I can't leave him like this. I have to be with him. I decided to call at home and tell them I will stay at a friend's house for tonight.
"May, sinong kaibigan iyan? Wag mo akong lokohin si Hera lang ang tanging tao na tinuring mong kaibigan sa univ." Usisa ni Kuya. Ayoko sanang magsinungaling pero hindi ko kayang iwanan si Henry.
"Tigil ka nga dyan kuya! May kaibigan ako! Si Lyneth. Di mo lang alam dahil si Ate Pining lang ang alam mo." Crush ni Kuya July yung si Ate Pining. Yung magandang volleyball ace player ng St. Felicity.
"Siya! Bahala ka na nga! Basta magkita na lang tayo bukas sa school." Binabaan pa ako ng telepono. Na-bull's eye kasi siya. Napailing na lang ako.
"Ahm.. Henry, pasensya ka na pero pwede ba akong makihiram ng damit?" Tanong ko kay Henry na kasalukuyang naghahanda ng iluluto niya. Napakahusay niya sa kusina. Maswerte ang magiging asawa niya.
Gusto mo naman na maging ikaw un!
Bastos na konsensya to! Oo na. Syempre papangarapin ko iyon dahil mahal ko siya pero paano ko naman siya mapipilit na gustuhin ako? Saka nakakahiya iyon!
"Go ahead. If you need to wash your uniform the laundry area is right there." Itinuro niya ang pinto sa tapat ng kuwarto niya. Tumango ako at nagpaalam na sa kanya.
Maliligo na muna ako dahil wala naman akong maitutulong sa kanya. Pumili ako ng malaking tshirt at boxer shorts dahil kailangan ko ring labhan ang aking undergarments.
Pumasok na ako sa banyo at naghubad. Nagulat ako nang makita kong maayos na nakasalansan sa gamit niya doon ang mga binili niya para sa akin. Tila ba inaasahan niyang babalik ako dito.
Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha sa naisip. Even my toothbrush is still here. Tila ba kami magasawa sa set up na ito.
Grabe! Tama nga yata sila. Ang landi ko!
Napailing na lang ako at nagtuloy sa pagligo. Matapos maglinis ng katawan ay dumiretso na ako sa laundry area at naglaba ng damit. Automatic iyon at halos tuyo na ang mga damit ko matapos malabhan ng mga iyon.
Pumunta na ako sa kusina habang sinusuklay ng daliri ang basa kong buhok. Ang bango ng niluluto niya!
"Sinigang ba iyan?" I asked him. Humarap siya sa akin at kaagad siyang pinamulahan ng pisngi nang makita ang kabuuan ko.
"Y-Yes. Are you wearing anything under t-those?" He asked. Mabilis niya akong tinalikuran ulit para magluto.
"So-Sorry. Wala eh. I have to wash everything para may maisuot ako bukas. Pero wag kang mag-alala. Malaki naman itong damit mo. Di naman halata." I smiled at him kahit di niya nakikita.
Medyo malamig ngayon ah. Pansin ko lang. Hinimas ko ang magkabilang braso.
"Anong di halata? Damn! I can even see your.. Ugh!" Bumubulong na sabi niya. Di ko marinig yung sinabi niya.
"Ano yun?" Lalong namula ang tenga at mukha niya. Nakita ko pa ang ilang beses niyang pagpilig ng ulo at paghinga ng malalim.
"Wala. Just sit. Luto na to. Kain na tayo para makatulog na." Sambit niya habang naghahanda ng hapag. Ikinibit ko na lang ang balikat ko. Ang bango talaga ng luto niya! He's made to be a chef.
Nagsimula kaming kumain ng tahimik. Hindi niya ako tinatapunan ng tingin kaya naman nagtataka ko siyang tinawag.
"Ano yun?" Tanong niya pero di pa rin niya ako tinitignan.
"Why aren't you looking at me? Is there something wrong?" I asked. Nagbuga lang siya ng hangin at umiling. Hindi pa rin nakatingin sa akin. Hanggang sa matapos kaming kumain ay nanatiling mailap ang kanyang mga mata.
I can't help but overthink. What the hell's his problem now?!
"Sa sala na ako matutulog. Go ahead." Sinulyapan ko ang sofa niya. It's too small and with his height and built? I doubt kung magkakasya siya dyan.
"Ang laki ng kama mo Henry. We can sleep together." Takang sambit ko. Problema nito?
"No. Dito na lang ako." He stated firmly. Heck! Naiinis na ako ah. Di na nga niya ako tinitigan tapos makikipagpilitan pa sa akin? Ayaw ba niya akong kasama? If he don't want me here, I can just go home.
"No, masyado kang stressed kanina at lalo kang masstress kung dito ka sa maliit na sofa matutulog. Kung di ka kumportable sa akin, then I will be the one to sleep here. Or I can just go home." I tried to smile pero nasasaktan ako. I feel so rejected. Bakit! Ano bang problema niya?
"No. Hindi ako papayag na uuwi kang ganyan! Or dito ka sa sofa matulog. Sa kwarto ka na." Hindi na yata talaga mawawala ang pagka-dominante niya. He wants things to go his way all the time.
"Sabing hindi eh! Uuwi ako kapag hindi ka natulog sa kwarto mo. If you don't want me here sa sofa then tabi tayo sa kama mo. It's the only choice I will consider." I stated. His eyes flew towards me. Di makapaniwala sa sinabi ko.
"May, you seriously don't know what you are saying. Just follow me sa kwarto ka na." Humalukipkip ako sa harap niya. Sige magpatigasan tayo. I jumped to the sofa at humiga na doon.
Bumuga siya ng malalim na hininga na tila ba mapipigtas na siya sa sobrang pagkainis.
"Fine! Tara sa kwarto!" Lumapit siya sa akin at binuhat ako. Nagulat man ay mabilis kong naiyakap ang kamay ko sa leeg niya. I felt his chest against mine. Malakas ang tibok ng puso niya.
Inilapag niya ako sa kanang bahagi ng kama at dumiretso na sa banyo. Baka maghihilamos. Sige mamaya na ako pagkatapos niya.
"Ako naman!" Sigaw ko at tumakbo na sa banyo. Nang matapos akong maghilamos ay bumalik ako sa kanyang kwarto. Naka-on na ang TV but his eyes bore on me.
Naupo ako at umayos para makahiga na. Malapit siya sa akin. Humilig ako sa kanya at niyakap siya sa bewang. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya.
"Ang conscious mo masyado Henry." I stated. Mas inayos ko ang pagkakahiga ko.
He looked so troubled at halatang hindi na nanonood ng TV.
"Who wouldn't May? Okay, that shirt you are wearing is almost like see through. I saw even your.. Malamig pa at bumabakat iyon sa tshirt mo. Damn! This us why I want to stay away from you. I have been restraining myself for a year now. Baka di ako makapagcontrol." Mahabang sambit niya. Pansin ko lang dumadaldal siya.
Napatingin ako sa damit ko. I really don't see anything wrong with it.
Hindi ko gustong ganito kami. Hinapit ko siya sa bewang habang nakadikit ako sa gilid ng katawan niya.
Mabilis akong umupo upang kahit paano makapantay naman sa kanya.
"I trust you Henry." I smiled.
"God! May! I don't trust myself!" Tila napatid na ang pisi niya nang hapitin niya ang batok ko habang hawak ng isang kamay niya ang gilid ng leeg ko. His lips immediately dropped on my lips.
I closed my eyes at the sudden rush of emotions. Parang kinukuryente ang pang-upo ko habang marahang gumagalaw sa labi ko ang mga labi niya.
"Hmm.." Ungol niya. Lalong sumarap sa pakiramdam ang ginagawa niya ng hilahin niya ako paupo sa kandungan niya. Ipinatong ko lang ang kamay ko sa ibabaw ng balikat niya.
He pulled me even closer na tila ba uhaw na uhaw siya sa akin. Mahihiya ang salitang close sa sobrang lapit niya sa akin. Naramdaman ko ang pag pisil niya sa bewang ko. I felt hot all over my body. Tila ba may sumisigid na init sa kalamnan ko dahil sa mga palad niya.
"He-Henry.." I moaned his name. Tumaas ang kamay niya patungo sa loob ng tshirt ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Tila ganun din siya, natigilan siya sa pagkilos at inilabas niya ang kamay sa loob ng tshirt ko.
Kumalas din siya sa halik na iyon. Niyakap niya ako ng mahigpit at ibinaon ang mukha niya sa leeg ko. Hinihingal na tila pinakakalma niya sa sarili.
"May, matagal na to. I couldn't help it anymore."
BINABASA MO ANG
Chasing Love. [Fin]
Roman d'amourSuplado, tamad mag-aral at tila wala ng rason para sa buhay ang transfer student na si Henry Alonzo. Nakikita ko sa kanya ang unang lalaking nakakuha ng atensyon ko nung 12 years old pa lang ako. Kaya lang kabaliktaran niya si Ilustre. Pero bakit h...