Nakakaawa. Oo yan ako! Kahapon lang kami nagkita ng lalaking iyon pero God! Kunsumidong kunsumido na ako. Actually wala naman siyang ginagawang masama sa akin eh.Yun nga lang wala din talaga siyang ginawa at all!
That guy didn't bother knowing who his partner is. When I looked back to talk to him he's gone. Paano ko siya hahanapin?
I don't really wander around the campus. I am too afraid to be seen a lot anywhere. Ako yung tipong kapag mag-isa classroom, cafeteria, bahay at park lang ang pinupuntahan. Kuya July hated that I hide way too much. But I really hate the attention.
Ni hindi ko alam ang year level niya or his course para mapuntahan ko siya. Napabuntong hininga na lamang ako. Napapaisip ako na ako na lang ang gagawa ng project dahil hindi ko gustong magkamababang grado.
"May, hindi muna ako sasabay ng lunch sayo ha. Kailangan naming magresearch ni Garred para sa project natin kay Mrs. Romero." Inayos na ni Hera ang gamit niya at tumayo na sa upuan. I started to get irritated again dahil naalala ko nanaman yung kumsumisyon ko kay Henry.
"Okay." Sagot ko. She went out of the room together with our classmates. Naiwan ako dun. Yumukyok ako sa mesa dahil sa frustration. God!
"Nagkakampo ka na naman pala dito May." Lumingon ako. There I saw Kiyoshi Himamoto. Hindi ko siya manliligaw at hindi ko rin matawag na kaibigan. Well, Kiyoshi is kinda off to people just like me. I don't know why pero hindi naman ako nagtatanong din. Bukod sa wala naman akong pakialam ay hindi ko gustong isipin niyang gusto kong panghimasukan ang privacy niya. Ganoon din siya sa akin.
Well, we met in the same way a year ago. He loved going to places where he can be alone ganoon rin ako. We talk pero mostly mababaw na usapan lang.
"At balak mo na ding magkampo dito. Tama ba ako?" Nangingiting sagot ko. I hate to admit but talking to Kiyoshi makes me happy. Para kasing nagkakaroon ako ng kakampi sa mapang-aping mundo na ito.
"I would love to. Okay lang ba?" Tanong niya habang papalapit sa upuan ko. He sat 2 seats away from me. Sanay na ako. Ayoko din naman na sobrang lapit niya sa akin.
"Okay lang. But I am afraid, I have to take my leave. Sayang naman ngayon lang tayo ulit nagkita." Inayos ko na ang gamit ko.
"Why? May gagawin ka?" He shot me curious look. Gwapings din talaga tong si Himamoto. Medyo mahaba ang buhok na magulo din ang ayos. Matangos ang ilong at singkit ang mga mata na medyo malaki para sa karaniwang hapon. Mapula din ang mga labi. He looked like an anime character brought to life.
"Too nosy today Himamoto-san?" Nginisian ko siya. Kitang kita ko ang pamumula ng tenga niya. "Wow! You're blushing! You look so cute Hapon! Well, to answer your question.. Lunch time na kasi. I have to eat." I smiled when I saw his face flooded with relief. Pinulot ko ang panyo kong nasa sahig na pala.
"Ahm.. May?" Inangat ko ang tingin ko sa kanya ng tawagin niya ako.
"Yes, Kiyoshi-kun?"
"Can I.. Ahm. Can I go with you?" His face looked so unsure. I know Kiyoshi doesn't have much friends as I am. And he's not bad at all. Maybe being real friends with him won't hurt right?
"Maraming makakakita sa atin Hapon. I told you before how people would tag me as a flirt and all. Baka isipin nila ikaw ang bago kong biktima. Would you be okay with that?" I raised my brows at him. He gave me a big smile and nodded his head.
"I am fine May. Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba." He smiled wider when I nodded with what he said.
"Alrighty Hapon! Let's go grab something to eat!" Tumayo na ako at lumakad patungo sa pinto. Nakasunod na siya sa akin. I stopped for a bit kasi medyo magulo yung kwelyo ni Kiyoshi.
Kahit nasa hallway na kami at pinagtitinginan ay hindi ko napigilan ang paglapit upang maiayos ang kwelyo niya. Pininpin ko iyon at pinasadahan ng palad. There! OC kasi ako sa damit. Ayoko talaga ng lukot.
"May?" He asked tentatively. I looked up to him and saw that his face was really close to mine now. Napalunok ako. Fudge!
"I.. Ahm.." Mabilis na umatras ako at kumamot sa noo. "Sorry Hapon! Nakita ko kasing lukot. Di ko napigilan." Nahihiyang sabi ko.
"Nah. It's okay. Thank you May. Let's go?" He said. I nodded again. Tumingin ako sa daraanan namin nang makita ko ang pamilyar at malamig niyang mga mata. I can sense that he was watching me.
"Uy! Henry!" Sigaw ko. "Wait lang Hapon." Nagmamadaling nilapitan ko si Henry na nakasandal sa barandilya. "Kahapon pa kita hinahanap."
Kinuha ko ang sticky note ko sa bag at naghanap ng ballpen. Shit! Asan na ba iyon?!
Napatingin ako sa bulsa ng polo niya. May nakasuksok na ballpen dun kaya kinuha ko iyon at isinulat ko sa note ang pangalan ko, email address at phone number. Ibinalik ko ang ballpen sa bulsa ng polo niya at tinapik pa iyon habang nakangisi.
"Eto ang contact details ko. Pagusapan natin yung sa project natin ha? Sayang ngayon sana kaya lang maglalunch kami ni Hapon. Basta imessage mo ako ha?!" Sigaw ko sa kanya habang nakangiti. Hindu nagbago ang malamig niyang ekspresyon. Bahagyang nakakakilabot iyon pero tinatatagan ko ang loob.
He's not my sunflower. He's not Ilustre! Come on May!
"We'll go ahead now. Kiyoshi-kun! Let's go! Talk to you soon!" Paalam ko kay Henry. Ngumiti ako at akmang tatalikod na nang makarating sa tabi ko si Hapon.
"We'll talk now." He stated in a very low and cold voice. Grabe ang pagkamanly nun sa pandinig ko. Nakakakilabot.
"B-But." Alangan akong tumingin sa kanya. Nang marealize niyang hindi ko alam ang gagawin ay hinawakan niya ako sa braso at hinila palayo kay Hapon.
"No buts May. Let's go." Pumiglas ako sa hawak niya nang marealize ko ang ginagawa niya. Leche tong Henry na to! Dominante! Ayoko ng pinangungunahan ako!
"Message mo na lang ako! Maglalunch pa kami ni Hapon!" Sigaw ko sa kanya.
"No." His jaw clenched. Kitang kita ko sa mukha niya na hindi siya papayag sa gusto ko. Susuko na lang ako kesa makipagaway.
"Sorry Kiyoshi-kun! We'll have our lunch some other time." Kumaway na lamang siya kahit na kita ang lungkot sa mga mata niya. Naaawa ako kay Hapon. Hays.
"Tsk. There'll be no next time!" Asik ng katabi ko.
"Says who?" Sikmat ko.
"Me. Kanino mo ba narinig?"
BINABASA MO ANG
Chasing Love. [Fin]
RomansaSuplado, tamad mag-aral at tila wala ng rason para sa buhay ang transfer student na si Henry Alonzo. Nakikita ko sa kanya ang unang lalaking nakakuha ng atensyon ko nung 12 years old pa lang ako. Kaya lang kabaliktaran niya si Ilustre. Pero bakit h...