Epilogue

170 2 0
                                    

Kala niyo tapos na no? Wait lang hihirit lang ako..

Alam kong akala niyo na habang buhay na akong single dahil nga naman confession ng single ito, pero tingnan mo naman naka dekwat pa ako ng isang luke smith, hindi ko rin naman alam na may nakalaan pala sa aking luke smith, pwera na lang sa author paano kasi siya ang nagsulat kaya naman alam niya na may kapartner ako.. Well

Gusto kong malaman niyo na, hindi rin pala masaya ang magkarelasyon! Opo di masaya..

Pero wait theres more.. Kahit na di gaanong masaya, masaya pa rin ako...o diba medyo weirdo lang..

Kasi naman sa buhay ng isang tao wala naman talagang perpekto, wala naman talagang happy ending.. Walang ever after.. Forever? Di ko rin sigurado, alam niyo kung ano ang aim ko? Ang maging fulfilled, ang maging satisfied, kasi sa bandang huli ayaw kong mag sisi.. Gusto ko naman kahit papaano may nagawa ako.. Kung bakit napunta sa ganitong usapan? Abay malay ko hehe, pero alam niyo sa relasyon namin ni luke, halos dati pa din, puro away puro bangayan, pero kahit papaano ramdam ko sa sarili ko na masaya ako kahit na ganun kami..

Mahal ko siya mahal niya ako...

Alam niyo kung ano ang natutunan ko? Yun ay ang hindi mawalan ng pag asa.. Oo alam ko ang cliche, pero kahit na single ako di ako nawalan ng pag asa na makatagpo ng kasiyahan, okay lang din sa akin na kahit hindi si luke ang makapag bigay nun.. Maraming dahilan para mabuhay, maraming dahilan para maging masaya.. maraming dahilan para magpatuloy, sadya naman talagang naibigay sa akin ni lord si luke

Suko na nga ako ee naniniwala na ako sa tadhana... Sa billiong billiong tao alam kong naghahanap kayo ng para sa inyo...inggit kayo no? Wag kayong mainggit dahil darating din yan, ako nga 25 years walang wala, nakikihiram pa sa bestfriend..

Pero alam niyo kahit single kayo wag kayong mainggit, yan ang natutunan ko, tingnan niyo nainggit si eleya ano ang narating niya? Edi nasira siya? Kung single man kayo, wag mag apura dahil sa sobrang subok niyo puro naman mali, nakakapagod din yun katulad ni jen.. Kaya pag kayo nagiisa dahil sa may dahilan yan.. Unang una baka gustong iparating sa inyo na mahalin mo ang iyong sarili dahil sa oras na pumasok ka sa isang relasyon kailangan mo nang hatiin ang pagmamahal mo, pangalawa baka sa sarili mo hindi ka pa handa, lahat tayo takot diba? Sa gera nga bago sumabak pinaghahandaan kaya naman wag pasukin ang isang bagay na hindi handa at armado dahil sa oras na inapura mo yan ikaw ang talo...pangatlo? Baka sinasabi ni lord na siya muna, pagtuunan naman daw siya ng pansin kahit minsan lang, kapag natutunan mo siyang mahalin makakaya mo ding magmahal sa iba...

Maraming surpresa ang buhay, wag mainip mag isip nang libangan :)

Di minamadali ang mga bagay bagay, tandaan theres more to life than love...

Di pa kami kasal ni luke kaya wag apurahin, wala pa ding nangyayare sa amin kasi di ako nagaapura..

Mahal namin ang isat isa kahit sa kabila ng imperfections namin... Sabi niya nga sa akin..

"The best love that he could recieve is to find someone who perfectly accepts his imperfection"

Oha!! Mahirap magmahal ng kano aa!!

Teka nga balikan ko nga yung alien na yun nasa may piano yun ee...

*knock'

"Luke kanina ka pa dyan"

Ngumiti naman siya sa akin... "Upo ka sa tabi ko, at pakinggan mo to"

Kaya naman umupo ako... At sinimulan niya nang tumugtog.. Ang sarap pakinggan ng melody...

"Nagustuhan mo? Natapos ko na yung composition para sayo..."

"Ano naman title?"-ako

"Hmmmm being with forever" sabi niya

Ngumiti na lang ako kahit medyo corny yung title...

Kaso nakapansin ako ng papel sa tabi niya tiningnan kong maigi...

....o.o

"Eto yung confession ko aa!!" Nkalista.. Lahat lahat... Natandaan pala talaga niya,, pero ang pinaka kinagulat ko e may mga cross .. Parang check list siya..

All this time? Sinubukan na niyang alisin ako sa confession ko nang hindi ko napapansin...

Umiyak naman ako.. "Pasensya na kung binago kita pero kahit din naman ako ee.. Nagkagusto pa ako sayo"- luke

Kaya naman niyakap ko na naman.. "Hindi ka talaga matatapos sa sorpresa..salamat sa lahat.. Salamat"

"Sa totoo lang di naman kahat na cross out... Ung number 5 di pa tapos.. Date check, kiss check..." - luke

Pinalo ko naman tuloy... "Pwede ba!!! Di pa nga kasal yun agad!!!" - ako

"Joke lang...pero chick i wont say any words of promises... I better utter words that is worth to be done.. " - luke

"I will make you mine, i will make you my wife... And thats final..." -luke

May magagawa pa ba ako... Wala na di na ito confession ng isang single dahil binura na nang alien na ito... Pero sa mga single dyan.. Wag kayong mainggit at mag apura.. Cliche na si mr right.. Pero tandaan live life to the fullest and patiently wait for that someone...

Confession ng Isang SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon