"Paano mo nakilala si sir luke? Ha echicko?"
Yan ang mga tanong sa akin ng mga ususera kong mga kaibigan sa orchestra..
"Guys! Dahan dahan lang! Nagiisa lang si echicko" sabi ni eleya
buti na lang, kasama ko tong si eleya, at hinihinahon nya yung mga makukulit na musikero na to... Sa totoo lang wala akong masabi, o kaya naman mapaliwanag, alangan namang sabihin ko na,,, nakilala ko si luke dahil sa pagiging ignorante ko, na akala ko babagsak na yung eroplano, kaya naman nasabi ko lahat ng siikreto ko sa kanya, at ayun malay ko bang magkikita kami...
O diba? Medyo tanga lang ang dating?! Ayoko naman na malaman nila yun...
Mga dalawang araw na at di pa nagpaparamdam si luke... Oo luke lang tawag ko sa kanya sa isip ko kapag kaharap ko siya mr.smith, magalang ako ee, tsaka boss namin siya.. Head board siya, ano naman laban ko diba? Isa akong hamak na musikero sa arts centre...
"Itong si echicko puro sikreto..." Sabi ni rose ...
Kailangan kong mag alibi nang matapos ang kwento at period na! "Tumugtog ako sa villa nila sa cebu, birthday niya nun, pinakilala ako ng organizer sa kanya.. Di ko naman alam na matatandaan niya ako.." Sabi ko, diba totoo naman?? Hehe
"TALAGA!? Nakapunta ka sa villa ng mga smith? Ang swerte mo naman!! Si sir raf ba ang nagbigay sayo ng trabaho?" Tanong ulit ni rose
Tumango naman ako... "Ang close niyo talaga ni sir raf no? Kahit nung nasa university tayo kita yung closeness niyo" sabi ni tanya...totoo yun, kasi nga si sir raf ay tinuturing kong kaparte ng pamilya ko, pantay pantay naman kaming mga estudyante niya ee, lahat kami inaalagaan, pingtutu unan ng pansin, kapag may problema o kaya tanong sinasagot ni sir raf, kasi lahat kami estudyante niya, pero sabi nila, nagagawa lang daw ngumiti sa akin ni sir raf, magbiro at kung ano ano pa paano kasi..."alam niyo, ang turing ko kay sir raf ay isang pamilya, di lang guro kundi, isang ama, ganun tsaka alam niyo naman ang ugali ko diba? pero lahat naman kami pantay pantay, mahal niya kaming lahat na estudyante niya, nagkataon lang nung tumugtog ako sa smith ako ang naabutan niya... Wala namang inggitan ang nangyari nung panahon ko sa university" paliwanag ko
Tumango naman silang lahat.. "Pero diba at least close kayo ni sir luke" sabi ni rose
"Anung close?! Di no? Tamang magkakilala lang kami! Yun na yun! No more no less!!!" Sabi ko
"Dyan nagsimula ang lolo at lola ko ee" sabi ni eleya ..at nagkantsawan naman tong mga loko n ito..
.............
Salamat naman at natapos na ang rehearsal namin, ang dami pala talagang gagawin, lalo na sa isang buwan may music fest na gaganapin, baka nga mag contemporary kami, dahil nga habol namin ang mas malaking audience..
Tiningnan ko yung relo ko mga alas onse na..
"Alone??"
Nanigas na naman ako, iisa lang naman yung taong nakakapagpanigas sa akin, sino pa edi si
"Mr.smith" bati ko, para talagang may invisible tali na nakagapos sa akin..
" luke is much better, call me luke" sabi niya with matching killer smile... Bakit ba ganun kinikilabutan talaga ako sa mga ngiti niya, alam mo yun mfefeel mong may kakaiba..
"Lets have dinner" sabi niya, sabay lakad ...aba ano siya?! Hilo? Pagod na ako no
"Kaya mo n magisa yan" sabi ko... Papalakad na sana ako kaso..."hmmmm, remember??? Secrets..."
Ay sh*t ....para akong nahila pabalik, walang nagawa...ganun ganun na lang!! Wala na to! Pang habang buhay na ako alipin nito!!! Pakshet!!
.....
Hindi naman masama yung pinuntahan namin, casual dining lang naman, kaso ayokong kumain kasama tong mokong na to
"So? Anything you want?" -luke
"Wala akong gusto kaya naman bilisan mong kumain" -ako
"You know para sa isang babae napaka tigas ng ulo mo, no wonder single ka pa" - luke
"O edi ikaw na ang may girlfriend" -ako
Nag smirk siya bigla ..."i dont have a girlfriend" sabi niya
E, ano naman ang drama ng asar nito?! At maka sampal ng single sa mukha ko e wagas wagas...
"But i have a bunch of girls, who just wanted to be with me, yun lang, nageenjoy sila sa company ko" pagmamayabang niya...
Tapos pinatong niya yung elbows niya sa lamesa, tapos pinatong niya yung chin niya sa may palad, basta imaginin niyo na lang
"Kaya nga nagtataka ako, bakit ikaw hindi? Thats why, yung sinasabi mong gagawin mo yung gusto ko, i might enjoy it" tapos smirk na naman
Tapos nung pagka smirk niya, tinakpan ko na naman yung ktawan ko "hoy!!! Kahit kailan di ko ibibigay yung katawan ko!" Sabi ko...
Tumingin siya sa akin ... " di ako interesasdo"
...aba!!!! Basag ako dun aa!!! Okay alam kong di ako sexy kaya di ako magaassume..
"By the way" tigil niya... Nakakunot yung noo ko nung nagsasalita siya...
"What's the na........"
"Echicko?! Bestfriend!!!!!!!!"
Lumingon lingon ako, dahil narinig ko yung boses ni faith.... "Echicko!! Sa likod mo!" At laking gulat ko si faith nandito sa kinakainan namin...
"Faith! Anong ginagawa mo dito??"
"Balak sana namin ni kyle na puntahan ka, magpapasama sana kami sayo, bonding na rin sana" ngiti ni faith
"Ehem"-luke
Tumaas yung kilay ko nung nagpapansin si luke, talaga naman.... "Oo nga pala faith si.... Luke...boss ko" sabi ko.nakipag shake hands si luke kay faith.. "Hi luke!! Ako nga pala si faith hehe bestfriend ni echicko" sabi ni faith
"Cool, two beautiful ladies as bestfriends" sabi niya... Nambola pa ang loko.. Kaso di ko napansin, nang
"Oh by the way, luke this is my fiancee, kyle" pakilala ni faith, kararating lang ni kyle sa kainan, baka pinark yung sasakyan..
Tumigil si luke.. Tiningnan niya si kyle .. At ngumiti.. Tapos tumingin sa akin... Bigla na naman akong nanigas!!! Pucha!!!
"So you're luke, nice to meet you" yung pagkashake hands niya parang kakaiba yung dating e, parang may ibig sabihin.. Itong g*g*ng to.. Talaga namang ipapahamak niya ako... Hinila ko nga si luke..
"Ahmmm faith kyle!!!!!! May gagawin pa kami ni luke ee, kumain lang kami para magpahinga, pasensya na,di ko kayo masasamahan, kasi may event na naman...bye!" Sabi ko habang hinihila ko papalabas si luke...
"Nice to meet you pare!" Habol pa ni luke, c faith at luke, parang na tuliro lang, kasi pagkapasok ni kyle, biglang nagbago yung pangyayari...
.......
"Talaga bang ipapahamak mo ako!" Sigaw ko
"I havent done anything!"luke
"Havent done anything mo mukha mo!"
"Anyway, that guy is appealing" biro pa niya tapos ngiti.. Naka kita ako ng hose.. Para sa halaman ata ito.. Kya naman naka isip ako ng bright idea.bigla kong kinuha yung hose at itinapat sa kanya, loko ka ha!! Ibubuko mo pa ako!!!
"Hey!!! Stop!" Hinihila niya yung hose sa akin, hanggang sa nabbasa na rin ako
"Dapat sayo yan!! Loko kang alien ka!!!! Malakas kang mambwisit eto bagay sayo!!!!!!"
Anonymous POV
Nakilala daw niya si luke sa villa nila sa cebu, hindi ko alam na may villa pala sila, at nakatugtog pa siya dun, at ang nagbigay pa ng trabaho ay ang prof naming si sir raf.. Alam kong mabait si sir raf, pero ramdam kong iba ang pakikitungo niya kay echicko, kaya naman inggit na inggit na naman ako sa kanya... Hindi niya napapansin na sa tuwing may tinuturing siyang mahalagang tao, lalo akong naiinis.. Dahil palagi, iniisip kong maging kagaya niya....
Alam ko darating din ang araw... Masisira din kita.. Maghintay ka lang...
BINABASA MO ANG
Confession ng Isang Single
Roman d'amour1. Lahat ng iniidolo kong artista! Ay pinagpapantasyahan ko sa kwarto ko! 2. Mahilig akong manood ng cartoons kahit na matanda na ako, iniisip ko na kabahagi din ako sa kanila! 3. minsan kahit di ko sinasadya bigla na lang akong nananginip ng gising...
