Napapansin ko na lagi ko na tong kasama tong alien na to.. Baka mamaya hindi ko mamalayan masanay ako na lagi siya sa tabi ko...
Teka ano raw?! Ano yung sinabi ng isip ko? Nababaliw na ata ako...erase erase... Baka naman nagtataka kayo bakit alien ang tawag ko dyan? Alam niyo! Di niyo aakalain na marunong magtagalog si luke, dahil sa sobrang mestizo, ang tangos ng ilong... Mukha talagang full blooded american citizen...
"I might melt if you keep on staring at me" sabi ni luke.. Ha?! Kanina pa ba ako nakatingin akala ko, naglalakad lang yung isip ko, di ko alam na tinititigan ko na siya ...
"Alam mo, matagal ko na tong tanong sa sarili ko e, bakit mukha kang amerikano? I mean may dugo ka bang kahit konti ay pinoy?" Tanong ko
Ngumiti na naman siya "nope i am a full blood american, we are from tempe arizona, my dad left arizona for business reason, he fell inlove with the philippines, and never got back to america.." Paliwanag ni luke.. Kung iisipin mo nga naman.. Smith kanong kano nga... Di pala siya hilaw, puro pala tong loko na to... "Pero ang galing mong magtagalog ha.. " -ako
"I was raised here, kaya naman chicken lang sa akin ang tagalog" -luke
Nasa plane na kami ni luke... At correction, private plane.. Nahihiya nga ako ee, parang gusto kong umangkas sa gulong, kasi parang namimihasa na ako, nung una angkas sa sasakyan, ngayon naman sa eroplano, ano naman sa susunod? Barko??? ...
"Fasten your seatbelt" sabi ni luke...sa totoo lang natatakot na naman ako... Kahit pa take off pa lang.. Pero hanggat maari tinitikom ko yung bunganga ko dahil mahirap na baka kung ano pang confession ang masabi ko,namumuro na sa akin si luke!
Medyo may konting turbulence, maulap kase sa visayas... Nakakapit ako kay luke ng mahigpit... Pero hinahayaan niya lang ako kaya naman hanggang landing medyo nakahinga hinga ako ng maluwag...
"Congrats, you didnt utter a word, kaso ang sakit ng pagkakahawak mo" sabi sa akin... Nahiya naman ako lalo.. Naglakad na kami papalabas ng airport, may kumuha na ng bagahe namin, pagkalabas na pagkalabas, nakita ko na si mama at papa... Napatakbo ako at niyakap silang dalawa,,, guys walang baldado sa kanila ha, parehas silang healthy, OA lang talaga yung nanay ko...
"Ma!!! Namiss kita" sabay yakap,..pati si papa..
Napa lock jaw naman sila mama at yung iba pa nung nakita si luke... Eh kasi nga pogi daw...
"Siya na ba ito anak?" Tanong ni mama... Tumungo na lang ako.. Kahit di naman kami nagdedate eh yun ang nasabi..wala na akong mailalaban..
...........
"Iho kain ka lang ng kain!" Sabi ni mama...nakangiti naman si luke sa kanya
"Jusko akala ko amerikanong nagsasalita ng english mapapasabak sana ako, buti na lang nagtatagalog" sabi ni mama
"Ma!"-ako
Ngumiti naman si luke. "Thank you for inviting me... Your home is so warm... I like it" sabi niya
"Ay jusko, wala yun kahit ano basta sa karelasyon ng anak ko" -mama
"Ma!!!!" -ako ....natawa naman si luke.
"Ano ba echicko! Parang di mo boyfriend si luke"
"Nagdedate pa lang kami, malayo sa boyfriend yun!" Paliwanag ko
"Ewan ko sayo, basta luke gusto ko ng 4 na apo!" -mama
.....sa sobrang bigla ko, nabulunan ako..
Ngumiti ng nakaasar si luke.. "Sige po^_^"
Nag evil glare naman ako kay luke... "Alam mo konti lang babatukan na kita!" Bulong ko sa kanya..
"Bakit? Thats what she like!" -luke ....
... "Ay nako echicko i ihatid mo si luke sa kwarto mo" -mama
"Kwarto ko? Saan ako matutulog?" -ako
"Sa kwarto mo!" -mama
Ano raw?! "Magkatabi kami ni luke?! Teka teka!!!!!! Date pa lang ma!! Okay ka lang tapos tabi na?"
"Wala nang ibang kwarto yun na lang" -mama
"Sa inyo ako matutulog"-ako
"Mahirap pag dun ka pa sa kwarto, hirap nga kami ng papa mo, sisiksik ka pa." -mama
"Echicko tama ang mama mo" -papa
........
At ang ending wala akong nagawa...
"Ilapag mo na lang yung gamit mo dyan... Sa kama ka na lang luke kaya ko sa sahig" sabi Ko
"Hindi, sa sahig ako" sabi ni luke... Aba makikipag away pa ata to ng pwesto..
"Bisita ka dito, pwede ba wag ka nang magmatigas, kaya mo bang matulog sa sahig? Sa yamang mong yan" sabi ko
"Kung sabagay"
O diba?! Mabilis kausap? ..naglatag na kami ng higaan, este higaan ko pala.. Ramdam ko yung mga mangyayari bukas ee..
Nagbihis na rin ako tapos nag toothbrush at humiga na... "Night" sabi ko kay luke
"Night chick" -luke
Luke POV
Such a warm family, her mother is beautiful just like her... Funny just like her, parang binebenta niya yung anak niya sa akin.. Probably she saw how her daughter is doing, at nahihirapan siya sa lagay ni chick...di naman kasi sila bumabata kaya naman, baka gusto nilang may mag alaga sa kanya.. funny nga ee
I just found myself tagging along with her.. I think this is going to be a rad adventure with her.. I am so fond being with her.. kaya naman sumama agad ako, nagulat pa nga ako, joke lang sana kaso mukhang natotohanan yung biro ko sa mama niya, ayaw ko naman saktan yung matanda....
"Luke? Gising ka pa?" -echicko
"Bakit?"
And she just suddenly leap unto the bed... "Nararamdaman ko kasing may kakaiba ee... Takot ako sa multo. Pwede bang ano.." She seemed so shy na sabihin yung gusto niya,,,,
"You want to sleep beside me?" Tanong ko... Just so cute.... Nakangiti na naman ako, this girl always makes me smile.. I open a spot for her.. At walang alinlangan humiga siya... She is so warm...
"Sabi nila kapag maingay daw yung puno, may kapre daw na nakatingin sayo.. Tapos pag malamig yung hangin,malamang daw may nakadalaw na sayo" sabi niya...natatawa na ako sa isip ko... Napaka isip bata talaga nito...kaya naman single pa din...puro siya kalokohan..
. "How do you survive when you were little?" I ask
"Si faith, pinapatulog ko dito... Kaming dalawa, kinocomfort namin yung takot namin..." Sabi niya..
No wonder she loves her very much, a strong bond was even made here....
"I see, sleep now... Wala na yung kapre tsaka yung multo just close your eyes"
----------
Hi people! Last update for the day!
Picture on the side po! Echicko and luke! :))
Vote like share and comment po :))
F
BINABASA MO ANG
Confession ng Isang Single
Romance1. Lahat ng iniidolo kong artista! Ay pinagpapantasyahan ko sa kwarto ko! 2. Mahilig akong manood ng cartoons kahit na matanda na ako, iniisip ko na kabahagi din ako sa kanila! 3. minsan kahit di ko sinasadya bigla na lang akong nananginip ng gising...
