Pagod na pagod akong humilata sa kama matapos ang walang humpay na editing. Nakakaasar si Hera kasi hindi niya man lang ako sinamahan dito, nagpakasasa sa beach! Wow eh! Bukas babalik na kami sa Manila.
Di ako nagenjoy. De joke. Quits lang kami kasi habang kuha siya ng kuha ng video nagtampisaw ako sa dagat ng walang humpay. Hehe
"You look tired." Sabi ni Henry nang ipatong niya sa mesa sa tabi ng laptop ko ang isang tasa ng kape.
Pinasadahan ko siya ng tingin. Di siya mukhang nagswimming ngayon ah.
"I am. Medyo marami yung video files so I have to watch every single video para maedit ng maayos." Umupo ako. I took a sip from my cup. I smiled at him.
Grabe talaga ang galing niyang magtimpla. Mapadish, dessert o drinks.
"Heaven! Ang sarap!" Napangiti siya sa sinabi ko. Lately, madalas ng ngumiti si Henry. Natutuwa ako kasi unti unti nang natutunaw yung yelong nakabalot sa kanya. "Di ka nagswimming?"
Umiling siya at humiga sa kama kasalungat ko. Dumapa ako at ang mukha ko ay nakatapat na sa mukha niya ng pabaliktad. Nakakaduling pala to? Napahalakhak ako sa isip.
Inipon niya ang nakalaglag kong buhok sa gilid ng mga mukha namin at dinala iyon sa isang side. I kept my smile.
"Nandito ka kaya dito lang ako." Fudge! Kinilig ako sa sinabi niya. Daig ko pa ang pinakain ng sandamakmak na paru-paro kaya nagwelga sila sa sikmura ko.
"Ang sweet ng personal chef ko grabe! Buti na lang mahilig ako sa sweets di ako nauumay!" Humalakhak ako. His hand settled at the back of my head.
He was looking at me intently. Nagulat ako nang umangat ang ulo niya at sinalubong ang labi ko ng isang malutong na halik. Grabe lang!
"Yung damoves mo talaga Henry! Nakakawala ng ulirat grabe!" Tumawa siya at muli akong hinalikan. "Grabe ka na ah!" Pero ngiting ngiti naman ako.
Natapos ang araw at nagbiyahe na kami pauwi kinabukasan. I only have very few rest until I met Ara again for the training.
It was very educational. Natapos ang anim na buwan na training ko. Oo anim, hindi kasi kumasya yung tatlong buwan lang. Plus. Nanalo ako sa painting making contest last September.
Ako na ang achiever. My parents are so proud of me. Halatang halata sa kanila ang pagmamalaki para sa akin. The months that passed are so blissful it felt so unreal.
And Henry? If course he stayed beside me all through out. Nakakatuwang isipin na kahit halos hindi ako makahanap ng oras para makasama siya ay nagagawa niya pa ring makasingit sa sobrang busy kong schedule.
He never failed to call and text me. He delivers breakfast, lunch and dinner everytime he's free.
Aakalain mo ba namang halos isang taon na ang lumipas? Napakabilis ng oras.
At dahil natural akong makakalimutin ay nakalimutan ko ang cellphone ko sa bahay no choice ako kaya umuwi ako sa bahay namin ulit.
"July! Wala ka bang balak na kumilos diyan?! You have been sulking for a very long time son! Get a grip!" Mabilis akong tumakbo paakyat ng bahay nang marinig ko ang sigaw ni Daddy.
Nakita ko siya sa pinto ng kwarto ni Kuya July. Sumilip ako at nakita kong nakahiga lang si Kuya sa kama at nakapatong ang braso sa mga mata niya.
Hindi buo ang kasiyahan ko nang mga nakaraang linggo. Naaawa ako kay Kuya. Hindi ko maintindihan ang nangyari kay Mommy. Kinuhanan niya ng biglaang fiancee si Kuya at umamin si Kuya na kasal na siya kay Ate Pining.

BINABASA MO ANG
Chasing Love. [Fin]
RomanceSuplado, tamad mag-aral at tila wala ng rason para sa buhay ang transfer student na si Henry Alonzo. Nakikita ko sa kanya ang unang lalaking nakakuha ng atensyon ko nung 12 years old pa lang ako. Kaya lang kabaliktaran niya si Ilustre. Pero bakit h...