Chapter 2

418 2 0
                                        

"Ang tanga tanga ko! Naka ramdam na ako ng mga sign! Naniwala pa din ako!" Huhuhuhu.... Sabi ni jen, di na nga halos namin siya maintindahan dahil halos isang oras na siya ngumangawa diyan, abay lahat naka hawak naka himas sa kanya, inaalo pa ang bruha... Nakaramdam na pala ng senyales, kung sabagay aminado siyang tanga siya

"Isipin mo yun? 2 years?! Hinayaan lang? Sinayang lang niya?! Maganda naman ako dun! Talented pa!" Sabi niya

Aba nagrereverse bittering pa si ate.... Ano naman kung 2 years ? Yung iba nga 9 years nagbrebreak pa, sila pa kayang 2 years...

"Pero mahal ko eh!!! Waaaaaah!" .....

Patuloy pa din ung atungal ng loka.... "Tama na jen....tama na" sabi nung iba kong kasama na chinicheer up siya....

Si eleya sinisiko na ako... Alam niya kasing magaling ako sa mga bagay bagay na to....

Huminga ako ng malalim... Hinanda ko na yung mga sasabihin ko, bago pa tuluyang magkaubusan ng tissue.... Kanina pa niya sinisingahan ung mga tissue dito baka maubos ang mga puno...

"Jen..." Sabi ko ng pabulong... Lahat sila tumingin sakin dahil alam na nila ang susunod nang mangyayari...

"Bukas ba MOA ngayon?" Tanong ko....

Lahat na gulat sa tanong ko , ung tipo nang mukha ee seryoso ba siya??

"Inaalo mo ba ako? O niloloko mo lang? Kita mong umeexsena ako dito itatanong mo sa akin kung bukas ang MOA? Siyempre late na hindi!" Sagot naman niya

"Ganun ba sayang naman, sasabihin ko sana sayo na ibenta mo yang utak mo e, medyo slightly use!" Sabi ko... Nanlakihan ung mga mata ng mga kasama ko...

"Naiintindihan kong di madaling mag move on at kalimutan siya, pero ang pag iyak mo? Maibabalik mo pa ba siya? Oo nga kailangan mong ilabas yan, pero isang oras na teh, di ka pa ba dehydrated? you deserve better! Di lang siguro ! The best! Alam mo ba sa ginagawa mo ngayon! Mas pinaparamdam mo sa kanya na talo ka! Nakakahiya ka! Musikera ka! Maraming lalake ang malalaglag ang brief makita ka lang na tumutog! Magpaganda ka! Magpasexy ka! Patunayan mo sa kanya na mas better ka ng wala siya! At pag bumalik! Teh wag mong balikan! Asarin mo! Maghanap ng bago!!! ....musician ka teh?! Kayang kaya mong makapag isip ng outlet! Tumugtog ka ng symphony no.5 ! More power pa!!! Ewan ko na lang kung di mapigtas yang instrumento mo... At sisigursduhin ko sayo kayang kaya mo yan, kaya itigil mo na ang pag iyak, be strong girl! Nabuhay ka sa mundo na halos di mo siya nakita at di mo kasama! Ano bang pinagkaiba at mabuhay ka ulit na wala siya....diba girls???" Sabi ko

Aba nag si tanguan naman ang lahat, si jen?? Ayun tulala, tumayo at pinunasan ang luha..... "Tama ka echicko! I deserve the best! Itong slightly used kong utak gagamitin ko na! Bye!" At tinalikuran kami nang ganun ganun lang... Oha! Medyo mabilis.... Napabuntong hininga na lang ako... Parang kailan lang, umiyak din siya, sinasabi na di na daw magboboyfriend kasi pararehas lang daw ang lahat aba't umariba ulit eto ngayon break na naman sila... Ang labo talaga ni jen...

Di ko napansin nakatingin na pala lahat ng mga kasama ko "o bakit?!" Tanong ko...

"Ang galing mo lang mag advice!" Sabi ni tanya...

"Alam niyo na guys kasi kung bakit" sabi ni kate

At sabay sabay silang nag salita "SINGLE!"

"Sige ipamukha niyo sa akin! Nag bigwasan ko kayo isa isa!.... Oo nga in a relationship kayo masaya ba kayo?" Tanong ko

"Eto naman echicko hot agad, napapansin lang kasi namin magagaling mag advice ang mga single... " sabi ni eleya...

"Ewan ko sa inyo! Dyan kayo magaling! Ang mang alaska!"

"Uyyyy galit na si echicko hahaha! Sorry na!!!" Sabi ni tanya

Hmp...di ko nga pinansin, ganito kami maglambingan sa orchestra....

Sandaling kaguluhan pa.... Tumunog ung phone ko

Faith calling...........

"Faith bakit?"

"Echicko?! Pumunta ka naman dito sa bahay kailangan ko ng tulong!!!!!" Mukhang seryoso aaa

"Sige sige pupunta agad ako!!!!!! Wait mo ko.... "

"Thank you echicko!"

Tapos binaba niya...si faith ung bestfriend ko, nagkasama kami simula prep hanggang college, pero di siya music, same university lang, super tight kami niyan, mahal na mahal ko yan... Isa sa mga importanteng tao sa buhay ko :)

"Si faith yan no? Buti pa si bestfriend ikakasal, wala ka bang napupusuan?? Na lalake? Sayang naman kung wala.." Tanong ni kate

Di na lang ako sumagot.....kasi sa totoo lang meron......kasooooo.....

Confession ng Isang SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon