Ang komportable nang nararamdaman ko, matatakutin talaga ako e, dati si faith ang katabi ko, parehas naming nilalabanan yung takot namin, pero sa pagkakataon na to, first time kong magkaroon ng katabi na matapang, yung hindi din umiiyak katulad ko sa multo tsaka sa kapre... Ang sarap sarap ng tulog ko...
Pakiramdam kong safe ako....
"echicko! Anak! Gising na!" -mama
"Hmmmmmm 5 minutes"-ako
"Hay nako bata ka, lahat na ng gracia nahulog na wala ka pa ring nasasalo" -mama
Kahit kailan talaga si mama kontrabida sa tulog ko, alam mo naman probinsya ang sarap matulog, at di parin nagbabago yung script ni mama sa pang gigising sa akin... Tumayo tayo na ako dahil mas matindi pa kay mike si mama, kung si mike nambubuhos ng tubig, nako ang nanay ko yelo, opo! Naranasan ko na yun akala ko nasa northpole na ako ee... Kaya simula nun pag si mama ang nangigising dinadaig ko si flash sa tayo mahirap na...
Bumaba naman na si mama, kaya naman dumeretso na ako ng banyo... Baka nasa baba na si luke kumakain... Si papa malamang sa alamang nasa may bukid, nag aasikaso siguro ng kapalayan namin... Nagayos na ako ng konti, naglagay ng konting make up para lang mag mukhang presentable.. Paano kase ramdam ko pag nasa probinsya ako ang ganda ko kaya naman lubus lubusin... Mehehe
Pagkababa ko naabutan ko si mama na naghahanda na ng tanghalian... Pero teka, tumingin ako sa sala ... Walang luke.. Sa terrace? Baka kasi nag fafacebook o kaya naman nag eemail, pero wala, kahit anino di ko matinag...kinakabahan na nga ako ee, paano kung nahold up yun? O na hostage ...okay medyo OA prepare for the worst nga daw ee...
"Aa ma, ayaw kong magpanic, nasaan si luke?"
Tumingin si mama tapos ngumiti "ikaw naman saglit lang siya nawala miss mo agad, ayun sumama sa papa mo sa bukid, gusto da..."
Di ko pinatapos si mama at napatakbo ako sa bukid, papaano ba naman! Isang smith si luke! Kilala ko si papa! Baka pagtrabahuhin niya si luke sa bukid, baka di niya kayanin.. Kung ano pa ang mangyare kay luke ako paa ng masise, di pa naman kami legal na mag on, biro biro lang naman.. Nako naman..bakit ba ang titigas ng mga ulo nang mga to mga pasaway...
Naaninagan ko na si papa at si luke, nagbubuhat ng mga kahoy kahoy si luke..
"Pa!!" Sigaw ko
"Oh anak?? Tingnan mo si luke ang galing niya diba?" ^^ -papa
"Pa!! Itigil mo nga yan! Wag mo nang utusan si luke" galit kong sinabe
Kaso etong luke nagpatambad pa sa akin ng half naked niyang katawan.. Ehem.. Walang keber lang
"Chick it is all fine... I am enjoying it" sabi niya sa akin sabay ngiti kay papa, si papa naman nag thumbs up sa kanya
"Luke!! Itigil mo na yan! Ibaba mo yan!!!!" Protesta ko pa
"Ano bang problema mo anak, si luke ang nagpresinta dito" sabi ni papa
"Yeah, there's no wrong in doing all this stuff! It is fun" - luke.... Pero di ko pinansin si luke....
"Pa wala akong pakielam!! Di mo ba alam isa siyang smith?!" Sabi ko
Yung mukhang ngiting wagas ni papa napalitan ng gulat... Tiningnan niya ng maigi si luke....
Malaki nga kasi ang papel ng mga smith.. Kaya naman ang ginawa ni papa pinakuha sa iba niyang trabahador yung bitbit ni luke....nung pina kuha dun nakita ko yung disappointed look ni luke.. di ko alam pero naka ramdam ako ng konsensya... Tiningnan niya ako tsaka napa iling....
Okaaaay ano naman nagawa ko?! Ayaw ko lang siyang magalusan!
-------
Sorry sa maikling update... Maguupdate pa po ako ng isa :)
Vote like share ans comment :))
F
BINABASA MO ANG
Confession ng Isang Single
Romance1. Lahat ng iniidolo kong artista! Ay pinagpapantasyahan ko sa kwarto ko! 2. Mahilig akong manood ng cartoons kahit na matanda na ako, iniisip ko na kabahagi din ako sa kanila! 3. minsan kahit di ko sinasadya bigla na lang akong nananginip ng gising...