Girl! Gising!!!
"Hmmmmmmm"
Girl gising!! Sabi nung boses na naman na narinig ko kahapon...
Tapos maya maya pa...
*splash*
"Waaaah! Ang lamig!!!!"
Tiningnan ko! Si mike nakatayo, at naka evil grin! "Nababaliw ka na ba! Bakit mo ako binasa!!!!" Sigaw ko
"Kasi naman! 30 mins na kita ginigising patay malisya ka! At kapag na late ka! Ako na naman ang pagagalitan mo! Eh sino ba ang tulog mantika dito!"
Tumayo ako, at tinititigan ko ng masama si mike, kahit na papaliko na ako at papuntang banyo, naka glare pa din ako sa kanya, kasi di birong binasa niya ako! Hayop na bading na to!.... Naghanda na ako.. Naligo...at ngayon nagbibihis...nakita ko yung frame nung korean kong crush na si mickey yoo chun, baliw talaga tong si mike nabasa yung frame... Nilibot ko pa yung kwarto, baka kasi may nasaktan sa mga pictures ng mga iniidolo ko..Kasi mahirap na, sila lang ang meron ako, si joel kanitz ng this century tiningnan ko din, check wala galos at safe.. Ang pogi, at yung biceps at triceps ang lulusog...
"Sige unahin pa ang pagpapantasya sa mga lalaking di naman niya kayang abutin bago ang magbihis at pumasok sa trabaho" si mike na bigla bigla na lang sumusulpot...
"Alam mo! Ang laki mong kontrabida sa buhay ko!" Sbi ko
"At least nagigising ka sa realidad... Bilisan mo at kumain ka na, at lumarga ka na dahil si migz papunta na dito!" Sabi niya
"Hoy bakla! Tandaaan mo!"
"Alam ko madam echicko bawal ang milagro... Super clear..! "
Tiningnan ko na naman ng masama... Siyempre bumaba na ako.. At kumain, dumertso muna ako sa einekleine ..
Nagturo ng 5 oras at dumeretsong arts centre...
"Echicko!" Bati sa akin ni eleya
"Oh? Anung meron kamusta na si jen?"
"Ayun... Kanina lang may naghatid na isang lalaki sa kanya, mukha naman nang naka move on na"
O diba! Pagdating kay jen, mabilis ang pangyayare... Ganda ee (note the sarcasm) ... Dumertso na kami sa rehearsal room...
Konting usap pa at dumating na ung conductor.. After nun nagstart na naman ang matagalang practice at correction, paano bukas na to kaya naman dapat puspusan na....
"Okay break muna tayo... " sabi ni maestro... Ayun fiesta ulit...kanya kanyang lusot at tambay na ang mga lakad namin.. Syempre kaming mga magkakaibigan sa terrace muna.. Usap dito usap doon...
Hanggang sa "miss mendez!" Tawag sa akin... Pamilyar sa akin yun! Pagkalingon ko! Yung mentor ko sa violin ang nakita ko, kaya naman parang bata ako nung tinakbuhan ko siya.,,
"sir raf!" Si sir raf yung gumabay sa akin nung nasa college pa ako, pag mag music ka kasi may mga prof ka na magaalaga sayo, tutulong sayo para maging ganap ka na musikero, etong si sir raf, pinagtsagaan ako na maging estudyante niya, kahit pasaway ako... Matanda na si sir raf, kulubut na pero, tumutugtog pa rin at magaling pa rin, halos lolo na ang turing ko sa kanya, lahat ng problema ko nasasabi ko sa kanya, lalo na nung medyo nagkakalabuan kami ng parents ko sa kanya ako tumatakbo at pinapayuhan niya ako... Dahil kay sir raf, mas minahal ko ang pagiging musikero ko, ang swerte ko lang...
"napadaan po kayo?" Tanong ko "ikaw talaga ang sinadya ko paano kasi may pabor ako sayo" sabi niya sa akin
"Sir kahit ano pa po yun, basta kayo po!" Sabi ko
"Paano kasi di ako makapuntang cebu, ung isa sa mga smith ay maghahanda ng kaarawan dun, kailangan nila ng tutugtog, wag kang magaalala di ka mahihirapan dun" sabi sa akin ni sir, ang smith ay isa sa pinakamayamang tao dito sa pilipinas, pero di naman nila pinapakita yung mga mukha ng mga anak nila, basta ang naririnig ko medyo spoiled daw at gwapo.. Pero hanggang dun lang... "Pasensya na ha, alam mo naman matanda na ako, di ko na kaya ang malayuang biyahe"
"Nako sir yun lang pala sige po pupunta ako... Kailan po ba yun?"
"Sa sabado..kaya naman gabi bukas kailangan mo nang umalis...sila na daw bahala sa hotel na tutuluyan mo, okay na ang lahat pati ticket" -sir raf
Tamang tama... Kailngan ko muna ng break kay kyle at faith... Sasama ako sa cebu,,, makapag pahinga lang....
"Siger sir!!!!! Thank you po!"
"Hindi chicko... Thank you!" Sabay yakap sa akin ni sir raf...
BINABASA MO ANG
Confession ng Isang Single
Romance1. Lahat ng iniidolo kong artista! Ay pinagpapantasyahan ko sa kwarto ko! 2. Mahilig akong manood ng cartoons kahit na matanda na ako, iniisip ko na kabahagi din ako sa kanila! 3. minsan kahit di ko sinasadya bigla na lang akong nananginip ng gising...