Pagkatapos sa arts centre dumeretso ako sa mansion ng mga smith...
Matagal tagal na rin hindi ako nakakapunta dito, kaba at takot ang nangunguna sa akin
ano naman ang sasabihin ko kay luke? Pagkatapos ko siyang pag salitaan ng masasakit wala naman palang kamalay malay yung tao...
naalala ko tuloy yung mga mata niya nung nasabi ko yung mga bagay na yun, ramdam ko yung sakit nang mga sinabi ko..
Balak pa nga niya akong saktan diba!!
Parang nasa drama lang ako...
Iniisip ko pa hanggang ngayon yung tanong nang papa ni luke...ano nga ba siya sa akin... Kasi siya may sagot na, ako
.. Wala pa...
Napabuntong hininga na naman ako.. Tumigil ako sa harapan ng mga smith..
"Yes ma'am?" Sabi nung speaker
"Aa echicko mendez, pinapunta ako ni sir fred smith"
Tapos bigla bigla bumukas yung gate... At nagdrive na ako papasok at tumambad naman sa akin ulit yung malaking pintuan ng smith, bumaba ako sa kotse ko, at may alalay na naman na umalalay sa akin...
"Ma'am maghintay na lang po kayo dito" sabi nung alalay at dinala ako sa living room, sa totoo lang di ko pa to gaanong narating e kasi nga hanggang kwarto lang naman ako ni luke diba?!
Sobrang laki pala talaga ng mansion na ito, para na nga siyang palasyo... Inikot ko pa yung mata ko sa living room, at nakita ko ang isang malaking portrait , ang ganda nung babae, amerikana, at nasa may tabi ng piano.. Yung mata ni luke halos parehas sila...
"Ikaw po siguro yung mama ni luke, pasensya na po kung nasaktan ko ang anak niyo, paano po ba yan, dalawa na po tayong nasasaktan siya, tulungan niyo naman po akong pakiusapan siya na patawarin ako, di ko nga po alam kung ano yung una kong sasabihin, kaya sana tulungan niyo ako" ano ba yan nababaliw na ata ako pati portrait ng mama ni luke kinakausap ko...
*arf*
Napalingon ako bigla dahil nakalimutan ko si hachicko nga pala nandito!! nakatira!!!
Nagulat ako dahil sobrang taba nung tuta na dating malnourish na binigay ko kay luke..mukha ngang over fed ee.. "Hachicko! Ang laki mo na!!!" Sabay hawak sa ulo, naalala pa ata ako ng aso na to, dinidilaan niya ako sa palad... Tumulo naman yung luha ko dahil inalagaan ni luke tong tuta... akala ko kasi dahil galit siya baka gawin niyang asosena to.. Kahit papaano binibigyan pa niya to ng importansya kaya naman hinaplos ko pa ng hinaplos si hachicko...
Kaso natigilan ako sa pang aamo kay hachicko nang..
.......,,, playing pathetique sonata........
Si luke tumutugtog na naman, pero yung sonata na tinutugtog niya mas malungkot mas mabigat, di ko na hinintay yung alalay akala siguro nun talagang si sir fred yung sadya ko, si luke naman talaga..
Derederetso yung paa ako papuntang music room, palakas din ng palakas yung kaba sa dibdib ko..
Natigilan na naman ako nung nasa harapan na ako ng pintuan...
Echicko it's now or never..sabi ko sa sarili ko
Binuksan ko yung pinto... Maliit pa lang nung una, nakasilip ako at nakita ko si luke na dinadamdam yung pagtugtog ng piano..
*badump*badump*
Natigilan na lang siyang bigla nung makita ako na nakatayo sa may pintuan...
Echicko relax..inhale exhale.. Nakatitig sa akin si luke..walang nagsasalita sa amin.. Matutunaw na nga lang ako sa titig niya ee..
BINABASA MO ANG
Confession ng Isang Single
Romance1. Lahat ng iniidolo kong artista! Ay pinagpapantasyahan ko sa kwarto ko! 2. Mahilig akong manood ng cartoons kahit na matanda na ako, iniisip ko na kabahagi din ako sa kanila! 3. minsan kahit di ko sinasadya bigla na lang akong nananginip ng gising...