Ganito ang gagawin mo echicko! Ilalakad ko si faith ng naka blind fold tapos tutugtog ka ng favorite song namin..." Paliwanag sa akin ni kyle, pinuntahan niya ako sa bahay, kasi may naiisip daw siyang pakulo.. Balak daw niyang mag propose formally kay faith, paano naman kasi,sinabi lang niya na, pakasal tayo faith, tapos nag yes naman si faith, yun na yun...di na naisip ni kyle na mag isip pa ng pakulo, yung uso ngayon? Yung proposal memes... Eh kasi joke lang naman, naging seryosohan...
Pero sa totoo lang di ako makapag concentrate, kasi kaharap ko si kyle, yung tibok ng puso ko, hindi ko mapigilan, kung pwedeng nga lang sabhin na uiy! Wag kang epal, sa sobrang bilis mong tumibok, baka marinig ka ni kyle, at malaman niya...
"Di maipaglaban? Maiiwan kang mag isa" yung sinabi ni luke, kahapon umuulit ulit sa isip ko...paano kaya no, kung nasabi ko kay kyle, kami kaya?? Pwede ring hindi, pero paano kung oo?? Bakit kasi di ko sinubukan...
"Echicko!" Sigaw sa akin ni kyle..l "bakit?!" Gulat ko...
"Yung tutugtugin mo e minsan lang kita iibigin..." Sabi niya sa akin..
"Aa ee...osige" sagot ko na lang... Swerte naman ni faith.. Super effort si kyle..
"Kailangan mga bandang 6 nanduduon na tayo... Kasi aayusin natin yun venue, at kailangan ko ang tulong mo! At say yes! Kasi di ako tatanggap ng no!" Sabi ni kyle...
Di naman ako makahindi sa tao na to, magtetext na lang ako kay eleya na hindi ako makakasama sa rehearsal ...
"Sige minsan la..."
Napatigil ako..dahil niyakap ako ni kyle... "Yehey!!! Thank you echicko!!! The best ka talagang kaibigan! Ang swerte namin ni faith sa iyo!!" Sabi ni kyle...
Dahan dahan pinatong ko din ung kamay ko sa likod ni kyle... At unti unti naramdaman kong tumutulo yung luha ko, ba yan wrong timing naman o!! di dapat makita ni kyle to... Di niya dapat malaman na nasasaktan ako...
Yung tatanggalin niya na yung pagkakayakap sa akin, niyakap ko pa siya ulit... "Pwede bang mag stay pa ng ganito? Kasi kapag kinasal na kayo di na kita mayayakap ng ganito kahigpit..." Sabi ko.. Pumayag naman si kyle.. At yung luha ko tumutulo pa din.. Sobrang sakit...
Alam kong nakita ako ni mike, di ko alam kung nahalata niya gusto ko si kyle...pero nakita ko sa mukha din ni mike ung lungkot na nakita niya akong umiiyak...
..............
"Eleya pasensya na, may importanteng lakad ako e, pakisabi na lang kay maestro na hindi ako makaka rehearse" paliwanag ko kay eleya..
"Sige sige, echicko sasabihin ko, magiingat ka dyan ha!"
Binaba ko yung cellphone ko... At eto ako, tinutulungan si kyle, asa may baywalk kami, gusto talagang magpakitang gilas ni kyle ee, kaya naman sa maraming tao niya balak gawin to, inayos ko yung set, pati yung venue...
Ang busy ko nga e... "Kuya yung carpet wag kalimutan" utos ko...
Riiiiiing.....
Hay nako sino naman tong pilato na to, na tumatawag na kasagsagan ng pagiging busy ko..
"Hello?" Sabi ko
"Chick asan ka ngayon?" -seryosong tanong ni luke...
"Basta siguradong wala sa arts centre, pasensya na pero busy ako..."- ako
Nagpause kami ng konti, medyo konting katahimikan lang naman, ibaba ko na nga sana ,kaso humabol siya
"Wag kang gumawa ng bagay na ikakasakit mo..." Sabi niya
Sabay baba ng telepono... Anong problema nun?? Bahala nga siya..basta busy ako...
"Echicko!! Susunduin ko na si faith! Handa na ba lahat?!" Tanong sa akin ni kyle..
BINABASA MO ANG
Confession ng Isang Single
रोमांस1. Lahat ng iniidolo kong artista! Ay pinagpapantasyahan ko sa kwarto ko! 2. Mahilig akong manood ng cartoons kahit na matanda na ako, iniisip ko na kabahagi din ako sa kanila! 3. minsan kahit di ko sinasadya bigla na lang akong nananginip ng gising...