Chapter 29

143 3 0
                                    

"Echicko?! Kumain ka muna! Magiisang linggo ka nang di gaanong kumakain.."-mike

Isang linggo na ang nakalipas... Pero wala akong ganang tumayo, o kumain man lang, pakonti konti siguro, pero konting subo pa lang, nauunahan na ako ng iyak.. Nagkadugtong dugtong na ang mga problema ko.. Ang hirap hirap... Ang sakit sakit..kaya naman tinakloban ko ng kumot ang mukha ko...

"Teh. ..alam mo di makakatulong ang pagiiyak mo diyan... Hindi naman ako poste sa bahay na ito, echicko kaibigan mo ako..kung kailangan mo nang tulong handa akong makinig handa akong tulungan ka..kung handa ka na...lumabas ka lang diyan.. "-mike

Lalo naman akong napaiyak kaya naman dali dali binuksan ko yung pinto.... At hinabol si mike tsaka ko naman niyakap. "Mike!! Di ko na alam ang gagawin ko! Di ko alam saan magsisimula, biglang gumuho yung mundo ko..ano ba ang ginawa ko at nangyayari to sa akin?! Nagsimula sa isang confession, ngayon natapos ako sa wala nang natira sa akin" hagulgol ko sabi kay mike,,.

"echicko nandidito pa ako, handa akong makinig handa akong damayan ka,."-mike..habang pinapakalma yung likod ko... Bumitaw ako sa pagkakayakap at pinunasan ang luha pati yung mga uhog ko..

Umupo kami ni mike sa living room, at hinanda ko ang sarili ko at ikunuwento ko ang lahat ng pangyayari..hanggang sa umpisa hanggang sa huli..

Di ako hinusgahan ni mike...kasama niya akong umiiyak "naiintindihan kita echicko. Sa buhay natin kahit anong iwas natin na hindi masaktan ang mga mahal natin, darating tayo sa punto na masasaktan at masasaktan natin sila... Echicko hindi sa lahat ng oras kaya mong panindigan ang mga bagay bagay... Tao lang tayo di perpekto at nagkakamali"-mike

"Alam ko naman yun e, pero kasi ayaw kong humantong sa wala yung pinagsamahan namin ni faith...kahit kailan hindi ko magagawa ang agawin si kyle"-ako

"Sa sitwasyon na yan echicko wala kang magagawa, dahil si faith na mismo ang nag desisyon, di natin hawak ang pagiisip niya, kung sabagay may dahilan siya para magalit dahil napagtaguan mo siya, bestfriend ka niya akala niya kilala ka na niya ng buo... Kaya naman ang malaman niya ang mga ito, kahit ako kung ako ang nasa lugar ni faith magagalit ako.."-mike

Umiyak naman ako..kaya naman niyakap ako ni mike "echicko, wag kang malungkot, mahaba ang pinagsamahan niyo ni faith, sigurado akong malalagpasan niyo ang pagsubok na ito" tapos pinunasan ni mike yung luha ko...

"Salamat mike,.gumaan na yung pakiramdam ko" at ningitian ko siya...

"Paano naman si luke??"-mike

"Pwede ba wag na natin siyang pagusapan"-ako

"Pero echicko nasaktan mo siya?"

"Bakit ako di niya ba ako nasaktan?"

"Pero di ka ba naawa? Sabi mo madami siyang issue sa buhay, at panigurado akong masasakit yun at dinagdagan mo pa."-mike

Nanahimik na lang ako.. "Mike pass muna ako pagdating kay luke please."

Kailangan kong bumangon, at magpahinga..naniniwala akong... Magkakaayos din kami ni faith...

Ang kay luke?? Hindi ko alam...

..........

Lumipas ang ilan pang araw at medyo maaliwalas ang pakiramdam ko, tinutulungan ako ni mike na mag ayos at tulungan ang sarili ko, wala akong balita kanila faith kyle o kaya naman kay luke... Lumabas ako ng saglit pinuntahan ko yung tambayan namin ni faith..malapit lang naman yun sa bahay ko ee... Umupo ako sa swing... Nagiisip..

"Echicko..."

Lumingon ako at laking gulat ko.. "Faith?!"

At bigla bigla...niyapos ako ni faith.. Para kaming magkapatid na sobrang tagal na di nagkita...

"Echicko sorry!!! Sorry!!"

"Faith ako dapat ang mag sorry!"

"Hindi echicko.... Naging maka sarili ako, hindi kita inisip hindi kita inintindi...masama akong kaibigan"sabay hawak sa kamay ko..

"Lagi mo akong iniisp, lagi mo akong pinagbibigayan,ni minsan hindi mo ako hinindian.. Kaya naman naiinis ako sa sarili ko, na paano ako naging manhid sayo...echicko... Paano kita nagawang saktan, na ang tangi mo lang ginagawa ay mapasaya ako"

"Faith ano ba... Ang importante, magkasama kayo ni kyle at ikakasal kayo"

Ngumiti siya sa akin..."di matutuloy ang kasal"

Nawala yung ngiti ko.. "Faith bakit? Gusto mo to diba?? Paano si kyle?"

"Echicko, alam na ni kyle, kung talagang mahal niya ako maghihintay siya"

"Bakit faith???? Hindi mo to kailangang gawin... "

"Echicko, ito ang pinaka tama kong gagawin, napaka dami mo nang sinakripisyo para sa akin... Sa ngayon ako naman.. Ako naman ang magsasakripisyo...hindi ako magpapakasal hanggang hindi kita kasama... Hindi ako papayag na iiwanan kita mag isa..kasi importante ka sa akin..maliit na bagay to sa mga nagawa mo na sa akin.. Magkaibigan tayo kaya naman magdadamayan tayo.."

Napayakap ako kay faith...di ko alam pero sobrang saya ko..napaka swerte kong magkaroon ng kaibigan na tulad niya..

"May naisip tuloy ako.... Bakit hindi na lang yung lalaki na nakilala namin na kasama mo sa arts centre ang kilananin mo? Ramdam kong gusto ka nun"-faith

"Pero suggestion lang yun, ikaw pa rin naman ang magdedesisyon..okay lang din si kyle" dugtong ni faith

"Si luke?? Pero bakit ko naman siya pagaaksayahan ng panahon kung dahil sa kanya halos masira ang pagkakaibigan natin"-ako

Napakunot ang ulo ni faith... "Dahil sa kanya? Alam ni luke na gusto mo si kyle? Samantalang ako di ko alam? Ano ang relasyon niyo nang luke na yun?" -faith

Nagtataka ako.. Hindi ba si luke ang nagsabi kay faith, pero bakit parang ang clueless niya... Paano kung..

"Faith?????? Hindi si luke ang nagsabi sa iyo??"-taranta kong tanong..

"Echicko...hinde.. Babae ang nag sabi sa akin.... Ang pagkakatanda ko ng pangalan niya ay"

.

.

....

..

.

"Eleya"

Napaupo ako bigla... Si eleya ang nagsabi hindi si luke...

Hindi si luke..nasaktan ko si luke.. Nasaktan ko siya

"Faith kailangan kong umalis pasensya na may aasikasuhin ako"

-----------

Hello dear readers! Liking it so far?

We are down to the ending :(

Natuwa po akong gawin tong story na ito..sana po kahit papaano naincorporate ko ang music :))

Please feel free na magcomment :))

3rd book ko na itong natatapos sana po basahin niyo rin yung iba :)

Vote like share and comment :)

Salamat sa oag follow

----> picture on the side....

John o'callagan :)

Lead vocalist of the band the maine and is playing the part of luke smith :)

Confession ng Isang SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon