Page 27.

17 0 0
                                    

Naghiwalay na kami ni Ara. Sabi ko ay gusto ko pang maglakad lakad. Siya naman ay kailangan ng umuwi. Pagtingin ko sa oras ay 11pm na pala. Ay grabe lang! Di ko napansin. Nagsimula na akong maglakad pabalik sa hotel.

Medyo malamig pero tolerable naman. Sanay na ako sa malamig. Nainlove pa nga ako sa taong yelo eh.

Tumingala ako at tumitig sa magandang kalangitan. Gustong gusto kong nakikita ang bituin. Napalitan nga yung ceiling ko ng drawing ng night sky.

"Aray!" Halos humagis ako sa mga halaman sa gilid sa lakas ng impact ng bumagsak sa akin. Buti sana kung bagay di ba? Kaya lang tao to. Malaking mama.

"Hey! Are you okay?" Iniangat ko ang mukha ng lalaki na nasa balikat ko. Ang bigat!

Napanganga ako nang salubungin ako ng pamilyar na mukhang iyon! Namumula ang buong mukha niya at sumisingaw ang amoy ng alak sa kanya. Humahalo iyon sa mabangong amoy ng pabango.

"He-Henry?" Lasing na lasing ang hitsura niya at hindi makapagfocus ang mga mata. Nagalala ako bigla sa kalagayan niya! Bakit ba siya naglalakad ng ganito kalasing? Baka mapahamak siya!

God! Is this how you live your life now Mr. Hot-Shot Chef Henry?! Nanggagalaiting hinila ko pataas ang katawan niya para makatayo. Ang bigat bigat niya ah!

"K-Kailan ba ako tatantanan ng mga imahe mo May? Kesyo matino o lasing ako n-nakikita kita!" Sluggish ang boses na sambit niya. Ganun pa man ay ramdam ko ang pait sa sinabi niya.

Talaga ba Henry? Tulad ko'y kumukudlit din pala ako sa isipan mo?

"Alam mo Miss na kamukha ni May, mahal na mahal ko yun! Iyan! Iyang mukha mo! Lagi ko pa ngang napapanaginipan eh! Bastos! Oo bastos pati panaginip ko! Hanggang doon na lang kasi." Iisipin ko na sana na pinagtitripan niy lang ako pero nagulat ako ng sumighot siya at humikbi.

"Ang sakit sakit na Miss! Lagi kong naaalala yung sinabi ng Mama niya. Hindi na daw niya ako gusto at magpapakamatay siya kung lalapit pa ako sa kanya. Ayokong mamatay si May. Mahal ko yun eh! Kaya lalayo na lang ako." He sobbed. Namutla ako sa sinabi niya. Hindi ko mapigilan ang pagbalong ng luha sa mga mata ko.

Sobrang saya at sarap sa pakiramdam na malamang mahal niya pa rin ako. Pero may kasalanan pa siya! Sino ba yung Carol na iyon?! Argh!

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Alam kong mahirap para kay Henry ang magmove on. He couldn't step forward kaya malamang nasstuck siya. Maswerte akong nandiyan si Hera. Eh siya?

Binalot ng sakit at pagkaawa ang puso ko.

"Tara ihahatid na kita sa bahay mo. Saan ka ba nakatira?" Pagkausap ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya na bahagyang lumayo sa akin.

"Fucking piece of bull! You also sound like her!" Ipinilig niya ang ulo at tila ba lalo siyang nahilo sa ginawa kaya gumewang kami.

"Wag kang malikot. Tara na ituro mo kung saan papunta sa bahay mo." Itinuro niya ang bahay sa likod namin. Ay peste! Dito lang pala! Hinila ko siya hanggang sa makarating kami sa tapat ng pinto.

"Keys?" Sabi ko. Napangisi si Henry at tila nangaakit na tumingin sa akin. Nangilabot ako. This sensation is seriously driving me nuts! Tingin at ngisi lang iyan May ah!

"You're aggressive. I like that. Kiss na ba tayo?" Kulang na lang ay sakmalin ko siya sa gigil! Kailan pa naging malandi itong kumag na ito?! Binabawi ko na yung kilig ko!

"Tanga! Yung susi ng bahay mo kako!" Binatukan ko siya pero mukhang wrong move iyon dahil biglang gumewang na naman kami. Hays! Subukan mo pa uling maglasing nyemas ka!

Inabot niya sa akin ang isang bungkos ng susi. Yung totoo? Alin dito?! Hays. Wala naman akong choice kaya sinipat ko yung keyhole habang naka-akbay siya sa akin. Hinanap ko ang susi and after several attempts nabuksan ko rin ang bahay niya.

Hinila ko siya papasok at isinara ng pinto. Studio type iyon at walang second floor. Mukhang ayaw talaga ni Henry sa bahay na may ikalawang palapag. Ganito rin kasi yung bahay niya sa Pilipinas.

Tila walang pinagkaiba ang estilo ng bahay niyag iyon sa dati niyang bahay. Even the kitchen looked the same kaya sigurado akong ang pinto na nasa kanan ang kwarto niya. Hinila ko siya doon at binuksan ang kwarto. Maganda at malinis. Iyan ang impresyon ko sa kwarto niya.

Napakabango rin doon tulad ng amoy niya. Hinila ko siya palapit sa kama at pabagsak na binitawan ko siya doon.

Gumapang naman siya pataas patungo sa unan at niyakap iyon.

"May, sana paggising ko nandyan ka pa rin ha? Hmm?" He pouted his cute red lips while looking at me. His eyes aren't that cold. Mukhang may nagbago nga sa loob ng maraming taon na nakalipas.

Marunong na rin siyang magpacute. Tumango na lamang ako at ngumisi sa kanya. He closed his eyes as if he was contented with my response. Napatingin ako sa bedside table niya. Nagulat ako nang makita ang mga litrato ko doon. It's not just the old one. There's recent pictures too.

"Paanong?" Napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang braso ko. Hinila niya ako palapit at niyakap sa bewang. God this guy! Magkakaheart attack ako sayo eh!

Sa pagkabigla ko ay hindi ako nakalayo sa kanya. Patuloy lang ang palpitation sa dibdib ko at ang pamilyar na haplos ng maiinit na damdamin sa puso ko. Kinikilig talaga ako sa kanya!

"Yayakapin nanlang kita kasi wala akong tiwala, baka bigla ka na lang mawala eh." He closed his eyes. Hinaplos ko na lamang ang kanyang ulo habang tila napapanatag na ang kanyang paghinga. I am sure that he's slowly falling asleep now.

"Mahal na mahal kita May. Wag mo na akong palalayuin sayo ha? Mahal kita." He murmured.

Tila sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba! Ang saya saya ko na parang hindi totoo ang nangyayari. Am I imagining things? Sana hindi! Ayokong maging isang panaginip ito dahil magiging masakit ang pagbulusok pababa kung sakali.

"Sleep now my Sunflower. Mahal na mahal din kita." He showed me a small but happy smile while his eyes are closed. I lowered my face down and planted a kiss on his lips. "I love you Henry."

Chasing Love. [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon