"Pinapunta mo ako dahil dito!!!!!!" Sigaw ko! Paano kasi itong si faith! Kung makatawag wagas wagas! Akala mo narape o kaya nalooban sa bahay! Minamadali pa ako sa sasakyan! Muntik muntik pa nga akong maaksidente!
"Eh kasi naman di ko alam ang gagawin dito sa mga invitation na to? Di ko alam kung pink o yellow ba ang ribbon na bagay?!" Sabi ni faith.... Ay nako naman daig pa ang bata kung umasta?! "Kulay lang to teh!! ano ba! Ano bang gusto mong kulay sa dalawa?" Tanong ko... "Itong blue sana" sabi niya... Napakamot ung ulo, putarages naman! Blue pala gusto! Pero pinagpipilian ee ung pink at yellow..."EDI BLUE!! Nako naman faith!" Ngumiti na lang siya "thank you bestfriend... Tulungan mo naman ako maglagay " sabi sa akin na nakangiti pa...
Ay nako kung di lang importante tong si faith baka nilublub ko siya sa inidoro ngayon pa lang!!
"Bestfriend napaka init ng ulo! Ganyan ba talaga pag single?" Tanong ni faith
"Sige... Sigee dagdagan mo pa ang pagkabadtrip ko, susunugin ko tong invitation cards,."
"Eto naman e, paano kasi mas maganda kung sabay tayong ikakasal... Diba! Wala ka bang gustong lalake?" Tanong niya
Tumahimik na lang ako, tumigil sa pagdidikit... Kasi eto na naman ung tanong..meron nang laman tong puso ko no kahit papaano, kaso nga lang ikakasal na siya
...tok....tok...tok... "Babe?!"
"Kyle!!!! Nakabalik ka na!!!" Excited na bati ng bestfriend ko...napatingin na lang ako, nung kiniss ni faith si kyle sa cheeks... kumirot ung dibdib ko.. Paano siya ang mahal ko, ikakasal na siya sa bestfriend ko
"Kamusta na! Namiss mo ko no? Flowers for you!" Sabay abot nung bulaklak, nakaramdam ako ng matinding inggit at selos.. Sana ako na lang .. "Thank you kyle!!!" Tapos inamoy amoy ni faith ung bulaklak "i love you!" Sabi ni faith...
Ngumiti si kyle, pagkatapos nun tinitigan niya ako at ningitian, tumigil bigla ung mundo ko... "Oo nga pala, echicko, pwede ka bang tumugtog sa entourage namin ni faith? Pwede sana kung pachelbel canon" sabi ni kyle sa akin,,, yun din ung gusto kong tugtog sa kasal ko, na sana si kyle ung kasama ko.. Kaso...
."oo ba!! Kayo pa malakas kayo sa akin" sabay ngiti... Sinasabi ko sa isip ko, lakihan mo pa, more effort, para di mahalata konting konti na lang pang famas na yang acting mo... Paano naman kasi ang sakit sakit e... Dahil ky kyle kaya single ako..kasi di ako makahanap ng lalake na katulad niya..
"Faith, kyle excuse me lang ha... CR lang ako!"
Tapos ngiti and walk out... Laging ganito ung ginagawa ko, pupunta ako sa banyo, tapos doon iiyak ako ng palihim,mpara mas effective, binubuksan ko yung gripo para di nila ako marinig...
Magkakilala kami ni kyle nung college ako, iba din ang course, nagkakilala kami dahil sa hilig sa music, mahilig siya mag gitara, sumama kami sa isang org, nagka jamming, tugtog, naging close, at nagka gusto ako sa kanya... Si faith? Napadalaw bigla sa org namin.. Tapos , oarang na love at first sight naman tong si mokong, tinatanong ako tungkol kay faith, ako naman si sagot.. Hanggang sa naging tulay ako, kahit na ang sakit sakit, o diba? Ang marryr of the year ay goes to me... Bwisit lang... Naalala ko pa nga umaattend ako ng misa de galo, kinucompleto ko ung siyam na simbang gabi makapag wish lang, di para maka graduate ng maaga sa music, kundi sana di gusto ni faith si kyle, kaso tokneng galit at sakin si santa claus... Pagkatapos ng christmas, bagong taon teh ha!! Tinanong ko si faith... Di ko naman alam na gusto na rin niya si kyle nung unang pagkikita, o diba ang korni lang? Di pa nga kilala mahala agad? Ang luma luma na ng ganon, pero nangyayari pala talaga! Bwisit lang! Si kyle naman mas kilala ako, gusto pa sa bago...
Naging mata nila ako, sa first monthsary sa anniversary, birthday at kung ano ano pa, eh anung magagawa ko? Ako si tanga, kahit na anong galing ko sa advice, aba... Kahit kailan di ko maadvisan tong sarili ko, kasi alam ko naman na ang mali, pero dun ako humihinga ee, sa pag asa sa mali...
"Bestfriend?? Okay ka lang? May LBM ka ba?" Tanong ni faith...
"Wala friend,,palabas na ako...." Pinunasan ko ung mga luha ko bago lumabas, check sa salamin kung okay... Okay check! Pwede nang lumabas...
Ningitian ko si faith nung lumabas ako...
"Okay ka lang ba?" Tanong niya uli
" eto naman syempre wala, nagmumuni lang ako sa loob" acting ko...
Tiningnan ko yung oras... 11:30 na... "Friend kailangan ko nang umuwi, baka mamaya may ginagawang kababalaghan si mike" biro ko
"Yung bading na yun.. Talaga naman" -faith
Tinawanan ko siya,,, kinuha ko yung violin ko... Ningitian si kyle "bye kyle" -ako ...paalam na... Dapat na kitang kalimutan e, lumayo kaya muna ako.
"Bye echicko, ingat pauwi" sabi niya...
.....
Syempre habang nagdrdrive ako umiiyak ako... Eh ksi naman ang haba haba ng araw na to, puro kamalasan lang ang dala..
BINABASA MO ANG
Confession ng Isang Single
Romance1. Lahat ng iniidolo kong artista! Ay pinagpapantasyahan ko sa kwarto ko! 2. Mahilig akong manood ng cartoons kahit na matanda na ako, iniisip ko na kabahagi din ako sa kanila! 3. minsan kahit di ko sinasadya bigla na lang akong nananginip ng gising...