Page 19.

12 0 0
                                    

"What's wrong May?" Pinukaw ng baritonong boses na iyon ang paglipad ng isip ko. When I saw his face I suddenly remembered kuya. His pain. His pleading eyes. Ang pagkadurog niya.

Ilang araw matapos ang nangyari sa bahay ay tila nawala kaming lahat sa sarili. Papa is always trying to reach out to Kuya pero parang bato si Kuya. He doesn't respond much. He just cry and space out.

Hindi ko magawang kausapin si Mama tulad ng dati. She's one of the reasons why we lost the baby. Hindi ko matanggap na magagawa niya iyon.

"Everything. Henry, dumating sina Tito Gab sa bahay para kausapin si Mama last night." Alam ni Henry ang nangyari sa amin. I told him everything. I cried my heart out to him.

He told me that things will fall into their rightful places in time. He asked me to be patient and stay beside Kuya. If there's someone in the world that I know who will understand the pain of losing someone, si Henry na iyon.

"So, how did it go?" Inakbayan niya ako. Funny how he can still make my heart do the sommersaults kahit pa sobrang wala na ako sa sarili at sobrang nasasaktan na.

"It didn't go well, nagmatigas si Mama. She kept on saying na hindi niya kasalanan. Pero panay ang hingi ng tawad. Di ko maintindihan Henry. She's not like that. Para bang hindi na siya si Mama." Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Lagi na akong umiiyak dahil sa kanila.

Hinila ako ni Henry palapit sa dibdib niya. Kumapit ako sa damit niya at umiyak ng umiyak.

"Henry, ganun ba dapat iyon? Do we also have to go through that kind of pain because of love? Henry, natatakot ako." Naramdaman ko ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko. Masuyo rin niyang hinaplos ang likod ko. Inaalo ako.

"Shh.. No. Hindi lahat ng pagibig ay ganun May. Maaaring ganun ang nangyari sa kuya mo but that doesn't mean that will happen to us too." Niyakap niya ako ng mahigpit.

I hope so Henry. I really hope so.

Hindi ko yata kasi kakayaning mangyari iyon sa akin. Pero paano? Paano kung mangyari nga iyon? Anong gagawin namin?

"If that happens one day, remember this May. I love you and I will fight for you. No matter what happens. Unless, it was you who would push me away." Lalo akong naiyak sa sinabi niya.

We've been together for almost a year but this is the very first time he told me he loves me. Kikiligin sana ako kaya lang sobrang ginugulo ako ng mga nangyayari.

Pero ang puso ko ay sumisigaw. 'Tell him! Tell him now May!'

I was about to tell him that I love him too when my phone rang.

I sighed and took my phone out of my pocket. Bahagyang humiwalay ako kay Henry. Si Hera yung tumatawag.

"O, Hera. Bakit?" Kunot noo kong tanong.

"God, May! Come here quickly! Si Kuya July!" Binalot ng kaba ang buong pagkatao ko.

"What happened?! Where are you?!" Sigaw ko. Tuluyan na akong humiwalay kay Henry at kinuha ang bag ko.

"Papunta na kami sa hospital. Punta ka sa St. Victoria. Magkita na lang tayo doon!" She dropped the call kaya nagmamadaling umalis ako doon.

Halos makalimutan kong kasama ko si Henry kung hindi niya lang hinawakan ang kamay ko.

"Sasamahan na kita. Tara!" Mabilis kaming lumabas ng Univ at pumara ng taxi.

"St. Victoria po manong! Pakibilis!" Panay ang dasal ko habang umiiyak. Hindi ko kaya kung may mangyayari kay kuya. He's been there all my life. How can Sep and I go on? Don't get me wrong, I love my parents. Daddy's girl pa nga ako eh. But Kuya July is my hero. He guided me and stayed with me through and through.

Chasing Love. [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon