Page 1.

33 0 0
                                    



"Papansin."

"Halata namang malandi siya." Tumaas ang kilay sa akin.

"Nagpapabait kuno para mas marami pang magkacrush sa kanya."

"Plastic!"




Humigpit ang kapit ko sa yakap kong mga libro. Nanginginig na ang mga labi ko sa sakit na nararamdaman. Bakit? Ano bang ginawa ko sa inyo?


"Wag mo silang pansinin May!" Inakbayan ako ni Haliya at sumabay sa mabagal kong paglakad papunta sa room. "Maganda ka kasi masyado May. Mabait pa. Kaya naman naiinggit sila sayo." She smiled and lead me to our chair inside the room.



I felt warm. Atleast I have Haliya. If not for her I don't know how will I be able to catch up with this school. Gustong gusto ko ng sabihin kina Papa na gusto kong lumipat ng school. But then, paano si Haliya?


Kaya ko pang magtiis. Saka malapit na kaming matapos sa elementarya. Kapit lang May!


Naglalakad na ako pauwi nang makita ko sa lumang parke si Tonton. Gusto ko siyang tanungin kung nasaan na si Ilustre? Lagi na lang kasi siyang wala kapag naglalaro sina Tonton at Haliya.


Tulad ng mga nakaraang araw ay titigil ako para sana lumapit at kausapin siya. Pero tulad din ng dati hindi ko magawang makalapit man lang.


"Bye!" Sakay na siya ng bike na umalis na marahil para makauwi.




"Ayokong isipin na tama sila May. Pero bakit?" Nagulat ako nang magsalita si Haliya sa likod ko.


"Haliya!" Napatingin ako sa mukha niya. Kita ko ang pagluha niya. "H-Haliya! Ba-Bakit ka umiiyak?"

"Bakit?! Akala ko iba ka May! May tinatago ka nga sigurong kati!" Marahas na pinunasan niya ang luha sa mga mata niya.

"Ha-Haliya! Ano ba yang sinasabi m-mo?" Naluluha na ako sa pinagsasasabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Wag ka ng lalapit pa sa akin! Nandidiri ako sayo!" Sigaw niya. Tumakbo siya palayo sa akin. Takang taka ako pero sobrang nasasaktan at naiiyak na.



Akala ko din Haliya, iba ka sa kanila. Ano to?


Nanghihinang napaupo ako sa swing na malapit sa kinatatayuan ko.

Ibinigsak ko ang gamit sa sahig. Mahigpit na napakapit ako sa kadena ng swing. Hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung bakit. Ano bang kasalanan ko? Kasalanan ba ang mukha na ito? Ayoko na! Isa lang si Haliya sa bilyong tao sa mundong ito ang sumubok na manatili sa tabi ko. Pero tatalikod din pala siya.


Isang mabining patak ng ulan ang tumulo mula sa langit. Mas lalo akong naiyak. Kahit langit iniiyakan na rin ako! Napailing ako. Hindi kumilos. Nanatiling nakaupo.


"Weird." Kumalansing ang tunog ng kadenang nagalaw. "Maaraw pero umuulan." Napatingin ako sa nagsalita.


"I-Ilustre!" Mapangunawang ngiti lang ang pinakawalan niya.


"Strange right? Strange that even with the sun this high, rain would still fall. Baka may gustong tulungan ang langit." Magkalapit na magkalapit lang ang swing na kinauupuan namin. Kaya naabot niya ang pisngi kong nilalandasan ng luha.


"Maybe God doesn't want to see the tears of his beautiful angel." Napatigil ako sa pagluha. Nanlalaki ang mga mata ko sa kanya. He cupped my face with his young warm hands.


"Kung ano man ang nagpapaiyak sayo May, please remember. You are one of God's greatest creature. You breathe, you laugh, you smile, you cry and you are alive. Being alive is already a reason to be happy. It's more than enough reason to keep you going. So smile May."


Pinunasan ng mga hinlalaki niya ang luha ko kahit na alam naman namin na hindi na niya halos makikilala iyon dahil sa ulan. Nababasa man kami parehas ay walang kumilos sa amin para umalis doon at sumilong.

Nanatili akong nakatingin lamang sa kanyang mga mata na kasing itim man ng langit sa gabi ay nangniningning naman sa saya. Mababanaag ang pangunawa. He's like my very own sun that even after a cold storm or even after the sun above hides for the night to conquer the sky, he's still there. Shining his own light to brighten my way.


Hinawakan niya ako sa braso at hinila palapit. Napatayo ako sa harap niya. Kahit nakaupo siya dahil sa tangkad niya ay halos katapat lang ng balikat ko ang mukha niya habang nakaupo pa rin siya sa swing.


"Please smile for me May." Isinandal niya ang noo niya sa balikat ko. Gusto kong ngumiti pero ang ngiti ko ay nagiging ngiwi hanggang sa napapaiyak na ako. Hindi na sa sobrang lungkot kundi dahil natatouch ako sa kanya.


Sa sinasabi niya. Sa pagpapahiwatig na mananatili lang siya doon.


"Wag ka ng umiyak May! Lalo kang gumaganda sa paningin ko eh." Nagulat ako sa sinabi niya kaya nanigas lang ako sa pagkakatayo ko. Naramdaman niya yata iyon kaya humalakhak siya.

"So damn cute May." Biglang tumigil yung ulan. Basang basa kami ni Ilustre. Parang nagjoke lang yung langit kanina eh.


Sumisilip ang ilang sinag ng araw sa pagitan namin Ilustre. Bahagyang nakatingala siya sa akin. Ang paghalik ng sinag ng araw sa mukha niya ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang aura. Lalo na't kita ang ngiting sumasayaw sa mga mata niya.



"Makakalagpas ka rin May. Always remember, after the rain.. There's always a.." He smiled even more then he turned me around to face the sky. Isinandal niya ang pisngi sa gilid ng kaliwang braso ko. Itinaas ang kanang kamay upang ituro ang langit.

"..rainbow." Nilipad ng hangin ang buhok namin ng humampas iyon sa amin. Napapikit ako ng magaan ang pakiramdam. Na tila ba nilipad din ng hangin ang pait sa dila ko at ang bigat sa puso ko.


Ang ganda ng langit. Ang ganda ng bahaghari. Ang ganda ng paligid. Maliwanag sa lumang parke kahit na nagsisimula nang magagawan ang dilim at liwanag sa kalangitan. Pero mukhang masaya ang paligid.


Kasing saya ko ngayon habang hawak ako ni Ilustre at naamoy ko ang amoy niyang gustong gusto ko.



Sunflower..

Chasing Love. [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon