Chapter 1

828 3 0
                                    

di ko alam kung bakit ako napadpad dito, paano ba naman ang ganda ng lugar, ang lalaki ng mga building, na mukhang makaluma, parang venice style pero hindi venice.. Mukha naman akong nagiisa lang.. Nasan na ba ang mga tao dito? "Miss, bawal ka dito" sabi nung lalaki na nakatayo sa may araw, di ko nga maaninag ung mukha.. Msyado kasing masilaw... "Bakit naman ako bawal dito?" Tanong ko... "Kasi tingnan mo" sabay turo nung kamay dun sa lugar na walang tao na nagkaroon na ng mga tao! At lahat sila may kapartner!!!!! Parang, lugar ng mga mag aasawa o boyfriend, may halikan, yakapan sa kung saang saang sulok... "Wala kang boyfriend o asawa, miss, isa kang SINGLE!" Para akong tinamaan ng kidlat, na may kasamang spear na tumusok sa likod ko, tapos malaking bundok ng bato na tumama sa ulo.... Tapos ung mga tao na naglalambingan! Biglang tumingin sa akin! Pucha! Sabay sabay silang nagsabi ng " SINGLE!" " SINGLE!" " SINGLE!" " SINGLE!" " SINGLE!" " SINGLE!" " SINGLE!" ...tinakpan ko ang tenga ko! Paulit ulit nilang sinasabi yun!

"DI TO TOTOO!" Sigaw ko

"Echicko! Echicko!" Tawag sa akin ng isang tao na para bang pamilyar... "Echicko!!!!"

Sigaw niya... Kaya naman bigla bigla akong bumangon... "Ang dilim!! Ang dilim!" Taranta ko.. "Gaga!!! Naka eye pack ka!" Sabay tanggal ng eye pack sa mukha ko! "mike!" Sigaw ko, sabay yakap, si mike ung basing kong friend na kasama sa bahay ko,mopp bahay, dahil ako lang ang mag isa dito, wag na muna natung pag usapan ang parents ko... "Bruha! Anyare?!" Tanong niya... "Akala ko katapusan ko na! Ung mga tao! Tinutulak ako palayo, kasi daw single ako!!!" Sabi ko...

Biglang tumahimik si mike... "AHAHAHA!! Teh!! Alam mo!! Kinukuyog ka na nang mundo dahil! Sablay ka sa lovelife! Biruin mo! Hanggang panaginip sinasampal sayo ang pagiging NBSB mo!" Asar niya...

Tiningnan ko nga ng masama "di ka nakakatulong bading ka!!!"

Mayabang tong hinayupak na to paano ba naman may boyfriend, dinaig pa ako! Pogi at macho pa! Kapalaran nga naman sadyang kay pait sa akin!!

Bigla na lang akong tinitigan ni mike... "Bakit?"- ako

"Diba may turo ka?? At my rehearsal ka ng hapon? Ano pang inuupo upo mo dyan??" Sabi niya

Waaaaaaaaaah!!!! Oo nga may turo akoooooo!!! "Gaga ka!! Di mo sinabi ng maaga! Ang ganda pa ng upo ko dito!"

Bigla akong kumaripas ng takbo sa banyo, maniwala man kayo sa hindi pag ganitong late ako, dinadaig ko pa si the flash sa kilos, 15 mins ready na ako! Yan ay isa mga katangian ko.. "Ready na ako! Aalis na ako mike! Bantayan mo ung bahay! At walang milagro sa inyo ni migz!" Si migz ung boyfriend niya... Tumungo naman si mike...

"Babalik yang si echicko 1.....2....3....4....5...."

"Mikeeeee!" Tanong ko..

"Andyan teh! Ung violin mo nasa lamesa!" -mike

"Thank you!!" Sabay takbo.... Buti na lang 30 mins lang ang biyahe ppntang einekleine music studio.. Doon ako nagtuturo ng violin at ng piano... Opo isa akong music teacher.. Si echicko mendez ay isang music teacher! Nagtuturo sa umaga at tumutugtog sa gabi, puro ako classical hindi ako maka pop, pero kung may tugtog man ako minsan may binabasa ako, di naman ako ganun kagaling tumenga ng mga bagay bagay...

"Ma'am echickco ung estudyante niyo nasa loob na po" sabi ni mich na admin sa branch na to.. "Thanks mich!" Pinasukan ko ang estudyante ko, 1 hour ang isang estudyante , minsan nakaka 4 o lima ako sa isang araw, minsan kase absent ang isa... Mabagal ang takbo ng oras pag beginner ang tinuturuan ko, pero okay naman ang pagtuturo, masaya na nakakapanginit ng dugo...

Mabilis natapos ang mga estudyante ko, pagkatapos ng turo ko dumedertso ako sa "arts centre of the philippines" doon naman kasama ako sa philippine orchestra

"Mich ung pipirmahan ko? Mag oout na ako, may trabaho pa ako ee" ...nilabas naman agad ni mich ung papel.. "Ma'am echicko o, eto na po... " sabay pirma... Ningitian ko si mich... "Ingat po sa biyahe" sabi niya, magalang talaga tong si mich... Alas syete na ng gabi

Dumertso ako sa labas at hinanap ung sasakyan ko, di naman ako ganun kayaman, kaya di medyo magarbo ung sasakyan ko, para lang sa pinupuntahan ko, malaking tulong lang sa akin, di naman kase ako luxurious na tao ...

Ilang minuto pa ng biyahe, nasa arts centre na ako... May rehearsal kami, halos araw araw ginagawa namin to, pero ngayon kase may tugtog kami sa biyernes, kaya naman puspusan kami, di ganun kalaki ang kinikita ko, pero kung tutuusin sakto lang para makabuhay ng pamilya....

"Echicko!" Bati sa akin ni eleya na kasama ko sa orchestra "oh eleya? Anong meron?"

"Alam mo ba si jen! Umiiyak na naman! Di makapag concentrate sa tugtog, paano ba naman ung boyfriend niya nalaman niya tinu-twotime siya"

Napabuntong hininga na lang ako, kaya nga naman minsan iniisip ko na wag na lang magboyfriend...

"Eleya! Echicko magsisimula na ang rehearsal" tawag nung conductor namin...

Mahaba ang rehearsal, walang humpay na, more power, from the top, start from pick up, more vibrato, intonation please, at kung ano ano pa ... Nakakapagod, at uumayin ka na lang sa isang measure.. buti na lang natapos na

"Let's continue tomorrow"

At parang fiesta ang naramdaman namin, sabay sabay kaming nagligpit, at naglagay ng instrumento sa case... Oo lahat kami masaya pwera, lang kay jen, ang heartbroken ngayon gabi..

May mga ritwal kami pagkatapos ng rehearsal, pag may ganitong usapan, nasa terrace kami ng centre, parang forum lang, at lagi nandudoon ang presence ko....

-----------------

Author's note

First chapt, pa lang :) alam kong di pa kayo nageenjoy pero sana sundan niyo po ito :) deeicated to sa mga single dyan hihi, sama sama tayo sa mundo na ito! :)

Vote po like and share,comment comment din pag may time :) wag magaalala masipag akong magupdate :))

Enjoy lang :)

F

Confession ng Isang SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon