Chapter 16

246 1 0
                                    

"Mike iabot mo naman sa akin yung popcorn" utos ko kay mike... Para kaming mga kolokoy sa harapan ng TV, sinimulan ko lang naman panoorin yung mga pinahiram sa akin ni luke... Inuna ko na yung hachicko... Na dehydrate na nga ako sa kakapanood eh, start pa lang humahagulgol na kami ni mike... Parang tanga lang... "Yung aso... Ang loyal" sabi ni mike sa akin, tapos abot nung popcorn

Tumatango tango naman ako.. Ano ba tong pinapanood sa akin ni luke, sobrang nakakaiyak nakaka kirot naman ng puso..

Matapos pa yung ilang oras lumabas na yung credits.. Magang maga yung mata namin ni mike,,,

Shinuflle ko pa yung mga cd... "Ito! Si miley cyrus! Baka naman maganda to the last song... Mukha naman musical ito naman yung isalpak natin!" Sabi ko... Tumango tango naman si mike,, excited naman kaming dalawa sa panonood, opening churva churva...

Matapos yung mga ilan pang minuto,,, puteeek!!!! Gripo na naman yung mata namin ni mike!!! "Paking tape na luke to?! Bakit puro tragedy!! Namatay naman yung tatay niya!!!" Sabi ko...

"Teh!!! Ang sakit sa heart hanggang bones tumatagos yung mga pangyayari, ang sweet sweet ng anak niya huhu" hagulgol ni mike.. "Nyemes kang bading ka! Tumigil ka dyan!" Sabi ko.... Parang namiss ko naman yung parents ko ng pagkapanood ko nito... Hinila lang ba to ni luke sa bahay nila!

"Mas may sense pa nga yan keysa sa mga cartoons mo ee" sabi ni mike,,, nag glare na naman ako sa kanya,.. "Oo na!!! Immature na ako!!! Putek! Dapat sinasampal sa akin?!" Sabi ko..."eto naman hot agad?!" -mike

"Ang pagsisi talaga nasa huli" dugtong ni mike,,"ako ba sinasabihan mo?!"-ako

"Gaga!!! Yung palabas!" Sabi ni mike... Tinapos namin yung dalawang palabas... At maniwala man kayo o hindi, naubos namin yung galon namin ng tubig, mga 4 na oras kaming nagiiyakan! Malay ko bang nakakaiyak tong mga to... Paano kasi ang kalimitan naming pinapanood ay puro kilig factor... Hayop na luke na to, di pa natinag sa pagiyak ko sa kanya hanggang bahay balak pa niya akong paiyakin, kahit kailan!!! Bully talaga yung alien na yun!!!

Umakyat ako ng kwarto at maghahanap pa sana ng mga pagkain sa kabinet ko...

*ping*

Narinig ko na tumunog sa laptop ko... Chineck ko yung chat ko... Lumabas yung chatbox ko bigla...

Okay guys maghulos dili kayo, dahil nga naman sa single ako, at malamang sa alamang ikakasal na si kyle, naisip ko din na itry yung dating online no?! Nag register lang ako tapos pinost ko lang yung profile ko, baka naman may kumagat at makita ko na si mr.right, pero mga isang taon walang pumansin sa profile ko kaya naman inichapwera ko na lang, pero after ng paghihintay may pumansin sa akin..syempre first time..inupuan ko yung laptop at nakipag usap

Mright919: hi!

violingirl:hi:)

Mright919: my name is christof, i am from germany you?

Violingirl: i am echicko, i am from philippines

...di ko alam na cool pala ang pakikipagchat ha...

"Teh! Ang tagal mo!" Sabi sa akin.. Tapos lumapit sa tabi ko si mike ..

"Ano yan?" Tanong ni mike..."chat! May nagkainteres sa akin sa isang dating online" sabi ko...

"Uiy!!! Pasama!! Tutulungan kita!! Ako ang fairy godmother mo dyan!! Tara tara! Bring it on!" Sabi ni mike... Excited pa sa akin..

Mright919: nice name :) i am currently here in philippines, such a coincedence :)

"Aaaaah! Teh asa philippines daw!!" Sigaw ni mike., "oo! Alam ko! Nababasa ko kaya!" Sabi ko.. Nagkangitian kaming dalawa ni mike,..

Violingirl: in what certain place are you staying??

Confession ng Isang SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon