Nang makarating kami sa resort ay agad kaming naghanda para sa dinner party namin for November's Graduation. Hindi nila alam pero kanina sa van ay nakita kong binigyan siya ng kwintas ni September.Hindi ko dapat iyon isipin pero binabagabag ako ng mga nakikita ko. Sure, there's nothing wrong with their relationship if ever dahil hindi naman sila magkadugo.
Naalala ko ang litrato nila kanina. Sep kissed Novie. I saw Sep's eyes, hindi siya makakapagkaila. Ilang beses ko nang nakita ang kaparehong emosyob na iyon sa iba. Mahal niya si Novie. Ang inoobserbahan ko na lang ay si November. Gusto kong malaman kung mahal din ba niya si Sep.
Why? Because this will mean disaster. Nakapagbihis ako agad at lumabas sa kwarto. Nauna ako sa dalampasigan.
Natatakot ako sa gustong pasukin ng dalawang iyon. Hindi ako kokontra kung sakali pero hindi ko alam kung papanig ako. Sep has to bear in mind what happened to Kuya and I when we fell in love. Ayokong maranasan niya ang pait at sakit. I love him too much to let that happen to my baby boy.
Kasabay nito ay ang duda ko sa estado ng pagiisip ng Mama. Baka hindi pa siya magaling. Baka ang isyung ito ay maghudyat na naman ng panibagong trigger. I am afraid that she'll snap again.
"Penny for your thoughts May?" Nilingon ko si Hera. Hindi man sabihin ni Hera alam kong nahahalata din niya. Kilalang kilala ko siya no. Alam kong alam na rin niya ang iniisip ko. Nagtatanong pa!
"Lul. Napapansin mo ba sina Sep at baby doll?" Marahan kong tanong.
"May masama ba kung sakali? Don't get me wrong May. Hindi sa ipinagtutulakan ko ang dalawang iyon but nothing's wrong with it. Hindi naman sila magkadugo." Kibit balikat niyang sambit. It didn't appease my worry. Natatakot ako.
Ang nakaraang taon ng buhay ko ay pinalibutan ng takot at hirap na hirap na ako. Minsan even sleeping is hard to do. Dahil tila bangungot na nagbabalik ang mabalasik na mukha ni Mama sa balintataw ko.
"Alam ko naman iyon Hera. Pero si Mama? Si Tita Grethel? Paano sila magrereact dito. You've seen my mother. She became a monster when she learned that Kuya and I fell in love. To think na ibang tao pa ang mga iyon. November is not like other people. She grew up as our cousin at iyan ang nakatatak kina Mama. Hindi lang ako natatakot para kay Sep. Ganun din para kay November. You know how much I love those two." Naluluha na ako sa mga naiisip ko and this is not good.
Hindi ako makahakbang pasulong. May tila kumunoy na humihila sa akin pababa. Pagpapatawad lang ba ang solusyon? I kept on visualizing the future and just like my past, Mama stayed as a monster. Hindi ko maialis.
"You were deeply wounded May. Hindi nakapagtatakang mangyari iyon. The doubts, nightmares and overthinking? All those are normal. Ganito na lang. Let's help them? Kung sakali mang may espesyal na relasyon sina Sep at Novie let's help them. We will let them escape para naman hindi nila malasahan ang pakla ng galit nina Tita?" Hera smiled at me. Somehow, Hera made me feel a little better.
Mas nakakahinga ako ng maluwag thinking na may kasangga ako. I am so thankful of Hera's presence. If not for her continous support I won't make it.
I smiled at her and we went to the party. Masaya naman iyon at base sa obserbasyon ko ay totoo nga. Mahal nila ang isa't isa.
Nadudurog ang puso ko para sa kanila ngayon pa lang. I promise you two.. I will fight with you guys. I won't let Sep go through the same pain.
Or so I thought. Sa ikatlong araw namin sa resort ay biglang nawala si November. Tila nawala sa sarili si Sep pero he managed to keep it in. We kept on asking where is November pero walang sumasagot sa amin.

BINABASA MO ANG
Chasing Love. [Fin]
RomanceSuplado, tamad mag-aral at tila wala ng rason para sa buhay ang transfer student na si Henry Alonzo. Nakikita ko sa kanya ang unang lalaking nakakuha ng atensyon ko nung 12 years old pa lang ako. Kaya lang kabaliktaran niya si Ilustre. Pero bakit h...