Galit, inis, lungkot yung nararamdaman ko ngayon... Nasaktan ko ang isang tao na wala naman talagang ginawang mali sa akin... Nakapag salita ako ng di magaganda kay luke... At si eleya..si eleya ang nagsabi kay faith?! Paano naman niya nalaman? Pero di na mahalaga... Bakit naman niya nagawa sa akin yun? Mahaba din ang pinagsamahan namin, kahit magkaiba kami ng university, pareho naman kami ng mentor, ayos naman siya kay sir raf... Ayos naman siya sa akin, pero nagawa niya akong masira,,,ano ba ang ginawa ko sakanya?!
Nagdridrive ako ngayon papuntang arts centre, alam kong nadudoon lang sila, nag leave ako pansamatala dahil sa halo halong problema, pero ngayon handa akong sumugod at malaman ang katotohanan kay eleya... Konting minuto pa, nakarating na ako sa centre... Pagpasok ko, nakita ko silang lahat na nasa balcony, malamang naguusap ng kung ano ano,,, nakita ako ni tanya na papalapit sa kanila
"Echicko!" Bati ni tanya..pero di ko siya pinansin...
Nilapitan ko si eleya....
.
.
.
.
*slap*
Nasampal ko si eleya sa sobrang galit ko...
"Echicko!!!" Sigaw ni jen
" ano?! Masaya ka na? Kuntento ka na?? ano ba ang ginawa ko sayo?? Bakit mo ako sinasaktan???" - ako ... Nakatingin lang sa akin si eleya...
"Tinuring kitang kaibigan?! Tapos eto?! Tratraydurin mo ako?! Naging malapit ka sa akin! Naging mahalaga ka sa akin! Pero nagawa mo akong siraan sa mga taong malalapit sa akin?! " - ako
"Echicko?! Ano tong problema niyo?! Itigil niyo na to! Eleya?! Ano ba ang nangyayare?!" Si tanya na natataranta na...
Ngumiti bigla si eleya... Nangaasar pa ata?! "Gusto mong malaman? Dahil....naiinis ako sayo!!!! Lahat na lang malapit sayo! Lahat na lang ikaw ang gusto?! Nakakainggit ka!!! At ngayon yung kaisa isang lalake na nagustuhan ko! Inagaw mo pa?! Dapat nga sayo ako nagtatanong ano ba ang ginagawa mo at lahat na lang sayo ay pabor?"
Gusto niya si luke??? Lahat pabor sa akin???
"Bakit eleya may nagbago ba? Sa paglaglag mo sa akin? Naging ayos ba ang lahat? Paano naging pabor ang lahat sa akin?? Ano ba tingin mo?! Perpekto ang buhay ko?! Eleya!!
Nagkakamali ka! Kahit kailan hindi pa ako nakakaranas nang kasiyahan sa tanan ng buhay ko! Tapos eto ngayon hinuhusgahan mo akong magnanakaw? Ni kahit minsan wala akong inaangkin! .... Eleya sinira mo lang ang sarili mo... Sayang lang ang panahon na nagkasama tayo... Minsan naman mag kape ka,,. Nang minsan maranasan mong nerbyusin Sa mga desisyon mo" sabi ko sabay talikod sa mga kasamahan ko...nakita ko namang umiiyak na rin si eleya... Sana naman kahit papaano makonsensya siya... Nakasira siya ng buhay...
Ngayon isa sa mga problema ko ay si luke... Wala na akong dapat ipatumpik tumpik pa...
Dumaan ako sa opisina niya... Walang tao... Nagstay pa ako dun ng mga sandali pa... Baka naman darating pa..
Napaupo na lang ako sa sahig nang bigla may nakita akong paa sa harapan ko kaya naman tinungo ko...
Nabigla ako at napatayo na lang... Paano isa ulit purong amerikano ang nakita ko...
"I am so sorry sir"
"Okay lang miss.... What are you doing infront of my son's office?"- siya
Son's office?! Teka teka,.. Papa to ni luke?! Di ko pa naman siya nakikilala sabi nga sa inyo di sila gaanong nilalabas... Ang huling kita kong smith ay yung tatay ata nitong tatay ni luke...
"Son? Tatay po kayo ni luke? Ano po kase ee... May nagawa po kasi akong di maganda sa kanya...hihinge po sana ako ng tawad"- sabi ko
"Tawad? Ano ba ang nagawa mo?" -siya
Napayuko na lang ako...
"Napagsalitaan ko po siya nang masasakit, di po niya dapat marinig yun, alam ko naman kung gaano kabigat yung pinagdadaanan niya pero naki halo pa ako sa mga iyon"- ako
Medyo nagulat ata siya nung sinabi ko yun...
"My son's heart is hard as a rock, dominant as lion, yet a fearful child... I am sorry if you got caught up with my son, you dont need to apologize to him, i will do the talking for you by the way i am fred smith..." -sir fred
Ano siya na lang magsasabi!!! Aba di pwede saan ka nakakita ng may ginawang kasalanan na pinaubaya sa iba?!
"Hindi po ako papayag ako po ang pupunta at hihinge ng tawad, takot man akong masabihan niya pero kung yun lang din naman ang paraan para mapatawad niya ako gagawin ko yun, at tsaka kilala ko po si luke, di niya gugustuhin yun"- ako
Ngumiti naman si sir fred sa akin..
"tell me what is your role in my son's life?" Seryosong tanong ni sir fred
Role daw..?? Ano nga ba role ko sa buhay ni luke... Pampagulo?? Para kasing pampagulo ako ee.
"Sir i dont know, but for all i know, i got caught up in a serious situation na kung saan di ako makawala, baka po matawa kayo pero, nagkakilala lang kami ni luke sa eroplano, nasabihan ko po siya ng mga confession ko mga sikreto ko.. Magkaaway nga po kami ee"-ako
"Magkaaway kayo? But you are now standing here and waiting for him"- sir fred
"Kasi po nasaktan ko siya.... Magkaaway nga po kami pero dati yun,.. Mabait po pala ang anak niyo... "-ako
"You are the first person who say such thing... Mukhang may ginagawa ang anak ko na beyond my watch"- sir fred
First person?? Gaano ba ka halang ang bituka ni luke....
"My son is acting so strange, what makes him be like that must be a real deal, he is drowning in so much pain... And i think, it is you who could cure those..." - sir fred sabay ngiti
"Tell me... What is luke to you?" dugtong pa niya
Nabigla naman ako sa tanong niya,. Ano nga ba si luke sa akin...
*badump*badump*badump* (eto na naman yung puso ko...konsensya ba ito??)
"Do you think it could have been done by love??" -sir fred
Love! Love?! Si luke?! Inlove ?? Lalo pang bumibilis yung puso ko...
"Miss, luke is in our house, no hurry on your answer, better figure it out when you go to his place... I'll be telling the house maids to take you in, once you get there"-sir fred
Sabay alis sa harapan ko... Ang weird ng tatay ni luke,. Pero sa totoo lang napabilis nun yung kaba sa puso ko..
Sino nga ba si luke sa akin??
Di ba ako nagtataka na mabait sa akin si luke?!
Di ba ako nagtataka na lagi niya akong pinagbibigyan...
Yun kaya yung sagot niya,..
Ano naman ang sagot ko?????
Dapat ko siyang puntahan... Dahil aalamin ko sa sarili ko...
![](https://img.wattpad.com/cover/14591945-288-k675318.jpg)
BINABASA MO ANG
Confession ng Isang Single
Romance1. Lahat ng iniidolo kong artista! Ay pinagpapantasyahan ko sa kwarto ko! 2. Mahilig akong manood ng cartoons kahit na matanda na ako, iniisip ko na kabahagi din ako sa kanila! 3. minsan kahit di ko sinasadya bigla na lang akong nananginip ng gising...