Parang pamilyar na naman yung lugar na to, parang napuntahan ko na to ee.. Ung venice style? Pero parang iba na yung nangyayari, naka ngiti sa akin yung mga tao... Teka teka, ang weird na naman ng mga tao... Bakit kaya ganito sila? Papasok ako sa isang kainan may bumati na naman sa akin "table for two?" Tanong nung lalake , nagtaka ako kasi ako lang naman mag isa "no for one lang, mag isa lang ako" sabi ko , sabay tingin ng lalake sa likod ko.. Tiningnan ko.. Kung sino...
Paksheeeeeet!!!! Si luke!!!!!!!!!!!!!
"Aaaaaaaaaah!!!! Ang dilim ang dilim!" Sigaw ko
"Gaga! Naka eye mask ka!!!!!!!" Sabi sa akin ni mike, sabay tanggal nung eye mask ko... Bangungot! Bangungot yung nangyari sa akn, mas nakakatakot pa sa nauna kong panaginip... Bakit nandun si luke?! Taragizzzzzz!!!!!
"Teh?! Nanaginip ka na naman ba?? Ano naman napaniginipan mo ha??" Tanong niya... Napailing ako kasi ayoko nang maalala .."wala wala! Wag mo nang tanungin, yun yung mga tipong kinakalimutan" ..sabay tingin kay mike..
"Okay" sabi niya.. Mabilis lang maka move on teh?!
Pero teka.... Parang may bago... Nasa kwarto ko ba talaga ako?? Bakit parang ang linis..
"Mike?? Nasa kwarto mo ba ako??"
"Aa ee... Hinde ee" alinlangang sagot niya....
Nasa kwarto ko, ako?
Pucha!!!!! Tingin sa kaliwa... Wala si mickey! Tingin sa kanan! Wala si joel... Tingin sa taas! Nawawala si nick santino... Ikot pa ng tingin sa iba pang lugar, nasaan si eric dill?! Si gerard way! Si chris evans!! Nasaaaaan!!
"MIKE!!!! Nasaaan?!!!!! Yung mga boyfriend ko?!!!!! Pag di mo nilabas, maghahalo ang dugo mo at ang semento ng bahay na ito?!!!!!" Sigaw ko...
Unti unti, umuurong si mike papalabas ng kwarto ko..."ano kasi...eee.. Magpapaliwanag ako" sabi ni mike .."siguraduhin mong matatangap ko ang paliwanag mo, dahil kapag hindi kita matantsa! Baka kalbuhin kita kasama si migz!!!!!!"
"Yu....ng....yung lalake kasi,,,,,, ano..... Yung,,,p,,,pogi,,,, di....ko,,,na..napigilan" utal utal na sabi niya...
"Sinong pogi?! Hayup ka?! Mapapatay kita?!!!!!!" Sasakmalin ko na si mike nang....
"Ay sir!! Buti po dumating kayo, akala ko po katapusan ko na.. " sabi ni mike...kay
Luke..... "Ako na bahalang mag explain sa kanya" sabi ni luke....
May kinalaman si luke sa pagkawala ng mga posters ko?! Ung iba dun inorder ko pa sa ibang bansa?! "May kinalaman ka dito?! Ha!! Alien ka?!" Pananakot ko... "Tinapon ko...bakit??" Sabi niya
Pucha walang alinlangan na pagkakasabi niya... Natuliro ako, nawalan ako ng ganang mabuhay, napaupo ako sa kinatatayuan ko.. "Wala ka man lang tinira kahit si joel kanitz lang?!" Sabi ko nang mahina..
Tapos ngumiti siya ng nakakaloko "wala!" ^_^
Tumayo ulit ako.. "Magpapakamatay na ako" sabay attempt ng magpapakahulog sa hagdanan... "Echicko!!!!" Sigaw ni mike... Pumigil naman si luke... Eh medyo malakas ako, kaya naman hinihila ko yung sarili ko pababa... Grabe! Sunod sunod na ung kamalasan ko?! Sinunog ng lalaking to yung mga imaginary boyfriends ko.. Wala din naman akong ilalaban, dahil alam ni luke ang mga sikreto ko.. Hawak niya ako sa buong katawan na!!!!
Biglang gulat ko nang hilahin ako ni luke at sabay buhat at kinaladkad hanggang sala..
Huminga ng malalim si luke "parang posters lang nagka ganyan ka?" Sabi sa akin
"Yun na nga lang ang meron ako! Kinuha mo pa!" Sabi ko ...
"Baliw ka ba?! Eh nandito ako!!!!" Sagot ni luke... Lumaki yung mata ko bigla... Ano raw?? Teka nabinge ako...
"Aa ee..excuse me po, kukuha ako ng maiinom" sabi ni mike...sabay exit... Awkward silence..
.
"Nandito ako, si mike, yung parents mo?! Eh kung mamatay ka?! Edi kami yung nasisi! Edi nakulong pa kami! Why dont you just think before you act?! You admire those people?! Pinagkagastusan mo?! Kilala ka ba nila?!" Sabi ni luke...
May point naman siya..kaya naman nanahimik na lang ako, para akong batang pinagsabihan ng magulang.. "Sana man lang nagpaalam ka" sabi ko ng mahina "papayagan mo ba ako??" Tanong niya..
"Hindi" sabi ko... Napakamot sa ulo si luke. "I just dont understand you" sabi niya sabay tayo....
"Mag ayos ka na, you need to attend the rehearsal for today, may pieces na for the music fest.. Ihahatid kita.."sabi niya sabay lakad palabas...
Tumayo ako... At dumertso sa banyo.. Guys nandoon na yun twalya ko..kaso nakasalubong ko si mike.. Ang ganda nga ng ngiti niya sa akin, sinundan pa yung lakad ko..
"Echicko!" Tawag niya sa akin...
Tiningnan ko siya... "Yung buhok mo, natatapakan mo na" ... Sasaktan ko to ee!!! "Ewan ko sayo!" Sagot ko.. Bwiset talaga...
BINABASA MO ANG
Confession ng Isang Single
Roman d'amour1. Lahat ng iniidolo kong artista! Ay pinagpapantasyahan ko sa kwarto ko! 2. Mahilig akong manood ng cartoons kahit na matanda na ako, iniisip ko na kabahagi din ako sa kanila! 3. minsan kahit di ko sinasadya bigla na lang akong nananginip ng gising...
