"May! First day ng class tapos late ka? Yung totoo?" May sungit sa boses na pabulong na sigaw ni Hera sa kabilang linya. Naglalakad na ako papunta sa room namin ng tawagan niya ako.
Di pa sanay si Hera sa akin eh minsan akong nalalate kapag monday, wednesday at friday. Dumadaan kasi ako sa lumang parke sa na malapit sa dati kong school pag umaga. Dinidiligan ko yung mga sunflower ko doon.
Nalaman ng mga taong nagmamanage ng park na yun na nagtanim ako dun at magaganda yung mga tanim ko kaya pinabayaan na lang nila ako sa trip ko. Pero late this year ay muling papagandahin na ang park na naging sobrang importante sa akin.
Sa loob ng mga taon na nakaraan umaasa pa rin akong babalik siya. Na pupuntahan niya ang mga sunflower na itinanim ko doon. Hindi man siya magbalik para sa akin basta para doon na lang.
"Nagdilig lang ako ng halaman. Hamo at ilang buwan ko na lang gagawin to dahil kukuha na sila ng hardinero para sa mga sunflower ko." Nakikita ko na ang room namin. Wala pa namang professor!
"Ang obsessed mo sa mga bulaklak na iyon!" Nakapasok na ako nang sabihin niya iyon. I ended the call and raised my brow at her.
"Wag mo ngang insultuhin ang mga halaman ko! Paki mo ba?" Sikmat ko.
"Dapat botany na lang pinagaralan mo! Bakit fashion designing?" Magkaklase kami ngayon dahil minor subject lang ito. May ilan pang minor subject kaming magkaklase kahit na ba Tourism ang course niya.
"Gusto kong magdrawing. For the love of clothes! Wala ka kasing fashion sense. One time I will teach you. Free consultation, pinsan naman kita." Bumungisngis ako sa kanya. Sila lang ni November ang kaclose ko. Dahil tulad dati ayaw pa rin ng mga babae sa akin. Reason? Of course boys!
Kuya was right. Boys flocked on me like bees on a bee hive. Hindi ko kailanman nagustuhan ang atensyon na nakukuha ko sa mga lalaking iyon. Though some of them became my friends. Ayoko lang talaga!
And there's only one boy for me. That's Ilustre.
Nasa may bandang likod kami ni Hera ngayon. Alam niyang ayaw na ayaw kong nakikita ng mga tao. Mas gusto kong maglow profile at ng hindi masyadong mapansin.
A student went to sit beside me. The boy looked so handsome. Makapal ang buhok niya at tila ba ginulo pa iyon biang ayos pero mukhang malambot kapag hinawakan.
He has pointed nose, manipis ang mga labi pero kita ang pagkapula nun. And his eyes.. Itim ang mga iyon na tila ba itim na langit sa gabi. Napapalibutan ang bilugang mata niya ng malalantik na pilik mata.
Nakadirekta sa akin ang mga mata niya.
"Is someone sitting here?" His low baritone voice almost gave me goosebumps. I gaped at him while shaking my head. Maibang oras lang ito ay nakapagtaray na ako.
He sat beside me. His face looked awfully familiar but his eyes tells me otherwise. He had this empty looking cold eyes.
Ilustre..
I wanted to say even to myself that he's Ilustre. He's my happy sunflower but his eyes tells me otherwise. Hindi ganun ang mga mata ng lalaking nagustuhan ko sa loob ng napakaikling panahon na nakasama ko siya.
Laging may sayang sumasayaw sa mga mata niya. Hindi tulad ng lalaking ito.
He must've notice me staring at him when his eyes darted me a questioning look. Mabilis na iniwas ko ang mga mata ko. Baka nga hindi siya si Ilustre dahil makikilala ko ni Ilustre!
Alam ko iyon! Pinanghahawakan ko iyon sa loob ng halos apat na taong paghihintay sa kanya.
Nagiinit ang mga pisngi ko sa sobrang pagkapahiya. Pero hindi ko na siya tinapunan pa ng tingin kahit na ba gustong gusto ko iyong gawin.
May please! Hindi siya si Ilustre okay?
"May, daan tayo sa may infinitea mamaya ha. Tambay tayo sandali bago umuwi. Sina Heath kasi kailangan kong hintayin para maisabay pauwi." Sabi ni Hera sa tabi ko na siyang gumising sa aking kamalayan.
"Si-Sige!" Nauutal kong sagot na ipinagtaka niya pero hindi siya nagsalita.
Pumasok ang isang babaeng estudyante sa room. Siya si Maria Lyneth, ang student assistant ni Mrs. Romero. Ahead ng 2 years sa amin si Maria Lyneth pero siya ang laging tagabigay ng seatwork namin kahit na nung 1st year pa lang kami. Hindi na ako nagtaka na si Maria Lyneth pa rin ang naririto kahit na graduating na sila.
At isa lang ang ibig sabihin ng pagdating ni Maria Lyneth!
"Students calm yourselves down. Yes, wala si Mrs Romero ngayon." Agad na naghiyawan ang mga kaklase namin sa tuwa. Pano wala ang terror professor ng St. Felicity! Himala!
"Hep hep! Bago ang kaligayahan nyo may group project kayo na kailangang maaccomplish 2 weeks from now. Hindi makakapasok si Mrs. Romero sa darating na dalawang linggo dahil siya ang representative ng school natin para sa seminar. Sa inyo lang siya hindi nakapagpaalam dahil kailangan na niyang umalis." Kita ang dismaya sa mukha ng mga kaklase namin sa sinabi ni Maria Lyneth.
Ang aga ng project! Hanep!
"This will be by two's. Here's the list." Iwinagayway niya ang papel at idinikit iyon sa board. "This will be a research about the documentaries of the Life of Rizal. Everyone should submit video reaction for 4 documentaries that you will choose. The groups should state their reactions together in a video. Para apat lang talaga in total yung ipapada ninyong videos. Bukod sa reaction videos you all need to make 10 pages summary of each documentaries. 1.5 spacing. No indentions, 10 font size." Mahabang paliwanag ni Maria Lyneth. Yung totoo?
Demanding talaga ng matandang iyon!
"Any questions before I leave?" Tanong niya. Nag-ilingan silang lahat pero itinaas ko ang kamay. Nakangiting bumaling siya sa akin. Kaibigan ko siya eh.
"Feeling ba ni Mrs. Romero siya lang ang professor namin?" Nakasimangot kong tanong.
Natawa ng malakas ang mga kaklase ko lalo na yung mga lalaki. Umirap lang ako na ikinatawa ni Lyneth.
"Mukhang ganun na nga May." Bumungisngis siya. "O siya. Just look on the list to know who your partners are. Goodluck!" Sumaludo siya at lumabas na ng classroom.
Lahat sila ay naglapitan sa board. Pero hindi muna kami nakisali ni Hera. Ayokong makihalubilo baka magkaisyu na naman ako. Pero itong lalaki sa tabi ko tila tinatamad lang sa buhay na hindi kumilos.
Gwapo sana kaya lang bukod sa mukhang masungit mukhang tamad din siya.
"May tara na. Wala na sila doon." Tumango ako at umalis na kami sa kinauupuaan.
Sa dulo ang pangalan ko malamang dahil Rivera ang apelyido ko. Pero wala ako doon kaya pinasadahan ko ang pangalan sa ibabaw.
Henry Alonzo
May Greiz Rivera"Sinong Henry?" Takang tanong ko.
"Ano ba May? Katabi mo kanina si Henry sa upuan pero di mo siya kilala?" Napatanga ako kay Hera. Gosh! Yung mukhang yelo na tinubuan ng mukha ang kagrupo ko?
BINABASA MO ANG
Chasing Love. [Fin]
RomanceSuplado, tamad mag-aral at tila wala ng rason para sa buhay ang transfer student na si Henry Alonzo. Nakikita ko sa kanya ang unang lalaking nakakuha ng atensyon ko nung 12 years old pa lang ako. Kaya lang kabaliktaran niya si Ilustre. Pero bakit h...