ang bilis ng araw at last day na namin dito sa probinsya, namiss ko talaga yung parents ko, simula nung nagpanggap pangap kami ni luke, di na sila ganoong nakakainis, alam mo yung pakiramdam mo na nakalaya ka.. At nagbalik yung dating samahan niyo ng parents mo?
Utang ko to kay luke ee...
Nagayos ayos ako ng konti, pagkagising ko wala na naman si luke, nawili ata sa bukid, tutal last day na namin kaya naman hayaan na natin siyang magtrabaho dun... Bumaba na ako malay mo may almusal dun, kaso nga lang pagka baba ko nakita ko sila mama at papa na kausap si luke, at mukhang may hawak hawak si luke... Teka lang?!!!!! Pakshet!!! Photo album ko yun!!!
Taragizzzzz madami akong kahihiyan diyan!!!!!!!!!!! Gumuho yung mundo ko.. Dahil ang laki ng buklat ni luke sa mga baby, child at highschool photos ko...
"Ma!!!! Bakit niyo naman pinakita kay luke!!!!!" Galit na sabi ko
"Ano ba naman kung makita niya, tutal naman nag dadate kayo, at least alam ni luke kung ano ang dapat ika turn on and off niya sayo, pero mukhang tuwang tuwa pa si luke"-mama
Kita ko nga dahil ang ganda ng ngiti niya sa mga albums...
"Alam mo ba luke, yang bata na yan, di maihiwalay kay faith, magkasama sila palage sa kalokohan, minsan nga disgrasya pa, may isang beses nga naglaro sila sa may bandang bundok, medyo matarik, ewan ko ba sa mga ito at napagkatuwaang pumunta doon, ayun muntik ng mahulog si faith dun, niligtas naman tong anak ko, siya naman itong nadisgrasya, sobrang likot talaga ng mga iyan" -kwento ni mama
Tumingin sa akin si luke... "Kaya pala, di pala sila mapaghiwalay ni faith, mahal na mahal ni echicko si faith"-luke
"Wala naman kasing kapatid tong si echicko, kaya naman sobra sobra ang alaga ni echicko kay faith"-mama
Nanahimik na lang ako.. Wala naman na akong masasabe ... si faith kasi ang lagi kong kasama, sa lungkot saya at takot... Kaya naman kaya kong ibigay lahat.. Kahit ang lalaking mahal ko...
"Oo nga pala luke echicko, pwede bang mamili kayo dun sa grocery store? Pagod na kasing tong papa mo, di ko na kayang magbuhat, bilhin niyo naman ito" utos ni mama at naglabas naman ng listahan ng kailangan sa bahay, tumango naman ako, kinuha ko na yung sasakyan sa may garahe namin, dahil oldies volkswagen lang ang meron na sasakyan sa amin, ang cute nga ee binigyan ko pa to ng pangalan! Si boggy...
"You sure this thing still works?"-luke
"Alam mo luke di porket luma ibig sabihin di na gumagana! Mas matibay pa nga tong si boggy sa loob ko ee"-ako
Wala namang nagawa si luke, kaya naman siya ang nagdrive, tinuturo ko lang kung saang lugar siya dapat lumiko... Ang saya talagang sakyan ni boggy parang joke lang na hindi, ahehe favorite car ko tong si boggy, matagal na rin to kanila mama saksi si boggy sa kasal nila mama sa birthday ko at kung ano ano pa... Buti nga may stereo tong si boggy, tiningnan ko yung mga tape na naka tago sa maliit na compartment, at nakita ko naman si bon jovi.... Kaya naman sinalpak ko.. Nung tumugtog na yung tape ...
"Seriously? Bon jovi?"- luke.... Ngumiti na lang ako... Nung kinanta na yung chorus sumabay ako kay bon jovi ng kanta..
"It's my life It's now or never I ain't gonna live forever I just want to live while I'm alive (It's my life) My heart is like an open highway Like Frankie said I did it my way I just wanna live while I'm alive it's my life! " -ako
Tumatawa naman si luke sa akin.. " not bad for a violinist"-luke ..."alam mo luke kahit na violinist ako, marunong naman akong kumanta! Sabayan mo kaya ako!" Kaya naman nung tumutog na yung pangalawang chorus sumabay na sa akin si luke,, "It's my life It's now or never I ain't gonna live forever I just want to live while I'm alive (It's my life) My heart is like an open highway Like Frankie said I did it my way I just wanna live while I'm alive " medyo maingay kaming dalawa sa loob ni boggy, pero puro kami tawanan ni luke.
BINABASA MO ANG
Confession ng Isang Single
Romance1. Lahat ng iniidolo kong artista! Ay pinagpapantasyahan ko sa kwarto ko! 2. Mahilig akong manood ng cartoons kahit na matanda na ako, iniisip ko na kabahagi din ako sa kanila! 3. minsan kahit di ko sinasadya bigla na lang akong nananginip ng gising...