Parang nanininabago ako, hinahanap ko si tender bear kaso wala, parang infinite naman yung laki nung kama ko, parang naikutan ko na yung kama aa, nasan ba si tender bear? Si tender bear nga pala yung katabi ko matulog... Dinilat ko ng konti ung mata ko, himala hindi madilim, kasi nga diba naka eye mask ako minsan.. Wait lang...
Nasa bahay pala ako ni luke smith, mansion pala, correction, kaso nasa kama na?!
Wag mong sabihin!!! Binuhat niya ako?? Kinumutan pa ako...
Kung tutuusin may ibabait din pala ang loko... Bumaba ako sa kama... Hinahanap ko si luke, kaso wala sa buong kwarto, kaya naman naglakas loob na akong lumabas ng kwarto... Tapos may naririnig na lang akong tunog ng piano... Kaya naman sinundan ko... Kung di ako nagkakamali, pathetique ni beethoven yun 2nd movement (author's note: pakinggan niyo po sobrang ganda) tapos lumalakas yung tunog, hanggang sa napatigil ako sa isa na naman pintuan, pero iba to hindi na ganun kalakai katulad ng iba... Pagka bukas ko...
Nakita ko si luke, may binabasa, di naman siya yung tumutugtog... Yung player pala, sosyal lang ha paranag na surround yung gamit niya... Sa gitna may isang grand piano... Nakaka lula lang, ako nga upright lang ang meron ako, dahil ang baby grand piano ay mahal na, ang grand pa kaya..sino naman ang tutugtog niyan? Imposible naman tong alien na to..
Tiningnan niya ako "goodmorning i guess" sabi niya... "Nakatulog ka ba ng maayos?" Sabay lipat sa ibang lugar
"Oo, okay naman, salamat sa paglipat sa akin" sabi ko, tuloy pa ding tumutugtog ung pathetique... Nag smirk na naman siya, bakit ba ang hilig nitong mag smirk..
Napatigil siya sa akin ng tingin "mahal mo talaga si kyle?"
Nabigla naman ako sa tanong niya... Di ako umiimik, kasi nga sinekreto ko lang yun kaya naman wala akong masabihan.. Alangan naman sabihin ko sa kanya no... "Pero okay lang sayo? Na ikakasal na siya sa best friend mo? Hindi ba parang ang saklap nun? Bakit di mo pinaglaban yung gusto mo?" Tanong niya ulit.. Binabaha niya ako ng tanong ha.. Pwes wala siyang mahuhugot sa aking sagot.. "Tapos masasaktan ka, sigurado ka bang wala kang pagsisihan? Ano ba nagustuhan mo ky kyle? Sa tingin mo ano bang kulang sayo at nakita niya sa bestfriend mo? Mukha naman marami kayong pinagsamahan din nung kyle..."
Huminga ako ng malalim, tutal alam naman niya...siguro kahit minsan lang, gusto ko ilabas tong nasa loob ko "mahal ko nga, kaso di ako gusto e, okay na siguro yun, at least masaya silang dalawa, tinanggap ko na yun kahit alam kong masakit, natagalan ko nga ng 5 taon, ang mga susunod pa kayang mga taon? Ang kulang sa akin? Lakas ng loob, takot ako, takot akong mawala silang pareho sa akin, ano bang masama kung ang dalawang mahal mo magsasama?" Sabi ko
"Maiiwan kang mag-isa, wala nang matitira" sabi ni luke na naka hawak sa grand piano, ang seryoso ng mukha niya, nasaktan ako sa sinabi ni luke, matagal ko nang alam yun, mas masakit pala kapag pinunto ng isang tao yun sayo.. Kahit sabihin ni faith na hindi niya ako iiwan, darating yung punto na magiging pamilya sila, at di na ako kasali.. At maiiwan nga akong mag isa
Ngumiti ulit sa akin si luke, bipolar lang?! "Ano nagustuhan mo sa kanya?" Tanong niya ulit...
"Di ko alam, mabait? Maalahanin, siya yung unang tao na nakasama ko sa university, kahit na taga ibang college siya click kami agad, maganda siya ngumiti.... Sweet! At marunong mag gitara!" Sabi ko sabay ngiti kay luke... Parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya aa, himala lang di ako kinikabutan o kaya naman nabwisit, baka naman may ginawa siyang gamot sa kama niya ha!
Ngumiti naman siya sa akin... "E sa marunong mag piano? Ayaw mo?" Sabi niya... Sabay upo sa grand piano... Bigla bigla
...........playing pathetique 2nd movement - beethoven
Na stunned ako, alam ko naninigas ako sa tuwing tinatawag niya ako,paano naman kasi magaling mang black mail tong hayop na to.. Pero iba to, kahit di ako pianista, okay marunong akong mag piano pero.. Iba yung kanya... Ang.... Galing niya.. Sa totoo lang,siguro kapag maririnig mo siya kikilabutan ka, kakaiba yung patunog niya puro emosyon, yung sa tugtog kanina, di hamak na mas magaling siya... Sobrang galing..
Napatigil siya "lahat ng mga composition may kanya kanyang ibig sabihin, walang nakakaalam yung mismong ibig sabihin, pwera na lang kung ireresearch nila, and they'll found the history behind it, but was it really it? Sometimes there are different compositions and different players, ang pinagkakaiba lang nila, is the emotion the interpretation, i never heard the story behind this sonata, but i know the story behind my playing..." Sabi niya... Tumingin siya sa akin... Nanigas na naman ako... Ulit... Parang may halong takot na nga e, hindi ko alam na... May alam siya sa music? Akala ko g*g* lang...
"My mom was a music teacher, she taught me the passion for music, she play the piano too, when i was around 16 years old sinasabi na nila na katulad ako ni mom, isang prodigy, dad is a business man, smith legacy... I seldom see him.. I am always with my mom.. The bond between me and my mom is the piano, and pathetique is our favorite composition, we both dont know why, but we found this composition a cool one... Hindi ko pa alam kung paano ko siya lalagyan ng emotion.. Until i enter a music school... And pursue it.. But later on, the story of my own sonata came cross... My mom suddenly start acting cold.. She disappear, whenever i have a concert recital, she wasnt even there... And i found out, she found a man... Because dad didnt care... But i know he does, because i hear him once, he was crying, while holding mom's photo, he just let my mom go, with his bestfriend... Ang tanga lang no? My dad is like you, and since then, naiwan na siya, nagiisa, i wasnt even there... I went to arizona, to escape i stop to play the piano, this is the connection of me and mom, so i put an end to it, i went back when the news came that my mom is on her death bed na, she apologize, she say sorry, to me and to my dad, i dont know what to say i am tongue tied.. I hate her, i hate everyone, when she left me, care is not a word to me anymore... I despise everyone... But i hold onto her one last time and took an oath that i will not end up like her, i will be strong.. And after a time his man died too... Nag si sunuran sila, i was just planning my revenge, but i think useless na... Letting go is the left word for me... i never forgive my mom, i always thought girls are all just the same... I end up on bars, and play... And so i am hoping... You are not one of them too" sabi niya
Napa urong ako.. Teka teka.. Sino naman siya para iplease ko no! ..ningitian na naman niya ako "quits na tayo, i told you my past and my reasons, so fair enough??" Sabi niya.. Nabigla na naman ako.. Alam mo yung pakiramdam na, may problema ang isang tao, tapos nung sinabi sayo, naramdaman mo yung bigat nung sakit? Parang nadadamay ka na lang paunti unti??...
"Hindi sana magiisa ang dad mo, kung dinamayan mo siya" sabi ko... Ngumiti na naman siya ng nakakaloko.. "Hinayaan niya kasi e" sagot niya
"Kasi mahal niya ang bestfriend niya.. Kaya naman handa siya sa mangyayari, mas pipiliin niya ang pinagsamahan nila keysa sa kaligayahan niya" sabi ko..kasi ganun din ginawa ko
"Alam mo nakakatawa ka, kung ako sayo, i will start searching for my happiness and get out from my fantasy, you just might end up like dad, na naging patay na kahit buhay pa" sabi niya... Wala akong masabi, natakot ako.. Paano kung mangyari nga iyon...
Tumigil siya bigla.. "gusto mo tulungan kita?" sabi niya
*badump* *badump*
Nanigas ako sa takot.. Pero may halo ee.......
Di ko mapaliwanag...
BINABASA MO ANG
Confession ng Isang Single
Romance1. Lahat ng iniidolo kong artista! Ay pinagpapantasyahan ko sa kwarto ko! 2. Mahilig akong manood ng cartoons kahit na matanda na ako, iniisip ko na kabahagi din ako sa kanila! 3. minsan kahit di ko sinasadya bigla na lang akong nananginip ng gising...