Chapter 11

251 3 2
                                        

ang saya ng isang araw ko, dahil wala daw si luke, at least makaka galaw ako ng matiwasay sa rehearsal, parang gusto ko ngang manlibre ee...

Napatigil ako dahil kumpulan na naman tong mga tao na to, ano naman meron? Naabutan ko si eleya... At tinanong kung ano bang meron?

"Sabi nila absent daw si sir luke" sagot ni eleya

Takte!!! Yun lang yung pinagkukumpulan nila?! Dahil absent si luke!!! Yun na yun?! Eh ano naman?!

Naririnig ko pa yung mga concerns ng mga babae na ito, kung ano daw ang nagyari, naaksidente daw ba? Hindi daw ba kinaya yung trabaho? At kung ano ano pa, isang araw pa lang na absent?! Hysterical agad agad? Malay mo natakot sa akin dahil pinuluputan ko ng hose kagabi, badtrip kasi e

Konti pa dumating si maestro "okay everyone go inside and start the rehearsal" tapos sabay sabay kaming pumasok, half day lang kami ngayon, chill chill pa kami ee, mas maganda kasi araw araw may practice at least na eenhance namin ung unity, kasi naman importante sa group ang unity, paano naman kami makakatunog ng isa kung lahat kami pataasan.

Mga tatlong oras din ang rehearsal, at kanya kanya na kaming largahan... Parang gusto kong mkipag kita kanila faith aa, makabawi naman kagabi, buwisit kasi tong luke na ito ee,

Kinuha ko yung phone kaso sakto nung pagkabunot ko...may tumatawag

0917*******

Ha? Unknown number sino naman to..

"Hello?"

Medyo wala pang sumasagot, lokohan ba ito? Ibaba ko na sana.. Kaso biglang may umubo sa kabilang linya

"Chick?"

Huh?! Chick daw? Sisiw? "Wrong number ka po, hindi po ito poultrihan"

Narinig kong nag chuckle yung kabilang linya, okay medyo baliw na to

"Si luke to...." Sabi

At parang nag freeze na naman ako, lumingon lingon ako... May tao ba?? Baka mamaya naririnig na kausap ko tong mokong na to

"Teka! Paano mo nakuha yung number ko?!" Tanong ko na galit

"Sikreto mo nga alam ko, number mo pa kaya?" Sabi niya... Eto na naman tayo sa sikreto ko ee... Ay nakooo! Bakit ko pa kasi nasabi yun! Ayan! Parang wala nang freedom yung buhay ko..lord why?!

"Ano naman ang ang kailangan mo ha?!" Galit kong tanong

"I'll send you the details to my house, and come here... I know rehearsals are done, if you dont come here, you know what will happen next" takot niya sa akin

"Alam mo! Monster ka talaga kahit kailan!!!!! Bwiseeeet ka bwiseeeeet!!!!!!!!!!!!!!!!"

*toot*toot*

Abang lokong to!!!! Binabaan ako ng linya!!!!! Nakakainissss na talaga!!

----

Wala naman na akong nagawa.. Kaya naman pinuntahan ko na lang, sinendan niya ako ng address, at ayun...medyo mahirap maglocate ha,at parang kabihasnan pa yung lugar niya.. Medyo mapuno puno..

Isang malaking gate yung nakita ko, ang taray lang "wow!"

"Excuse me ma'am?"

"Ay palaka!" May speaker pala yung gate nila.... "Aa ee si mr.smith po? Ako po si echicko" sabi ko ..tapos bigla bigla nagbukas yung gate.. Wow hi tech!!!! Iba talaga ang nagagawa ng pera... Pinark ko yung sasakyan sa tapat ng malaking pintuan... Hindi na ako nabigla sa laki ng bahay niya, villa nga nila di ako kumibo eto pa kayang bahay..

Confession ng Isang SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon