Chapter 25

152 2 0
                                    

Napapatalon ako sa saya dahil kinupkop ni luke si hachicko, ang cute talaga nung tuta kahit na askal... Nakakamiss yung aso..kaya naman para macheck up tinawagan ko si luke...

Dial dial...

"Hello? Chick you know what time is it?" Tanong ni luke na parang nagising ko ata...

"Sorry! Akala ko gising ka pa sige ibaba ko na?!" -ako...

"No! No! Sige lang, ano ba ang tinawag mo? It must be important"-luke

"Kakamustahin ko sana si hachicko... Okay lang ba siya? Kumakain na ba? Ano?"-ako

"You know your funny... Hachicko is doing alright"

"Baka mamaya yung mga lalaki mong maid yung nagaalaga sa kanya ha!"

"No..hachicko is sleeping beside me.... She is peacefully sleeping"-luke

Hay nakahinga ako ng maluwag... "Thank you luke ha..goodnight"

"Goodnight"-luke

*hang up*

Ngayon makakatulog na ako ng matiwasay.....

.................

Pumasok ako ng maaga sa arts centre baka naman kasi maabutan ko si luke..kakamustahin ko ulit si hachicko... Kaso nung pagkapasok ko medyo sarado pa ata yung buong building kaya naman kumain muna ako... Chineck ko yung phone ko...

1message....

Nang pagkatingin ko..si faith napatext na naman

...echicko ano ba ang nagyayare? Nagaalala ako sa iyo, pagkatapos ng proposal wala na akong balita sa iyo, may problema ba? Kasi naman nag aalala na ako sayo... Sumagot ka naman, makipag kita ka naman

..... Nalungkot ako sa text, mali din naman ang ginawa ko...pinagaalala ko na naman si faith,, kaya naman nagreply ako

...faith pasensya na kung nagyon lang ako sumagot sobrang busy ko lang talaga, di muna siguro tayo magkikita may inaasikaso pa ako ee, pasensya na kung pinagaalala kita...sorry..

Sorry faith ito lang ang kaya ko munang gawin hanggat di ko pa kayo kayang harapin....

Napabuntong hininga na naman ako... Pumasok na nga ako baka bukas na yung centre... Pagkabalik ko di nga ako nagkamali at bukas na... Naabutan ko naman si eleya na nagprapractice...

"Ang sipag mo aa! At ang aga mo pa"-ako

"Ikaw naman echicko, nakakatamad kasi sa bahay kaya naman maaga akong pumasok, ikaw din naman aa maaga ka ata ngayon? Kamusta nga pala yung tuta?"-eleya

"Nakahanap na ako ng magaalaga sa kanya, mukha naman gusto siya ng umampon... "Sabi ko...

"Buti naman"-eleya

.....

Lumipas pa ang ilang oras nagsidatingan na rin yung mga kasama namin...nagkwentuhan muna tapos dumating na si maestro, dating gawi... Practice dito practice doon, break, kulitan balik ulit sa practice, inabot nga kami ng gabi sa pag tugtog... At dating gawi para na naman kaming fiesta kapag uwian na, nakakapagod pero masaya... Kaso nakita ko na naman na nagkumpulan na naman sila...

"Wag ka nang umiyak jen ano ba?"-si kate inaalo na naman si jen...

Hay nako, heart broken na naman ba ito, kailan ba matatapos yung storya ng kabiguan ni jen... Nakakapagod na rin magbigay ng advice halos paulit ulit na rin..

"Mahal ko na siya, pero may asawa na" tapos hagulgol naman

Yung iba inaalo na naman siya.... Kaya naman gumawa na ako ng sarili kong hakbang... Nilapitan ko si jen...

"Jen" mahinahon kong tawag... Tumingin naman siya sa akin...

"Tama na muna, di ka ba napapagod?" -ako...tiningnan ako ni jen sa mata..

"Naisip ko lang kasi, sa tuwing sinasabi ko na magpaganda ka at mag ayos ka, nakakahanap ka nga ng panibago pero minsan naitutulak mo ulit yung sarili sa paulit ulit na mali... Naisip ko lang, ito muna siguro yung panahon na mahalin mo naman yung sarili mo"-ako

Lahat sila nanahimik sa sinabi ko... "Kung talagang may lalake na para sayo kusang darating yan, may lalaking ibibigay lahatt ng gusto mo kahit di mo hingiin, siguro sa ngayon di pa siya nakakabiyahe, para maiwasan mo ang mali, bawas bawasan mo muna ang pagttry out.." Sabi ko

"Nakakapagod umiyak at masaktan, tama na muna" sabi ko sabay ngiti... Ngumiti naman saa kin si jen

"Tama ka echicko, kahit na may sir luke ka na, niaadvisan mo pa rin ako" - jen

"Teka teka paano naman pumasok si luke sa usapan? Wala kaming relasyon nun ano ba kayo"-ako nagsi kantsawan naman sila.. Si jen tumatawa na "thank you echicko ha.. Kasi kahit papaano di ka nagsasawang pag sabihan ako, hayaan mo ipagdadasal ko ang kaligayahan mo kasama si sir luke"-jen

Aba lokong jen to!!!! Talaga naman -_-" wala akong magawa ako lang naman mag isa ee....

..............

Pagkatapos akong pagkatuwaan sa balcony naisip ko nang umuwi...

"Hey chick"

"Ay palaka! Ano ba luke wag mo nga akong gulatin ng ganyan"

"Sorry, i just want to give you an offer" -luke

Huh??? "Ano naman?"

"Here" sabay abot sa akin ni luke ng ticket...

0.o<~ ang laking gulat ko ng mahawakan ko ang VIP pass ng this century!!!!!!!! Taragizzzzz si joel kanitz!!!

"Saan ka nakakuha nito?!!!!!!!" -ako

"I have a friend who wanted me to attend that concert and they gave me two tickets..."-luke

Di biro yung pass na hawak niya, may kasamang meet and greet.... "Ibibigay mo sa akin ito?" -ako

Tumango naman siya "in one condition"

"Ano?!!!! Lahat gagawin ko!!!!"-ako

"It is a date..." Sabay evil grin.....

Teka ano raw date???????? Napaurong ako ng konti pero tiningnan ko yung pass, bihira maka kuha ng meet and greet, minsan ko lang mahahawakan si joel kanitz... Take it or leave it??????

Buo na ang desisyon ko ..."deal!" -ako

"Good then i'll pick you up around 7" -luke sabay ngiting nakakaloko at wave sa akin... Ang weird talaga nun... Ano ba ang nakakain ng lalakeng yun at lagi na lang niya akong sinasama tsaka sinosorpresa...

Anonymous POV

Masama na naman ang tama ni jen, wala na itong ginawa kundi ngumawa ng ngumawa tungkol sa love life niya, di ko na nga halos maintindihan dahil sasaya iiyak magrereklamo, si echicko lang naman ang makakapag pahinahon sa kanya... Ano ba kasing pinapakain ng babaeng yun at napapahinahon niya ang lahat.. Kaya naman nung si jen ay nagsisimula nang mag alboroto kinausap agad siya ni echicko, akala ko iisa ang sasabihin niya, pero nagkamali ako, sinabihan niyang tumigil na muna si jen.... Ang yabang din niya, ano ba ang alam niya,,, wala naman siyang boyfriend para umastang may alam...

Lalo pa akong nainis ng inaasar na siya kay luke,,, masakit sa akin yun dahil di alam ng nakakarami na nag eexist ako, nagmamahal kay luke...tunay na nagmamahal... Tumingin ako sa likod ko, para makaiwas sa mga makakakita ng reaction ko, pero laking gulat ko nung makita ko si luke, na tinitingnan si echicko.. Naririnig niya yung mga asar pero hindi siya naiinis, nakatawa pa siya... Ganun na ba niya ka gusto si echicko? Huli na ba ako?!

-----------

Last update :)) for the today :) i have a news po, malapit ko na pong natapos yung story na ito..maraming salamat sa mga new followers ko :))

Wag kalimutan ang mag like share vote and comment :)))

Kung may tanong feel free lang :))

F

Confession ng Isang SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon