Thanks for reading Chasing Love! :)-----
"Tonton, sino yung laging kasama ni Haliya?" Si Tommy yung nagtanong. Ang bata bata pa namin napakamalikot na sa babae.
He has 3 girls at the moment. Ano pa yung mga nagdaan? Napailing ako.
Ngayon may pinagkakainteresan na naman siya! Hay naku.
"Ah! Si May Greiz. Bestfriend ni Haliya. Maganda siya no? Kaya lang mahiyain." Sambit ni Tonton.
"Narinig ko mula sa iba kong kaibigan sa school nila na malandi at papansin daw sa boys yun!" Si Jessa. May pagkausisera talaga yan kaya di na ako nagtaka.
"Hindi Jessa. Maganda lang siya masyado. Kapag nakausap mo yung si May halos di makatingin mapababae o lalaki ang kausap. Paano yun naging malandi?" Sikmat ni Tonton.
"Ah basta! Ako naniniwala ako dun! Ikaw Ilustre?" Tanong sa akin ni Jessa.
"Hindi ko kilala yung pinaguusapan ninyo. Masama manghusga ng kapwa Jess. Wag kang ganyan, di mo pa naman kilala." Sabi ko naman.
"Amen!" Sigaw ni Tommy at nagkatawanan ang grupo. Nandito kami sa lumang parke. Maglalaro ulit kami ng agawan base. Si Kuya Davin kasi may ginagawa pa kaya hihintayin ko muna siyang makauwi.
"Tonton!" Dumating si Haliya na may hatak na babaeng nakayuko. Mahaba yung buhok nung babae. Itim na itim at napakaganda. Gusto ko yung ganung buhok, parang kay Mommy.
"Uy Haliya! Maglalaro kami ng agawan base! Sali kayo?" Tanong ni Tonton.
"Ilustre yan yung May! Tignan mo maganda yan!" Siniko pa ako ni Tommy kaya naman tinignan ko ulit yung babae.
"May! Tara sali tayo!" Hindi kumilos yung babae nakayuko lang. Ano kayang tinitignan niya sa sahig?
"Ahm.. Uwi na lang kaya tayo H-Haliya?" Wow! Ang lambing ng boses niya! Namawis yung tungki ng ilong ko.
"Isa lang! Promise! Pagkatapos nito uuwi na tayo! Sige na May!" Pamimilit ni Haliya. Inangat niya ang mukha at dumiretso sa akin ang tingin niya.
Para akong sinuntok sa dibdib! Ang ganda niya! Maputi at makinis ang mukha. May bilugan na singkit basta pero mas sa pagkasingkit ang mata niya. Ang kapal ng pilik nata niya na malalantik. Parang malamlam yung dating ng mata niya dahil sa pilik mata niya. Cute ang matangos niyang ilong. Kulay pink ang maliit at manipis niyang labi.
Hindi ko napigilan na mapangiti sa kanya. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya na tila ba nahiya siya dahil nakatingin ako. She blushed.
Ang ganda ganda niyang mamula!
"S-Sige." Pagsangayon niya.
"Ton, kampi kami ni May ha." Bulong ko kay Tonton.
"Type mo si May?" Ngumisi siya at ngumiti lang ako. Ano bang sinasabi niya? Ang babata pa namin para dun! Gusto ko lang siyang maging kakampi.
Habang naglalaro kami ay walang ibang hinabol si Tommy kundi si May. Kahit na nasa harap na niya ako di man lang ako napapansin.
"Mahuhuli na rin kita May!" Humahalakhak na sabi ni Tommy. Nainis ako. Hindi ba niya nakikitang pagod na si May?!
Nang malapit na sila sa tapat ko ay hinila ko si May at nilagay sa likod ko.
"Sige na May! Takbo ka na. Ako na magpapataya!" Nang malapit na si Tomy ay hinila ko ang kamay niya at idiniin iyon sa dibdib ko.
Tawa ng tawa si Tommy sa ginawa ko.
"Halata ka na Ilustre! Crush mo si May no?!" Pangaasar niya habang hila hila ako papunta sa Base nila. Di ko siya pinansin.
BINABASA MO ANG
Chasing Love. [Fin]
RomansaSuplado, tamad mag-aral at tila wala ng rason para sa buhay ang transfer student na si Henry Alonzo. Nakikita ko sa kanya ang unang lalaking nakakuha ng atensyon ko nung 12 years old pa lang ako. Kaya lang kabaliktaran niya si Ilustre. Pero bakit h...