Tumayo na ako. I felt much better. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na tulog o anong oras na. Naglakad ako papunta sa pinto para lumabas sa kwarto. Nakita ko agad ang kusina at sala nang makalabas ako. I think this is a bungalow styled house.
Ginagad ko ng paningin ang buong paligid. Malinis ang bahay na iyon. Tahimik at tila ba walang taong nakatira doon.
Nanghihina pa rin ako pero kaya ko ng lumakad. Pumasok ako sa kusina. Napanganga ako habang nililibot ko ang paningin ko dun. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
This is the most beautiful kitchen I have ever seen in my entire life. Kumpleto marahil ang lahat ng klase ng kagamitang pangluto doon. From pans to caserole to everything! Maayos na nakasalansan ang mga iyon sa cabinet. Ang ibang kawali ay nakasabit pa na tila ba disenyo. Ang cute nung ibang non stick pan na may iba't ibang kulay.
Napangiti ko. Pinaraanan ko ng mga daliri ang marmol na counter. May chopping board na naroroon at maliit na sink. Mayroon ding tila built in stove na mayroon pang tila higupan ng usok, whatever that's called.
May lalagyan din ng mga kutsilyo na iba iba ang sizes. May mga cute din na kutsilyo, ang liit kasi. Sa kabilang counter ay may microwave, oven at juicer. Lumapit ako sa mga drawer dun. Hinila ko ang isa. Wow! Dito naman maayos na nakasalansan ang iba't ibang size ng pinggan, platito, mangkok.
Hinila ko yung katabing drawer don naman makikita yung mga kutsara at tinidor.
This is a dream kitchen for any chef! Napakaganda at maaliwas. It looks like a happy place. Kaya lang malungkot yung walls. Kulay puti lang iyon. Cute sana kung may drawings. Napangisi ako.
Ganun kasi kwarto ko. Pininturahan namin iyon ng puti and they let me design it on how I wanted it to look like. Maraming iba't ibang disenyo dun. I drew Paris and the Eiffel tower, Opera house in Sydney, I even drew Vigan with colorful sailboats. Siyempre mawawala ba naman ang sunflower dun?
I suddenly remembered Henry. I really can't believe that he's the guy I've been waiting for. Ibang iba siya sa Ilustre na nakilala ko noon. Nagkibit balikat na lang ako. Everything changes. Hindi na dapat ako nagtataka doon. Siguro nga'y may mga bagay na hindi man natin gustong magbago ay magbabago pa rin.
There might be a reason behind his change but I honestly don't feel like I still wanted to know the reason. That will just frustrate me more. Saka isa pa sa sobrang pagkaimpakto niya ngayon malamang di niya rin ako papayagang malaman pa iyon. Asa pa ako!
Nilapitan ko ang malaking double door na refrigerator. Binuksan ko iyon at naghanap ng pagkain. Nagugutom na ako!
Maraming laman iyon. May prutas, gulay, meat, itlog. Mga juice at gatas. May mga nakagarapon na liquid na tila ba juice na parang hindi. Inabot ko yung kulay red. Binuksan ko yung takip at inamoy ko iyon.
Matapang pero matamis. Ano kaya to? Dahil di ko alam kung ano iyon ay binalik ko na lang iyon sa loob. Baka kung ano pa iyon malason pa ako!
Ang dami sanang pwedeng iluto ang problema, hindi ako marunong! My stomach growled. Badtrip! Kumuha ako ng gatas at naghanap ako ng tinapay. Buti na lang meron!
Kagat kagat ko ang isang slice ng tinapay habang nagsasalin ng gatas sa baso.
"I bet you're hungry now. Bakit di ka nagluto?" Nagulat ako sa biglang pagsasalita niya kaya nabuway ang hawak ko sa kahon ng gatas at natapon ang iba doon. Hinawakan ko ang kagat kagat kong tinapay. Fudge!
"Wag ka ngang nanggugulat!" Ibinaba ko ang kahon sa tabi ng baso at huminga ng malalim. Nagtaas lang siya ng kilay.
"Why didn't you cook?" He asked again.
"Well, I am just a pretty face. I don't know how to cook. Isama mo na rin sa listahan ng kapintasan ko." Inirapan ko siya at kinain ang tinapay na hawak. He looked at me with tired eyes and exhaled loudly.
Hindi ko na siya pinansin at uminom na lang ng gatas. Ibinaba niya ang ecobag na hawak sa marmol na counter.
"Naggrocery ka?" Tanong ko. He rolled his eyes on me. Grabe! Ang sexy niyang umirap!
"Obviously." Hinalungkat lang niya ang laman ng ecobag.
"Pilosopo! Your refrigerator is packed with goods. Bakit ka pa naggrocery?" Hindi niya ako sinagot. Inilabas niya lang ang laman ng ecobag.
Dove na shampoo, sabon at body wash. Yung kulay gold, may kasama din na mouthwash. May toothbrush din saka yung net na panghilod, kulay yellow iyon lahat. Ang cute!
"Wow! Parehas tayo ng ginagamit! Ang galing!" Namimilog ang mata na sabi ko.
He looked at me as if I grew another head. Kahit tingin ng lalaking ito nakakainsulto!
"Those are girl's stuff." He stated as if saying that I sound so stupid. Tumaas ang kilay ko. So, nagiimbak pala siya ng gamit pambabae dito?
"So? Are you telling me na may mga babae kang pinapapunta dito? And why do you need to have all these? Do you.." Nanlaki ang mga mata ko sa kanya.
Ang bata pa namin! God! Boys and their raging hormones!
"I can't believe you!" He rolled his eyes and put his arms over his chest. Bawat gawin niya talaga ang dominante tignan!
"Ano na naman ginawa ko? Bawat gawin at sabihin mo pakiramdam ko ang tanga ko! Lahat na lang Henry!" Gigil na sabi ko.
"It's because you act like an idiot! Those are for you. Why do you think I will buy those?!" Sikmat niya. Padabog na binuksan niya ang refrigerator.
"Put those things away. And take a bath. Just get a shirt and boxer from my closet. Your underwear is in there too. Malinis na iyon." He took chicken and some ingredients from the fridge.
Hindi ko malaman ang mararadaman ko. How.. How did he know that I use all these things? I wanna know. Nakatunganga lang ako sa mga binili niya.
"You're very popular in St. Felicity. People talks about almost everything about you. Your shampoo, body wash, mouthwash even your favorite color." Sambit niya habang naghihiwa ng sibuyas.
Can he read minds too? Tsk!
"You're way too obvious May. I don't read minds. Just go now."
BINABASA MO ANG
Chasing Love. [Fin]
RomansaSuplado, tamad mag-aral at tila wala ng rason para sa buhay ang transfer student na si Henry Alonzo. Nakikita ko sa kanya ang unang lalaking nakakuha ng atensyon ko nung 12 years old pa lang ako. Kaya lang kabaliktaran niya si Ilustre. Pero bakit h...