" HAHA!!! Si vin diesel!!! Si mr.chow!!!!!" Tawang tawa si mike sa pagkakakwento ko...habang ako nabuburaot na sa mga pngayyare, pero siya enjoy na enjoy pa rin!!! "Alam mo! Konting konti na lang! Palalayasin na kita!" Takot ko kay mike..
"Eto naman hot agad!" Sabi ni mike..
"Malay ko ba naman kasi na poser pala siya, minsan na nga lang mag dating online, palyado pa, ramdam ko na talaga ang kamalasan sa love life ko ee" sabi ko
"Tapos mahilig palang mag hook up ng mga babae, mukha ba akong bayaran?! Maayos naman yung damit ko"
Ngumiti na naman ng kakaiba si mike... "Buti na lang... Nandoon si ehem.. Papa luke" -mike...
"Sige simulan mo na naman yang luke na yan, at luluklukin na kita sa inidoro" -ako
"Pero alam mo teh! Kung hindi ka sinave ni luke edi waley ka nang v-card, baka dadaigin mo pa yung todos losantos sa cryola mo dito.. Magpasalamat ka na lang sa tao" -mike
Napaisip din ako, kung sabagay may point si mike, niligtas niya ako, kahit na medyo aanga anga ako.. Kaso ramdam kong galit siya e.. Kinabahan nga ako nung pinaalis niya yung mr.chow...
"Siguro nga dapat ako magpasalamat sa kanya, kaso parang galit siya" sabi ko
Umupo si mike sa harapan ko.. "Alam mo teh! Feel ko...like ka nun, ipupusta ko ang kaluluwa ko, kahit yung gender ko sa kabilang life.. Ramdam kong like ka nun"
Napaurong ako.. "Weh?! Imposible... Di yun... Di pwede..." Tanggi ko..
"Ano naman ba ang problema? Mayaman, pogi, matalino, macho kahit medj payat, mukha pang foreigner maganda ang magiging anak niyo niyan!"
"Ikaw anak ka agad!! Wala ako sa radar nun!" Sabi ko
Tingin sa akin ng nakakaloko si mike.. "Ay nako mahirap kumausap ng SINGLE!" Asar ni mike.. Pinalo ko nga.. Hinarot harot ko si mike paano wala akong maharot, medyo kasi iniwasan ko sila faith, para iwas sakit sa dibdib... Pero miss ko na siya..silang dalawa,mpero mas mabuti din yung ganito... At least di ako umiiyak
--------
May pasok ako ngayon sa arts centre.. Guys baka mamaya di niyo gaanong mapicture out yung arts centre.. Isa siyang malaking concert hall, baka kasi kung ano ano iniisip niyo.. Parang lincoln centre sa new york ganun lang naman kalaki...
"Echicko! Malapit na yung music fest! Excited ka na ba?" Tanong sa akin ni jen... Ano naman ika eexcite ko dun??
"Icocovergae nila yung buong festival, for the first time in forever!" Sabi ni rose
"Dapat medyo presentable tayo kasi may camera..." Sabi naman ni tanya..
"Talagang feel niyo yung live coverage e no..." Sabi ko
"Hay nako, echicko minsan talaga makisama ka na lang, malay mo makahanap ka nang partner mo kapag nakita ka live!" Sabi ni eleya.. "Puro kayo kalokohan"-ako
Konting lakad pa namin papasok ng stage nakasalubong namin si luke.. Alam mo yung nangaasar look niya kapag nagkakasalubong kami? Wala teh!! Deadma lang.. Confirmed galit ang lolo mo..
"Ano problema nun" bulong ko sa sarili ko..
...
"Everyone ready, play measure 79" -maestro ..tapos sabay sabay kaming nagsitugtugan.. Konting polish pa, tapos na namin yung pyesa.. Salamat naman...
Mga 3 oras pa..okay na kami, kapag nag rerehearse di mo mapapansin ang oras ee... Nag ayos na ako ng gamit..
"Echicko, una na kami ha!! Bye!" Sabi nila tanya
Kumaway naman ako sa kanila at nagpaalam.. Pagkatapos kong magayos naglakad na ako palabas..
At ang pagkakataon nga naman nakasalubong ko na naman si luke, at as usual deadma, may kausap pa nga ee.
Riiing......
Tiningnan ko naman yung phone ko.. At ang di inaasahan ..
Mama calling.....
"Ma?"
"Echicko! Si tita meng mo nandito, gusto ka sanang makita"
"Sige po maghahanap ako ng tsempo na makauwi diyan, may tugtog pa kasi ako nitong mga sabado, music festival ee.. Manood kayo sa TV live daw ee"
"Ganun ba? Sige, pero teka? Ano na balita? May boyfriend ka na?" -ma
At eto na naman tayo.
"Ma naman, eto na naman bang love life ko ang pagaawayan natin??"
"Nako bata ka..nagtatanong lang, kasi may binata dito sa atin baka gusto mong makilala pag kauwi mo?" -ma
"Ma naman... "
"Bakit meron ka na bang boyfriend? Para masabihan ko na to" sabi ni mama
"Ma. .. Ano kasi ee......w" naputol bigla yung usapan namin ni mama... Eh paano... Inagaw ng buset na luke yung phone ko.. Ano namang naisip na pakulo gagawin nito???? Nakakagulat lang dahil bigla bigla na lang susulpot kung saan saan, di ako nakaprepare!
"Hoy! Nanay ko yang kausap ko!" Sigaw ko pero iniiwas niya yung cellphone.medyo lumayo layo siya... Hanggang sa hindi ko malamn kung ano ang pinaguusapan nila, medyo mahirap habulin si luke ha! Ano naman sinabi nito?! Baka na naman may balak tong hayup na to!
"Yes... Yes... I wil, soon enough bye" sabay baba niya ng phone... Tapos inabot sa akin...
"Ano naman sinabi mo sa nanay ko???" Galit kong tanong...
Ngumiti siya ng konti "sinabi kong nagdadate tayo kaya naman wala siyang dapat ikabahala sa love life mo, tapos konting kamustahan lang"
-----> o.O ako
"NABABALIW ka ba?! Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?!"
Tumango naman ito pong kolokoy na ito .."nagsabe ka na dinedate mo ako?! Alam mo ba ang pwedeng mangyari sayo?!" Banta ko sa kanya... "Hinde" ^_^ sagot niya
"Pucha ka!! Hindi ka pakakawalan ng parents ko!! Di ka ba nagiisip!! Hindi ko nga sila mahandle ikaw pa kaya!!!" Sabi ko
Ngumiti na naman siya ng relax "you wont believe what i can do" sabi niya
"Alam mo kung ito ang paraan mo para makaganti! Hindi to nakakatuwa!!"
Tumingin siya sa akin... "This is not a form of revenge, i am doing you a favor"
Ano naman ang favor dun? "You said naiinis ka sa parents mo dahil kinukulit ka nila tungkol sa lovelife mo?" Dugtong niya
"Natandaan mo yun?"
Tumango siya "just say thank you when everything runs smoothly... " sabi ni luke..bakit ba niya ako tinutulungan... Pagkakataon ko nang huminge ng tawad..kung may nagawa man akong kasalanan kahapon..
"Sandali! Galit ka pa ba sa akin? Sorry nga pala kahapon" o diba? Humble ako ee..inunahan ko na
Ngiti ngiti na naman tapos lapit sa akin... "Nope, the most important thing is your safe" sabay pat sa ulo ko...
*badump* *badump*
Ang weird ng puso ko, parang dapat na ata akong magpatingin
Anonymous POv
Nakasalubong ko si luke kanina, kasama ko si echicko, di sila nagkatinginan, parang may away sa kanila.. Kaya naman medyo masaya ako, pero nung sinundan ko siya ng tingin, nakita ko yung mga mata niya na tiningnan pa rin si echicko.. Pero parang nahuli niya rin akong nakatitig sa kanya, pero hindi pa rin niya ako kilala..
Ano bang meron si echicko at siya ang gusto mo?!
BINABASA MO ANG
Confession ng Isang Single
Romance1. Lahat ng iniidolo kong artista! Ay pinagpapantasyahan ko sa kwarto ko! 2. Mahilig akong manood ng cartoons kahit na matanda na ako, iniisip ko na kabahagi din ako sa kanila! 3. minsan kahit di ko sinasadya bigla na lang akong nananginip ng gising...