"At kamusta naman ang bakasyon na kasama si luke?"-mike
"Hay nako mike ha, wag mo na naman akong asarin tungkol kay luke"-ako
"Eto naman, alam mo teh konting kwento lang naman ung hinihinge ko sayo ipagdadamot mo pa"-mike
Para matigil na si mike, kinuwento ko sa kanya yung mga ibang detalye sa pagpunta ni luke, konting konti lang, kung idedetalye ko lahat lahat sigurado ako mabibinge ako sa sigaw niya...
Pero mali ata ako, napahiyaw pa din siya... " confirmeeeeed!! Ano mahal mo na?!" -mike
Ung iniinom kong tubig nailuwa ko kay mike
"Nyemes teh!!! Ano ako halaman!!! Bakit mo ako binugahan!!!" -mike habang pinupunasan yung tubig sa mukha niya...
"Eh kasi naman ayus ayusin mo yung joke !!!" Sigaw ko...
"Hay nako indenial pa"-mike
"Ano?!"
"Wala ang sabi ko... Si faith kanina napatawag, di mo daw siya kinocontact nitong mga nakaraang linggo nagaalala daw siya sayo"-mike
Napatigil akong bigla, oo di ko siya kinakausap, malaki ang iwas ko ngayon sa kanila ni kyle, para kasing di ko pa kayang humarap sa kanila.. Dahil kapag humarap pa ako sa kanila ramdam kong baka di ko pa mapigilan malalaman nila kung ano yung nararamdaman ko...
Tumingin sa akin si mike.. "May problema ka ba??"-mike
"Pasensya na mike, pagod na ako may pasok pa ako bukas...."
Kaya naman dumeretso ako sa kwarto... Di ko na alam kung ano ang nagyayare sa akin, hindi ba dapat kapag single ka dapat wala kang problema, dapat hindi komplikado pero bakit ganun? Mas komplikado pa ang nagyayare, hindi ko na malaman, nasa teleserye ba ako??
Hay nakoooo...
Nalilito na ako...
........
"Echicko! Na miss kita!" Sabi ni eleya... Kaya naman nagyakapan kami sa tapat ng arts centre, balik trabaho na naman ako , namiss ko din ang pagtratrabaho ha.. Namiss ko din tong mga kabarkada ko sa orchestra...
"Ano saan ka naman nagpunta echicko?" Tanong ni tanya sa akin, nandidito na naman kami sa balcony, kahit saan saan na nga lang talaga kami napapadpad..
" umuwi ako sa amin, namimiss na daw ako ng mama ko ee kaya naman bumalik ako, nag stay kang ako ng mga tatlong araw.."sabi ko
Kaso parang nakatingin sa akin si tanya... Parang nakakaloko lang... "E ano yung balita na kasama mo daw si sir luke?'
O.O ha?! Paanong nalaman yun!!! Sino nagsabe??
"Sabi sa inyo ee, mukha pa lang oo na! Ano? Echicko may nagyare ba? Naka score ba? May kiss ano?? Kwento naman?" - tanong pa ni rose
Di ko alam kung anong lusot naman ang gagawin ko ngayon, gaano ba kalaking chismis ang kumalat... Kaya naman nanahimik lang ako, baka kasi madagdagan pa ng kung ano anong storya..
"Alam niyo hayaan niyo na lang si echicko, storya niya yan, kung ano man ang nagyare labas tayo" sabi ni eleya sabay ngiti sa akin,,, salamat naman talaga at kaibigan ko to... Kaya naman nag si tahimikan silang lahat...at medyo nakahinga ako ng maluwag
"Everyone!" -maestro
"Maestro!!!!!!" At para kaming mga bata na nagsitakbuhan kay maestro, di namin maintindihan pero talaga namang namiss namin si maestro.. Kitangkita naman yung ngiti niya ,,,
"Ano pa ba ang tinatayo niyo dyan, we have some practice to deal with"-maestro...kaya naman nag si pasukan na kami..
........
"Hay! Ito lang yung practice na hindi ako napagod! Di ko namalayan na sobrang tagal na pala nating tumutugtog!"-sabi ni jen
"Oo nga ee, ganito pala kapag medyo matagal nang di nakakatugtog,,, ang sarap sa pakiramdam ang hirap talagang tanggalin ang naka sanayan na"tanya
Ngumingiti naman ako sa kanila... Kasi naman talaga namang totoo parang na rejuvenate ako nung nagpractice kami kasama si maestro kanina... "Parang di ko nakita si sir luke ngayon"-eleya
Napatigil ako...
"Oo nga kung tutuusin wala naman gaanong gagawin... Ano echicko? Bakit busy si sir?"-kate
"Bakit ako ang tinatanong niyo? Malay ko ba dun no"-ako
...."aaaaaaah!!!!"-jen
Ay puteeeek tumalon yung puso ko dun aa.. Ano naman problema ni jen... "Ang cuteeeeeee!!!!!"-jen..nag si takbuhan naman kami dahil nakakita kami ng tuta na nakalagay sa box... "Kawawa naman nasaan na yung may ari nito"-eleya...."hay nako! Malamang wala nang may are jan! Iniwan ee.."-kate
"Ano gagawin natin dito??"-tanya...
Ang cute nga nung tuta... Gusto ko sanang ampunin... "Walang magaalaga sa kanya..iwan na natin yan"-rose
Kaso napaisip isip ko, kawawa yung tuta nasa may highway pa naman siya nailagay paano kung mag likot... edi namatay...naalala ko yung hachicko na palabas.. "Ano echicko? Iiwan ka na ba namin, mukhang ayaw mong tantanan yung tuta.. Kaya mauuna na muna kami"- tanya
Tumango na lang ako... At sandali pa iniwanan na nila ako.. Kinuha ko naman yung tuta... Tiningnan ko muna babae yung tuta.. Ang cute talaga..."alam mo may kilala akong magaalaga sayo" -ako
......
*knock* *knock*
Walang sumasagot, pero mukha namang may ilaw sa loob ng opisina..kaya naman medyo bad girl ako pumasok ako sa loob... At pag kasilip ko.. Check! Asa loob nga siya! Tinago ko yung tuta sa labas...
"You startled me chick, ano ang kailangan mo? Bilisan mo dahil busy ako ngayon"-luke
Tama po mehehe si luke ang unang tao na lumabas sa isip ko...
"May papakilala sana ako sayo ee"-ako
"Sino naman yan?"-luke pero deretso pa din siya sa pagpirma ng kung ano ano.. "Babae siya tsaka cute"- biro ko pa..."alam mo echicko kung wala kang magagawang matino pwede ba, get out of this office" - luke
Ang init agad ng ulo.... Kaya naman kinuha yung tuta.... "Ta daaaa!!!! Si hachicko!"- ako...
Napa face palm si luke.." Is that the cute girl your referring??" - luke...tango tango naman ako.. " o diba ang cute?? Naghahanap kasi siya ng matutuluyan, kaya pwede daw ba sa bahay mo? Paano kasi ang laki laki ng bahay mo mukha namang walang kumakausap sayo dun, kaya naman si hachicko ang kakausap sayo!" - ako
"Chick, you can keep that dog to yourself"- luke..sabay balik dun sa sulat sulat niya...
"Ayaw sayo nung alien, kawawa ka naman, di kita maalagaan kasi may allergy si mike sa aso... Gusto ko sana nasa mabuti kang kamay, isa lang naman ang nasagi sa isip ko kung sino magaalaga sayo, ayaw pala, akala ko naman mabait...masungit pala" sabi ko na sinasadya ko iparinig kay luke...
Papalakad na ako palayo...
"Just stop... Fine!!!!! Fineeeee!!! Leave that dog here i'll take care of it!!!! Unbelieveable!!"-luke
Kaya naman ngumiti ako... "Yehey!!! Salamat!!! Salamat luke.,, hachicko! May bahay ka na!!!" Sabi ko
Tapos inabot ko si hachicko at dinilaan naman si luke... "You even named the dog after the film"-luke
Ngumiti naman ako... "Bagay naman sa kanya ee... Alagaan mo ha!!! Ichecheck ko to sayo!"
"Fine fine...i surrender, please let me work!" Sigaw ni luke kaya naman masaya akong lumabas ng opisina niya...
BINABASA MO ANG
Confession ng Isang Single
Romansa1. Lahat ng iniidolo kong artista! Ay pinagpapantasyahan ko sa kwarto ko! 2. Mahilig akong manood ng cartoons kahit na matanda na ako, iniisip ko na kabahagi din ako sa kanila! 3. minsan kahit di ko sinasadya bigla na lang akong nananginip ng gising...
