Part 29.

21 0 0
                                    


It was so good to see November again. She's tensed I can tell. Baka iniisip niya na hindi ako approve sa relasyon nila.

Even before magkabukuhan tinanggap ko na silang dalawa ni Sep. Nang maaksidente si Sep at muntikan nang mawala sa amin lalong nag-igting ang kagustuhan kong tulungan sila.

Ngayon araw na ito namin balak sabihin sa parents ni Novie na sila na ulit. Wala ng problema kay Mama. Sabi niya hindi na siya makikialam.

Kasalukuyan kaming nagaagahan dito sa kanila. Di tumitigil si Sep na asikasuhin si Novie. Tinititigan niya pa habang kumakain kami.

"Masasanay din tayo Hera. Masasanay din ako." I kept on chanting kaya naman pinagtawanan nila akong lahat.

Matapos mag-agahan ay nagdesisyon na kaming pumunta kina Novie.

"I don't feel good Hera." Tinignan niya ako habang papalabas kami ng bahay na pinatayo ni Sep para sa kanilang dalawa.

"Ako din. Pero kaya yan. Basta support lang tayo okay?" May pangamba man kami parehas sa maaaring mangyari ay pilit naming pinatatag ni Hera ang isa't isa.

When we came to the house, nauna na kami ni Hera sa loob. Nasa sala si Tita kaya mabilis kaming lumapit sa kanya at humalik sa pisngi niya.

There's really something wrong with her. Tita Grethel is usually happy and bubbly. Isang bagay na pinagkaiba nila ni Mama. Pero ngayon kahit na nakangiti siya yung noo niya kumukunot na tila ba iritable siya.

I really feel bad. Pupunta sana ako sa labas upang sabihan sila na ipagpaliban na muna ito. Kinakabahan kasi ako. Kaya lang nahuli ako dahil lumingon si Tita kina Novie at dumapo agad ang paningin niya sa magkahugpong na kamay nila.

"Kayo ba ulit?!" Nang dumagundong ang boses ni Tita Grethel ay tila nawala na rin ako sa ulirat. Takot na takot na akong napakapit kay Hera. Nagpatuloy ang sagutan nila hanggang sa nakarinig na lang kaming lahat ng malakas na tunog ng nangangalit na gulong. May malakas na kalabog na sumunod.

Hera and I ran towards the door. Nakita namin si November na nakahiga na sa sahig ay duguan ang ulo.

"November!" Sigaw ko kaya mabilis na lumapit kami doon. Lalo akong nagimbal nang makita ko si Mama. Nakatayo sa gilid ng bukas na driver's seat.

"Mama?!" Mabilis akong lumapit sa kanya. "Mama! Anong nangyari?!" Tila gulat na gulat sa mga nangyari si Mama.

"A-Anak! So-Sorry! Hindi ko sinasadya! I have to follow you guys here dahil tinawagan ako ng doktor ni Grethel. I-I was told that sh-she has post partum. Natakot ako sa pwedeng mangyari. God! I am so sorry! Hindi ko sinasadya!" Halos sabunutan na ni Mama ang sarili.

Patuloy lang sa pagpapaliwanag si Mama habang kinukuha ng Medical Team na dumating ang duguang si November.

Dumating na rin sina Papa at Tito Gab. Tinulungan nila ang hindi mapakaling kambal.

Si Tita Grethel iyak ng iyak nang mahimasmasan. Si Mama nanatiling tulala habang naghihintay kaming magising si November. God! Hinang hina na ako.

Hindi na ba matatapos itong problema namin sa pamilya?! All these that's happening around me felt like warnings. That love doesn't come easy.

Should I really give up on love? Fuck! Kung tutuusin sa aming lahat ako yata ang naunang nagmahal. Elementary pa lang ao natutunan ko ng mahalin si Henry at maghintay. I chased love almost all my life. Is this a message from him that love isn't for me? May dalawa o tatlong oras pa daw bago magwear off ang anesthesia na binigay kay November.

Chasing Love. [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon