Page 2.

25 0 0
                                    

Isang linggo akong di nakapasok pagkatapos nun. Nagkatrangkaso ako dahil sa pagpapaulan. Ilang araw akong pinapagalitan nina Papa at Mama dahil doon pero hindi ko magawang malungkot.

Naaalala ko kasi ang mukha ni Ilustre. Come to think of it, hindi ko alam kung iyon ba ang apelyido o pangalan niya. Bali-balitang sikat siya pero iyan ang tawag ng lahat. Gwapo at napakabait. Paano ba namang hindi siya magugustuhan ng lahat?

"Kuya! May mali ba sa hitsura ko?" Tanong ko kay Kuya July habang kumakain kami ng tanghalian. Wala ang mga magulang namin kaya kami lang nina Kuya at Sep ang magkakasama ngayon.

"Ate.. Hotdog!" July is now 11 years old while Kuya is 14. Second year highschool na siya.

"Sep ang takaw mo!" Sumimangot lang siya sa akin. Pero inabot ko pa rin yung hotdog sa kanya.

"Ano ba yang sinasabi mo May? There's nothing wrong with your face." Nakasimangot na sagot ni Kuya.

"Why does everyone hate me?" Mahina kong sambit. Sumubo ako ng kanin at ulam. Nagtataka kasi talaga ako.

"I've heard. Gusto ko na sanang makialam diyan sa issue mo sa school but Athena didn't want me to." Uminom siya ng tubig tapos tumingin ulit sa akin. "Sabi ni Athena we have to let you fight your own battles. Naisip ko din iyon."

"May, you are very beautiful. More that you would ever know. More than you would ever understand. Boys will flock around I am sure. You have an exceptional beauty that I don't even know where you got. Kahit sino sa pamilya natin sinasabi iyon. You should be proud. Not everyone has a gift like yours." Mahabang sabi ni Kuya. Gusto kong maiyak dahil hindi kailan man showy at vocal para sa akin.

Pero ang sinabi niya ay sobra sobra pa sa inasahan at hiniling ko. It was enough. It was what I needed.

"Thank you Kuya." Ngumiti lang siya. Maloko man iyang si kuya ay ramdam naman naming lahat ang concern at pagmamahal niya para sa amin.

"Ate, you are very pretty. Everyone in our class wants to be like you when they grow up." Sabat ni Sep na halos magpaluha na sa akin.

"Really?" I asked. Smiling at him.
"Yes Ate. They ask me where you buy your clothes. I just tell them I don't know." Muli siyang maganang kumain na lamang.

I know that I don't need everyone's approval. Minsan masarap lang talagang malaman na gusto ka ng mga tao sa paligid mo. People's appreciation boosts one's confidence and self esteem. It's what I wanted. But then I cannot please everybody. I won't care for it anymore.

Sinubukan kong baguhin ang sarili ko. Hinila ko ang confidence ko pataas para naman mas makaharap ako sa mga tao ng maayos.

Rumors about me being a flirt still lingers around me. But then, I decided not to give a damn about it. I kept thinking that these people can talk all they want but if I shield myself enough from it they can't hurt me.

Nakikita ko si Haliya sa school pero hindi na kami nagpapansinan. Pero di tulad dati di na ako nagpapaapekto. Hindi ko hinayaang panghinaan ako ng loob ng presensya niya. After all I didn't do anything wrong towards her. Ni hindi ko maintindihan ang galit niya sa akin.

Today's my last day here in this school before graduation. Half day lang kami kaya nagpunta na lamang ako sa may lumang parke. Nakita ko sila Tonton na naglalaro doon. Inaya nila ako pero magalang akong tumanggi at naupo sa swing. Bitbit ko ang binigay sa akin ni Papa na sunflower seeds.

Nakapaligid sa lumang parke ang matabang lupa na talaga namang bagay pagtaniman. Papa says I have green thumb. Nakapagpatubo na ako ng ilang halaman sa bahay namin.

I opened my bag and got my shovel and gloves. May gripo sa malapit. Maaari ko iyong gamitin upang makapagtanim.

Mabilis na sinuot ko ang gloves at may ngiti sa mga labi na nagsimula akong magtanim. I want this swing to be filled with sunflowers.

Eversince I smelled sunflower from Ilustre it became my most favorite flower. Magaling din akong magdrawing kaya naman nakahiligan ko na rin ang pagdodrawing ng sunflower.

I was so engrossed with planting that I didn't notice someone sitting beside ne until the wind blew his smell to me.

Sunflower

"You didn't look like someone who plants." I looked over my shoulder and saw him sitting on the swing. "You literally look like an angel to me." He stated that made my face red all over. Ngumiti siya ng makita iyon.

"I-I have a garden of different flowers at home." I said. Hindi ako makatingin sa bata ngunit napakagwapong mukha niya.

"I bet you do. Kumpleto ka sa gamit. And you look very beautiful while doing that. A very beautiful farmer." Lalo yatang naginit ang mukha ko sa sinabi niya. Tumambol sa pamilyar na ritmo ang puso ko. He sat beside me in a squat position.

"I would like to see these flowers grow someday." I looked at him and I saw a glint of sadness in his eyes. Bakit malungkot siya?

"Are you.. Sad?" I asked.

He smiled but he didn't say anything. He looked at me and held my shoulders. Hinila niya ako palapit sa kanya kaya naman napaluhod ako sa tapat niya. Niyakap niya ako ng mahigpit at ibinaon niya ang mukha sa leeg ko.

Nanigas ako at hindi malamang ang gagawin. Namamasa ang leeg ko. Umiiyak ba siya? Sinubukan kong itulak siya para tignan ang mukha niya pero hinapit niya ako sa likod para di ako makaalis sa pagkakayakap niya.

"I-Ilustre." I stated. He didn't move but I can still feel his silent cry. Marahan kong inalis ang gloves na suot at iniyakap ang braso ko sa leeg niya. Tulad niya ay ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya.

"Shh.. Nandito lang ako para sayo Ilustre." Mahinang bulong ko sa kanya. Marahan siyang tumango. Hindi ko napigilang mapasinghap nang pisilin niya ang bewang ko. Naamoy ko ang pamilyar at mabango niyang amoy.

My sunflower is sad.

I don't want him sad.

Akala ko madadamayan ko siya sa problema niya pero lumipas ang apat na taon ng highschool ko pero di ko na siya nakita pa ulit.

Chasing Love. [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon