iniharap niya ang cellphone sa akin. "Nagtext sa akin kanina si Dean ng Tourism Dept. May kailangan akong icover na beach sa Zambales. Sama ka sa akin."


"Kailan ba iyan? May pasok din ako. Alam mo naman na Friday hanggang Sunday lang ako pwede." Tinitignan ko si Henry habang umoorder. He looked so handsome and so mysterious. I wonder if I'll ever be able to uncover you.


"Thursday ng gabi ang biyahe natin. We'll go back here Sunday morning. Ayos na siguro iyon. The travel time is around 8 hours. Sa Candelaria tayo pupunta. Sama ka na, mas magaling kang magedit ng video sa akin eh. Isa pa it's for our school din naman. This is a competition between schools. Actually tayo ang first choices ng admin. Kilala na din kasi tayo. You have a lot of subscribers sa channel mo. It'll be an advantage for us." Mahabang litanya niya. Ikinagulat ko lang na kasali ako sa choices. Hindi naman kasi ako nasabihan.



"I've heard about that too. A lot vouched for your team up. People knew about your vlogs. Actually kasama rin kami ng partner ko dun. We have to cook their famous dish. So that will be included in your vlog." He handed me my milk tea habang umuupo sa tabi ko. Iniangat ko iyon upang tignan sa ibaba.


"25% and no pearls. Just drink May." He's wearing a hoodie. Itinakip niya iyong saklob sa ulo niya. What the?! Wala bang gagawin ang lalaking ito na hindi makakagwapo lalo sa kanya?


"T-Thank you." Bumaling ako kay Hera. "Teka! Bakit di na lang din ako kinontak kung may ganyan pala. At sa tingin ko hindi kaya ng dalawang araw lang iyang vlog na gusto mo. We will need a week for that."



"Masyado kang mailap sa tao May. Hindi sila basta makalapit. They have your old number. Sa daming beses mo ng nagpalit ng numero do you think they can contact you?" Tinaasan niya ako ng kilay.



Well totoo naman kasi iyon. Hindi ako basta basta nagbibigay ng personal number ko. Medyo di kasi maganda ang resulta. Some boys try to hit on me. Some even bash me through text. The last time I changed number was when I received a threat. Dapat ay sanay na ako. Lalo pa at di naman kaila sa akin na may mga magkasintahang naghihiwalay ng dahil sa akin.



Hindi ko man kasalanan ay laging sa akin naibubunton ang sisi. Kaya nagpapalit palit na lang ako ng number.



"Oh yeah. I forgot. Thank you sa pagsasabi. I accept. Basta kasama ka. Alam mo naman na ayokong ako lang. Saka magrequest ka ng 1 week. Di ko kayang magedit ng video ng ganun kabilis. Mabusisi masyado iyon."



"I guess you're right. I will tell them para maexcuse tayo sa klase. Bakit kailangan kasama pa kayo Henry? Pwede naman kayong magvideo dito tapos padala niyo na lang sa amin." Mahinanong sambit ni Hera.



"That's their decision. Not mine. Kung ako lang ayokong bumabyahe." Masungit na sagot naman ni Henry.



"Well then. Bahala kayo. Basta ipapaalam ko sa inyo kung mapapayagan yung 1 week na hinihiling ninyo." Hera gave me a small smile.


Tahimik na nagpatuloy kami sa pagpapahinga. Tahimik lang kaming tatlo. I am used to it anyway. Okay lang naman. Nasa may glass wall kami kaya naman malayang naglalakbay sa paligid ang mga mata ko.



I was looking at a certain car when I felt Henry nudge at me. Iniaabot ang cellphone niya sa akin. Nagtatakang nilingon ko siya. Anong gagawin ko dito?



"Your number idiot." Grabe! Sasagot lang ng maayos di pa niya kaya? Kailangan talaga may mga ganyan na kadugtong? Inirapan ko lang siya.



If he wants something from me he needs to be nice atleast.


"Sorry May. Come on, just put in your number." He stated. Hera's eyes widened upon hearing him say those words. Tila ba may kakaibang sinabi si Henry. As fas as I know lahat ng ito normal naman sa kanya. Baka di lang sanay si Hera.




"Alright." I sighed and got the phone. I typed my new contact number. I gave his phone back. Kinuha niya ang phone ibinulsa iyon. Nagulat ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko dito sa ilalim ng mesa namin.


Napatingin ako sa kanya pero kitang kita ang pagpapatay malisya sa mukha niya. I was about to remove my hand when he slowly filled the spaces in between my fingers. A pleasurable pain shot me through my back. Kakaiba ang pakiramdam. Na tila ba masaya ako na nahihiya na sobrang kinikilig. Ah! Ewan. Basta ang alam ko lang ay masarap sa pakiramdam itong ginagawa niya.



I want it. I want all of him.




He looked outside the glass wall with a smirk. He looked pleased with his cold eyes.

Chasing Love. [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon