"Echicko?"
"Echicko?!"
"Echicko!!!"
....bigla na lang akong nagulat nung marinig kong sinisigawan na ako ni faith...
Kararating ko lang sa maynila, pero parang yung kaluluwa ko naiwan sa cebu..
"Ano yung sinasabi mo?" Tanong ko...
Tingingnan ako ni faith ng masama, at para bang nagtatanong sa isip...syempre para di mag alala, ningitian ko na lang..
"Ang sabi ko, tingin mo! Isukat ko kaya ito?" Sabi ni faith...
Hinawakan ko yung wedding gown, tapos chineck ko kung okay, simple lang naman yung gown, medyo conservative na sexy... "Sa tingin ko maganda to..tara isukat muna to" sabi ko tapos ..dumeretso kami sa fitting room...
Habang nasa fitting room si faith nagsasalita siya at nagtatanong.."alam mo bestfriend pansin ko, kanina ka pa lutang, may nangyari ba sa cebu? Kaya naman nagkakaganyan ka?"
Tumahimik ako, kailangan kong mag isip ng alibi, dahil pag sinabi ko sa kanya na napraning ako sa eroplano at nabanggit ko ang lahat ng sikreto at confession ko sa isang mayamang, presko na lalaki, na isang smith, sigurado akong, tatambling to sa bigla, at kukulitin akong sabihin ang lahat ng mga confession ko, at panigurado kapag hindi ko nasabi pupuntaha niya si luke at magtatanong at ang ending? Buking at sira ang friendship namin, at yun ang pinaka kinatatakutan ko...
"Wala no ano ka ba... Pagod lang ako, paano kasi inabot ako ng madaling araw para makatulog, tapos bumyahe pa ako papunta dito, syempre kulang pa ako sa tulog" sabi ko, pero totoo yung madaling araw na akong nakatulog, paano kakaisip dun sa luke... Para kasing may lubid na nakahila sa likod ko, na kahit na anong oras pwedeng hilahin tapos magiging alipin na ako forever!!!!! Bakit kasi ang tanga tanga ko!!! Buti na lang taga cebu siya, di niya ako maabutan dito sa manila... Huehuehue
"Ikaw kasi! Eh puro ka trabaho! Ni di mo na naiintindi yung sarili mo....sandali nga tulungan mo ako buksan mo yung kurtina, lalabas na ako" sabi ni faith..
Sinunod ko naman yung gusto niya, hinawi ko yung kurtina na nakaharang sa akin, para makita ko siya..
Nang nabuksan yung kurtina, nabigla ako... At natulala
"Faith! Ang ganda ganda mo!!!!" Tapos hinatid ko siya sa salamin....pati rin siya nabigla... Dahil sobrang ganda niya, paano ba nagagawa ng damit na pagandahin ang isang tao... Para tuloy na isang prinsesa si faith sa suot niya, ang ganda niya
Ng di ko namamalayan, tumutulo na ang luha ko sa mata...
Naisip ko, iiwan na ako ni faith, magkaka pamilya na siya, at ako mag isa na lang... At ang makakasama ni faith ay yung lalaking pinakamamahal ko, masakit man, masaya pa din ako dahil, mapupunta siya sa taong kilalang kilala ko, sigurado naman akong magiging masaya sila...
"Oh? Bestfriend bakit ka naman umiiyak??" -faith
"Parang kailan lang naglalaro tayo, ngayon ikakasal ka na, at iiwan mo na ako" tapos tumutulo pa din yung luha ko..
"Sira ka talaga! Hindi kita iiwan no, magaasawa lang ako, di ako lalayo, bestfriend pa rin kita at mahal na mahal kita!!" Sabi faith tapos pinupunasan niya yung luha ko...
"Tahan na" -faith
.........
Pumasok ako sa arts centre, pero saglit lang ako ngayon, may iaannounce lang daw, pagkatapos nun magpapahinga na ako...
"Tanya!" Bati ko...
"Echicko! Alam mo ba yung kumakalat na balita??" Sbi ni tanya
"Bakit anong meron??"
BINABASA MO ANG
Confession ng Isang Single
Romance1. Lahat ng iniidolo kong artista! Ay pinagpapantasyahan ko sa kwarto ko! 2. Mahilig akong manood ng cartoons kahit na matanda na ako, iniisip ko na kabahagi din ako sa kanila! 3. minsan kahit di ko sinasadya bigla na lang akong nananginip ng gising...