Sa sobrang sakit nang nararamdaman ko, tumigil muna ako sa pag drdrive.. Eh kasi ang labo na ng tingin ko, baka maaksidente pa ako, pinapalipas ko muna tong sakit ng dibdib ko, para maya maya pa okay na ako...
Sanay na ako sa ganito...
Nagagawa lang sa akin ng iisang tao...
Si kyle...
Konti pa... Konti pa... Kaya mo na ulit mag drive....
Siguro mga isang oras nang naka baon ung ulo ko sa manibela, pero 30 mins nun iyak, ung remaining tulala mode...
Sa mga ganong instances, nagsisimula na akong mag daydream ng kung ano ano, paano kung tumakbo ako sa altar tapos , sisigaw ng itigil ang kasal! Yung mga ganun ba, o kaya magdadala ng baril tapos sasabihing, akin siya nauna! Mga ganun...
Buntong hininga ulit, nasobrahan lang ako sa kakapanuod ng teleserye at cartoons.. Di ko naman kayang gawin yun kasi...
Di ko kayang saktan si faith... Mahal ko si faith, sa totoo nga lang, baka mas mahal ko talaga ang bestfriend ko, dahil di ko ibibigay si kyle sa kanya kung di ko siya mahal keysa kay kyle, mas gusto ko pang isakripisyo yung sarili kong kaligayan para sa kanya, eto nga siguro ang problema ko, masyado ako kung magmahal... Pakshet na buhay! "Alam mo echicko! Kaya di ka magkakaroon ng kasama sa buhay dahil ni minsan di mo inisip ang sarili mo, lagi nanlang ibang tao!"
Pagkatapos ng reflection aba eto ako...
Nagdridrive na pauwi.....
Ilang minuto pa, nakarating na ako sa bahay, si mike siguro tulog na, si mike kasi parang kasamabahay ko dito, kaya di siya naalis, tinulungan namin siya ng parents ko dahil yung pamilya niya nagkaroon ng problema sa pera kaya naman, para mapagtapos pa ung 3 pa niyang kapatid nagtrabaho siya ngayon sa akin, sa awa ng diyos napagtapos na niya ung isa....
Pagbukas ko ng pinto, dumertso ako sa dining area, baka naman may pagkain... At meron nga! Bait talaga ni mike.. Chineck ko yung paligid mukha namang walang nangyaring kababalaghan dito...
Baka naman nagtataka din kayo sa itsura ng bahay namin? Simple lang yung bahay ko... May dalawang palapag, sa taas dalawang kwarto lang naman, nasa baba na ung sofa kusina at dining, pati banyo, katamtaman lang ang laki sakto sa dalawahang tao...
Umupo na ako sa lamesa, at binuksan ung taklob ng pagkain... At sinimulan nang lantakan lahat ng pagkain na nakahanda...
Nang matapos ako, nilagay ko na sa lababo, at nagsimulang mag hugas, pagkatapos kasi neto mag lilinis na ako ng katawan at magprapractice tsaka matutulog, ganun ang buhay ng musician, kailangan araw araw, ginagalaw mo ang instrumento mo, kasi yan ang puhunan mo, isipin mo walong taon ko din pinaghirapan ito propesyon ko, lahat na ng iyak tawa, nangyare na sa akin... Dahil sa kurso ko na ito... Pero mahal ko ang music.. Dahil kahit papaano napupunan nun yung kulang sa akin... kaya sa mga taong sinasabing petiks lang kami, aba! Subukan niyong danasin yung nadanas ko, namaliit na ako nung minsan, napahiya, napagalitan, at kung ano ano pa, pero tingnan mo naman kung sino ang nakatayo sa harapan nila, o diba! Yabang ko lang, bakita kasi kinsan kailngan manghusga eh di naman alam ang nangyayari! Wala naman kasing madali sa buhay...
Natapos ko nang hugasan yung mga plato maka akyat nga sa taas
Riiiiiiing!
Tiningnan ko yung phone ko
Mama calling.....
Ngayon naman si mama ang natawag... Di pa ba matatapos tong araw na to?
"Hello ma?" Sagot ko na medyo lang naiinis... Kasi alam ko na ang kahihinatnan nito..
"Echicko kamusta ang bagay bagay dyan?"
"Ok naman po, natanggap niyo na ba yung padala ko? Kamusta si papa sa probinsya?"
"Ok naman si papa mo, oo natanggap na namin, salamat... Si papa mo di na maganda ang pakiramdam, may boyfriend ka na daw ba?"
Eto na naman tayo sa tanong na to, etong mga parents ko, malabo pa sa plastic labo, yung ibang magulang kapag 25 years old di nila pinapayagan yung anak nilang mag boyfriend o mag asawa, pero tong dalawa ibahin niyo!
"Ma! Eto na naman ba tayo? Paguusapan na naman ba natin to? Di ko pa iniisip yan!"
"Kailan mo iisipin yan? Kapag huli na ang lahat? Ganun ba? Di kami bumabata ng papa mo! Gusto na namin na nakikita kang naglalakad sa altar! O kaya ng apo! Alam mo ba yung! Classmate mo nung highschool si kathy! Kakakasal lang! Tinatanong ako ng kumare ko na kailan ka naman ?"
Tingnan mo yan, kami na lang ni faith ang natitira ngayon ikakasal na rin siya ako na lang ang naiiwan...
"Gusto mo bang sa construction worker ako ipakasal?" Biro ko
"Aba! Ikaw talaga na bata ka!"
"Tingnan mo ! Inaapura mo ako mag asawa! Di naman ganun kadali humanap ng lalaki, ngayon pa! At madaming beki, mas maganda pa nga sila kesa sa akin..."
"Magpabuntis ka na lang! Gusto namin ng papa mo ng apo!!!"
"Ma!!!!!!! Ano ba... Kung ganito na lang ang usapan natin, pwede po ba sa susunod na lang tayong mag usap... Bye na po ...love you"
Sabay baba ng phone...
Napahawak na lang ako sa noo.. Eto na naman....
"Girl,.. Magpahinga ka na, masyado nang late" -si mike bumaba siguro para kumuha ng tubig... Tumango ako at umakyat, di ako nagpractice masyadong maraming nangyari... Kaya naman gusto ko munang takasan sa pamamagitan ng pagtulog, sana naman di ako managinip ng masama... Kasi di ko na kaya...
Pagod na pagod na ako
BINABASA MO ANG
Confession ng Isang Single
Romance1. Lahat ng iniidolo kong artista! Ay pinagpapantasyahan ko sa kwarto ko! 2. Mahilig akong manood ng cartoons kahit na matanda na ako, iniisip ko na kabahagi din ako sa kanila! 3. minsan kahit di ko sinasadya bigla na lang akong nananginip ng gising...