Page 22.

15 0 0
                                        

Lumipas ang ilang taon at naging maayos naman ako. Oo mahirap, dahil alam ko sa kaibuturan ng puso ko nagpapanggap lang akong masaya.

Hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari. It's been 2 years and the pain felt like everything happened yesterday.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapakitunguhan ng maayos si Mama. Ang takot ko sa kanya ay nananatiling buhay sa loob ko. Mama came back as if that nightmare didn't happen at all. And I can't help but worry na baka hindi pa rin talaga maayos ang lahat.

Ni hindi siya humingi ng kapatawaran sa amin. Something's wrong somewhere in between.

"Weird lang kasi bumalik siya na parang wala lang!" Sinasabi ko lagi kay Hera ng worries ko about Mama.

"I understand. Nakita ko at naranasan mo ang kakaibang ugali ni Tita. Hindi nakakapagtakang pagdududahan mo siya. But if you feel threatened, baka mas magandang sa amin ka na muna tumira." May pag-aaalala sa mukha niya.

"I will think about that. Hindi ko nga lamg alam kung pano sasabihin kay Papa. Baka masaktan siya." Sagot ko. Tumango tango siya.

"Maiintindihan ka ni Tito. He blamed himself for not being able to save you and your Mama. Kung sasabihin mo sa kanya iyang pangamba mo sigurado akong pagbibigyan ka niya." Tumango tango na lamang ako.

Lumabas kami ng kwarto ko. Ngayon ang family dinner namin para sa pagsecelebrate ng pagbubuntis ni Tita Grethel.

Nang lumipat kami sa kabilang bahay ay halos naroroon na silang lahat.

"Pakitawag naman si November sa taas May. Kinatok ko na kanina pero di pa bumababa." Nakangiting pakiusa ni Tita kaya naman tumango na ako at umakyat. Nakita ko si Sep tapat ng kwarto ni November. Naguusap sila. Siguro si Sep na ang tumawag kay Novie.

Pag tinitignan ko itong dalawang ito ay may nararamdaman akong kakaiba. Para bang may something sa kanila.

Ipinilig ko ang ulo. Ano ba itong pinagiiisip ko. Wag mo silang pagisipan ng masama. Hay naku May! Malapit ko na rin isipin na nababaliw na rin ako.

Hinayaan ko na lamang sila at muling bumaba. I told Tita na pababa na rin ang mga iyon. Nagsimula na kami sa pagkain.

Nang bumaba si Novie ay napansin ko ang pagkabalisa niya. She's trying to mask it pero masyado kong kilala ang batang ito upang hindi mapansin ang dinaramdam o iniisip niya. Napatingin ako kay Hera.

She looked at me too, my worry for Novie mirrors her. Pero tulad ko ay hindi siya nagsalita. Napagdesisyunan ng pamilya na magbakasyon sa bagong resort ni Tito Ger.

The dinner ended quietly and we decided to continue this with a little alcoholic celebration. Dahil buntis si Tita ay napagdesisyunan naming sa bahay na lamang kami.

Maganda ang kalangitan. Mababanaag ang maliwanag na pagkislap ng mga bituin. Nakatingalang niyapos ko ang sarili.

I thought of him again. For years he'd been filling up my thoughts endlessly, it's like he never left.

Are you looking up at the same sky right now Henry? Do you like it? Gusto mo rin ba ang mga bituin, my sunflower?

Sunflower..

It feels like ages ago when I last called him that. I loved both versions of Henry. Ilustre my sunflower and Henry my Elsa-Boy version.

"Stop thinking about the guy who never waited for your explanation. Alam mo May, natutunan ko na ang pagibig ay dapat nakakaintindi. When Pining decided to heal away from me, I didn't understand it at first. What the hell di ba? Can't we heal together? They say two heads is better than one. I believed that two hearts are stronger than one. Pero nang lumipas ang may isang taon at nakita ko siyang ngumiti ulit. Hindi kasing ganda ng ngiti niya dati pero atleast nagagawa na niya." Inakbayan ako ni kuya. Tulad ko ay nakatingala siya sa langit.

"Narealize ko na iyon pala ang ibig niyang sabihin. Na maaaring nabasag kami nang magkasama at ang kahit na anong nabasag at pinilit ipagsama ay mananatiling may lamat. Baka hindi na niya ako mapagkatiwalaan muli at baka ako rin ay maging ganoon. Tama nga na hayaan naming maghilom ang isa't isa. At iyon ang gagawin ko. Tatanawin ko siya mula sa malayo. Mamahalin at hahayaang maghilom habang naghihilom ako."

Tinapik ni Kuya ang balikat ko at tumingin siya sa akin.

"Let Henry heal whatever broke him. Kung tama nga ang hinala nating may kinalaman si Mama sa nangyari, maaaring mas masama ang kahinatnat kung pilit mong hahabulin ang multo ng pagibig niya. Heal yourself too. Let love be your guide. Hindi puro sakit ang pagibig May. Maaaring kaakibat iyon ng pagmamahal pero mas matimbang ang ligaya. Matuto ka ring magpatawad because love forgives. Forgive Mama, forgive yourself and forgive Henry for leaving. Maybe then you will be able to finally have the peace and love without holding back."

"Kuya, you were so broken before. How were you able to come up with that thinking? Napatawad mo na ba si Mama?" Nagtatakang tanong ko. Sa totoo lang hindi ko makapa sa puso ko ang lubos na pagpapatawad naroroon ang takot ko. Natatakot ako na baka isang araw, Mama will snap again and she'll kill me for real. Natatakot akong magtiwala sa kanya.

"Ayokong magsinungaling sayo May, hindi pa buo ang pagpapatawad na ibinibigay ko kay Mama but I am getting there. Nakikita ko ang subok niyang pagbawi. She's reaching out so I will let her in. Ganoon rin ang gawin mo May. After all, we are her children. We came from her blood and flesh. Give her a chance. Give yourself a chance May. Forgive then love without holding back. Hindi man si Henry, gawin mo iyon kapag nakilala mo na siya." Ginulo ni kuya ang buhok ko.

Kung dati iyon ay nagwala na ako sa inis but tonight? That gesture felt so good. I appreciate all the lambing kuya is giving me. Napakasuwerte ko at siya ang naging kapatid ko. Mula noon hanggang ngayon ay nanatili siya sa tabi ko.

His pure loving heart is so big that he can even forgive Mama for everything she'd done. For everything that happened.

Pero napapaisip ako. Kaya ko ba? Saan ako magsisimula? Paano?


Chasing Love. [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon