Page 9

15 0 0
                                    


Itinali ko ang shoe lace ko tapos tumingin na ako sa salamin. Satisfied na ako sa hitsura ko. Di ko nakahiligang magayos masyado. Nakasuot lang ako ng maluwang na puting shirt at sports bra na itim sa loob. Sa sobrang laki ng shirt sa akin ay bumababa iyon sa isang balikat ko. Leggings na itim at shoes na puti.


Ipinusod ko ang buhok ng mataas. My hair has always been long. Naisip kong magpagupit. Maybe later.


Isinuot ko na ang aking gym bag at lumabas na sa kwarto. Mahilig akong magwork out. Lalo na kapag stressed ang utak ko. At ngayon ay stressed na stressed ako. Bwisit na Henry iyon! Lalo niya akong nililito.


He made me feel different kinds of emotions 2 days ago before going home. I was so goddamn confused, I couldn't concentrate at school.


Napailing na lamang ako.


"Text me kapag papasundo na kayo ni Hera ha? I will just visit Athena and the boys." Tumango lang ako kay kuya. Dito na kami sa Il Centro magkikita ni Hera. Ayoko na din kasing lumayo. Isa pa sanay na akong maggym dito.



Medyo weird lang yung pwesto ng gym na ito sa mall. Paano paglabas ng gym naglipana ang restaurants. Temptation to eh. Well, not for me. Hindi ako tabain at di ako nahahalina ng pagkain masyado.

"Hindi ko maintindihan ang hilig mong ito sa gym May! I mean, look at you! Your body is perfect." Napapailing si Hera habang naglalakad kaagapay ko.


"Tamad ka kasi! If you really hate working out you can just wait outside. I won't be long. An hour or two is enough for me." I smiled at her. Ayoko namang pilitin siya. Tamad kasi talaga to. Ayaw magkikilos.


"Wow! Sige. I will wait for you sa infinitea ha? I love you pinsan!" She exclaimed and walked out. Napailing na lang ako.



"Nandito ka na naman May?" Sumimangot ng pabiro si Pablo sa akin. He'd been my trainer since forever. At eversince lagi niya akong sinasabihan na hindi ko kailangan to. Ako lang mapilit. He made me a routine and a diet na hindi papayat masyado ang katawan ko.


"Why? Kakabayad ko lang ng 1 year membership last week. Masama bang sulitin?" Nginisian ko siya. He smiled gently. Pablo's like a brother to me. He knew my dillema and he tried to ease some of it while we work out.


"Tara na nga. Wag ka muna magcircuit training ngayon. Just take 30 on the treadmill after your usual warm up. I will be back after 45 minutes to check on you ha? We have new members. Medyo busy today." I nodded at him. I walked to the locker area and put my things in. Ikinabit ko sa braso ko ang lalagyan ko ng ipod at ikinabit sa tenga ang earplugs. Nasanay na akong nakikinig ng music habang nagwowork out.


It relaxes me. I went in to my mat and started my warm up. Minsan ay dinadagdagan ko yung routine kapag nabobore na ako nun. After my warm up, I went to the treadmill. Isinet ko iyon sa gusto kong bilis at tumakbo.


I remembered Henry's troubled face. He looked like he wanted help but he can't seem to accept defeat of whatever's troubling him. Nakita ko ang resistance niya. Ramdam ko rin ang pag-aalinlangan. Alam kong may bumabagabag sa kanya. And I want to know more. I want to be there for him. I sighed.



I tried to shake off whatever bothers me. I saw someone take the treadmill beside me. Alam ni Pablo na hirap akong magconcentrate kapag may katabi. Baka hindi niya nasabihan.


I shrugged, in the first place di naman akin itong gym. Anyone can go anywhere they want anyway. Nagsimula na akong pawisan. This is what I loved the most. This makes me feel a lot better.


Chasing Love. [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon