Ang daming sunflower! Ang sarap ng amoy dito!
Inilibot ko ang mata ko at tila walang hanggang taniman ng sunflower ang naririto. Masarap sa pakiramdam ang dampi ng hangin sa balat ko. Maaliwalas rin ang panahon.
This place makes me feel so peaceful and relaxed. Na tila ba walang problema. Purong kasiyahan lang. God! I could live here forever.
Tumakbo takbo ako sa field na iyon hanggang sa makarating ako sa lumang parke. Marami ring sunflower na nakatanim doon.
"Buti na lang sumunod sila sa usapan na imimintina ang buong paligid at tataniman pa ng mas maraming sunflower!" Napangiti ako.
Mabilis na lumapit ako sa swing. I saw a young boy sitting on one of the swings there. He's with a young girl. They're laughing while talking as if they own the world. Napangiti ako. Parang kami lang noon ni Henry ah!
Ganito kami noon ni Ilustre. Tatambay sa lumang parke at magkukwentuhan. Tatawa ng walang humpay at uuwi pag malapit nang dumilim. Napapitlag ako nang biglang nawala ang imahe ng batang lalaki at batang babae. Napalitan iyon ng imahe ng isang magandang dalaga.
Nakatalikod siya sa lalaki habang nagsasalita iyon. Kitang kita ang pagkalito sa mukha ng babae at ang pagtangis niya. Habang ang lalaki naman ay nakatingin ng buong pagmamahal sa babae.
Wow! Parang nangyari din ito sa amin ni Henry ah! Weird!
What I see became distorted as if it's a tv screen na walang mahagilap na signal.
"Akala mo papayag ako ha?! Hindi ako papayag!" Nakakapanghilakbot na sigaw ng isang babae!
Nakaramdam ako ng takot. Parang dumilim ang paligid. Nalanta lahat ng sunflowers at puno.
Sinulyapan ko ang walang hanggang taniman ng sunflower. Kalunos lunos ang hitsura nun at lanta ang lahat ng bulaklak.
Masakit! Masakit sa puso ang lahat ng nakikita ko. Parang pinipisil ng malaking kamay ang dibdib ko. Ang mga sunflower ko!
"I love you and I will fight for you no matter what happens. I wont leave you unless you leave first." Anang baritonong tinig. Lumakas ang kabog ng puso ko habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko.
"Mahal kita Henry! Mahal na mahal kita!" Sigaw ko kahit na walang nakakarinig sa akin.
"Hindi! Hindi magagawa ni May sa akin ito! Hindi niya ako iiwan!"
"May? May?!" Sinubukan kong imulat ang mga mata ko. Mahirap pero pinilit ko. "Fuck! Thank God! May! Doc! Gising na si May!"
"Ku-Kuya.." Halos walang boses kong sambit. Hinaplos niya ang ulo ko.
"Shh. Wag ka munang magsalita May." Umatras siya nang dumating ang mga nurse at sinuri ako.
"May sundan mo ang ballpen na ito gamit lang ang mga mata mo okay?" Mabait ang mukha ng doktor pero nakakastupid kasi yung pinapagawa niya. Gayunpaman ay sinunod ko siya.
Pakaliwa, pakanan, paitaas, paibaba. Nakasunod naman ako.
Ngumiti siya.
"She's fine. Maayos ang lahat ng vitals niya and the test results show na wala namang damage sa utak niya." Nilingon ng Doktor ang nagaaalalang mukha ni Papa. Napangiti na rin si Papa.
"Thank God! May kailangan ba siyang inumin na gamot? Vitamins?"
"Wala naman Mr. Rivera. But I suggest you let her stay here in the hospital for another 2 days for complete rest." Umalis na ang doktor matapos sabihin iyon.
"Sobrang natakot kami para sa iyo May!" Niyakap ako nina Hera at November. Dumating silang lahat dito nang malaman nilang gising na ako. Si Helise at Heath naman ay nakangiti lang sa likuran ni November. Nilingon ko si Sep na may maaliwalas na ring ekspresyon sa mukha.
Lahat sila pati sina Kuya Drako ay naririto pero ni minsan sa loob ng dalawang araw na nakalipas ay hindi ko nakita si Henry.
"Kuya, nasaan si Henry?" Tanong ko. Yumuko si kuya.
"Hindi siya pumunta rito kahit isang beses sa loob ng apat na buwan na comatose ka." Direktang sagot niya.
Binalot ng sakit ang dibdib ko. Henry.. Bakit? Bakit di mo ako pinuntahan?
"Sinubukan ko syang kausapin pero iniwasan niya ako. Pasensya ka na May, gustuhin ko man ay hindi kami lahat mapakali para sayo. Nagaaalala kami kaya walang humabol habol sa kanya." Nakakaintinding tumango ako.
2 days after komg maadmit sa ospital ay naadmit din si Mommy sa Mental Institute. She was suffering from severe depression at dahil may violent tendencies siya ay nanatili muna siya doon.
Sabi ni Papa ay umaayos na ang lagay ni Mama doon. Pero gusto nilang makasiguro kaya mananatili pa siya para bunuin ang isang taon.
I saw my Papa's devastated face when he was telling me that. Alam kong napakahirap nun para sa kanya. He loved Mama so much and he loves us too. Alam kong naipit siya sa isang sitwasyon na hindi niya madaling malusutan.
It was as if he needs to choose between his wifr and his kids. Mahirap at masakit. Kahit ako ay nasaktan sa mga nalaman ko.
Hindi ko maalis ang imahe ng galit na galit na mukha ni Mama sa akin. Nung unang magising ako ay takot na takot ako nang lapitan ako ng babaeng doktor na nagaasikaso sa akin. The trauma was so deep that it made me think that she's my mother and she will hurt me too.
Nagwala ako at napilitan silang patulugin ako kahit na kakagising ko lang mula sa pagkakacomatose. Pinalitan din ng lalaki ang doktor ko.
"Cheer up princess!" Everything's going to be okay." Nakangiting sabi ni Kuya July sa akin. That made me feel much better.
Nalulungkot ako na bukod sa hindi ako binisita ni Henry ay hindi rin ako nakaattend sa graduation nina Kuya.
Nagtatrabaho na sina Kuya ngayon at sobrang naappreciate ko na nandito sila. Ngumiti ako pabalik sa kanilang lahat and I muttered a soft thank you for everyone.
"Hera. Alam kong nakausap mo si Henry. Usisera ka eh. What happened to him?" Lumukot ang mukha ni Hera.
"Grabe sa Usisera part ah. Okay! Honestly nalito ako sa mga sinabi niya. I told him where is he. He said you fucking asked him to go away. Tapos hahanapin ko daw siya? I was about to explain when he said you told him to go hell and never show his face again. That you never loved him and you never will. Narinig kong may nagannounce ng flight number sa background. I am pretty sure he went out of the country. Gusto kong sabihin sa kanya na paano mo sasabihin iyon eh comatose ka? Inisip kong nagdadahilan lang siya but May.. I heard pain in his voice. Rinig na rinig ko ang pamamaos niya na tila ba galing sa iyak. Tinawagan ko siya ulit pero his phone is already unattended." Malungkot niyang sabi. Napatango na lamang ako.
Ayoko mang isipin pero nararamdaman kong may kinalaman si Mama sa nangyari. Ayoko nang dagdagan pa ang galit at sakit sa pamilya kaya mananahimik na lamang ako.
Siguro'y hindi nga talaga kami para sa isa't isa ni Ilustre dahil sa ikalawang pagkakataon ay iniwan niya ako.
Naalala ko ang panaginip ko habang comatose ako.
Ang mga lantang sunflower. Siguro ito ang ibig sabihin nun.
That my sunflower's love for me withered and is now dried. That my sunflower's love isn't really for me.
Maybe we're just not meant to be.
BINABASA MO ANG
Chasing Love. [Fin]
RomansaSuplado, tamad mag-aral at tila wala ng rason para sa buhay ang transfer student na si Henry Alonzo. Nakikita ko sa kanya ang unang lalaking nakakuha ng atensyon ko nung 12 years old pa lang ako. Kaya lang kabaliktaran niya si Ilustre. Pero bakit h...