Chapter 22

174 1 0
                                    

Di pa rin ako makagetover kay papa kagabi paano ba naman kinalampag yung pintuan namin, at galit na galit na nagsabi na matulog na kami, ano naman bang nakain nun? Uminom ba ng kung anong gamot yun at nag hysterical kagabi? Yung mata pa niya nagaapoy sa galit, ee naglalaro lang naman kami ni luke ng tumbling tower, ang daya niya nga, magaling pala siya sa ganun laro, nung bata pa naman ako varsity ako nun... Tinalo niya ako! Magang maga tuloy yung braso paano naman kasi pitikan yung parusa..

Hay, salamat naman kahit papaano bati na kami ni alien, mahirap din kasi na may kagalit ka no!! At tsaka mali naman talagaang nagawa ko, lagi ko na lang siyang tinatrato base sa kung ano ang stado niya, minsan na lang din siyang kumawala sa apelyido niya kaya naman kahit saglit lang kami dito itatago ko muna yung totoong luke smith...

Nagaabang na lang kami ni luke ng tanghalian... "Nagbukid ka ba kaninang umaga?" -ako... Tumingin siya sa akin.. "Oo, nakakatawa nga ee, the workers there are so funny, they keep complaining about their wives but at the end of the day, pagka bigay ng papa mo ng sweldo iniisip na nila na ibibigay yun sa misis nila" - luke..natutuwa naman akong makita tong alien na to na nageenjoy dito sa amin... Paano ata sa bahay niya ang kausap niya dun ay ding ding, may katulong nga e mukha namang mataas yung pride parang di siya kinakausap... "Mas masarap pa dito keysa sa bar" -dugtong ni luke... Bakit ba lahat ng mayayaman lagi na lang sa bars tsaka party nagsisipuntahan, ano bang meron dun?? Ngumiti na lang ako sa kanya, etong lalake na ito napaka damimg issue na hinaharap, pero di ko matatangging mabait siya... Mali yung panghuhusga ko sa kanya... Siguro kung nagkakilala kami sa university di malayong, magkagusto ako sa kanya...

O.o teka ano raw??? Okay iisipin kong wala akong naisip...

"Chick? Okay ka lang? Sa tingin ko tawag na tayo ng mama mo"-luke lumingon naman ako, at nakita ko yung kaway kaway ni mama.. "Oo nga tara kain na tayo" - ako ...pumunta na kami sa dining, masarap na naman yung mga pagkain, may puso ng saging at nilaga, first time nga daw ni luke na makatikim ng ganung klaseng luto kaya naman tuwang tuwa siya....

"Ang ganda ng tingin mo kay luke anak ha"-mama

Huh?! Tumitingin ako kay luke?? Hala kailan?? Parang di naman... "ma?!"-ako

Si papa wala pa rin gaanong kibo... Matapos yung mga konting minuto pa natapos kaming kumain... Lumabas naman ako para magpahangin at magpababa ng kinain nang di ko namalayan naka sunod pala sa akin si luke..

Kaya naman may naisip ako... "Diba gusto mong maging normal na tao? Sumama ka sa akin may gagawin tayo!" Yaya ko... Ngumiti naman si luke sa akin tsaka naman sumunod sunod.. Alam niyo ba kung saan ko siya dadalhin? Malamang di niyo alam ahehe, tanging mga katulad ko na mahilig mag gala ang matutuwa sa pupuntahan namin... Pero sigurado akong magugustuhan din ni luke doon...

Konting lakad pa......

"Ta daaaaa!!!" Sabi ko... Dinala ko si luke sa beach, tama po kayo! May beach dito sa amin medyo malayo layo nga lang mga 30 mins na lakad din..

"Sa beach? Paano ako magiging normal dito?" Tanong niya

"Alam mo! Wag mo akong unahan... Kumuha ka ng lalagyanan!" Sabi ko... Naghanap naman kaming dalawa ng lalagyanan may naisip na naman kasi akong laro.. "Oh luke! Makinig ka sa akin! Ang dagat na ito ay maraming maliliit na shells! Noong bata pa ako kumukuha kami ni faith ng mga shells na yun, tapos padamihan kami! Lahat ng bata na kasing edad ko nun ginagawa yun, tapos nagpapadamihan kami, tapos lulutuin namin, at yun ang hapunan namin, kaya naman! Paramihan tayo ng makukuha!" Sabi ko

"Sige ba, ano ang makukuha ng mananalo?" Tanong naman niya... Nagisip isip naman ako ng magandang gagawin ... "Hmmm paano kaya kung gagawin niya yung utos bukas?? Ano?? Payag?" -ako

Confession ng Isang SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon