Mabilis ang takbo ng puso ko! Paano ba naman! Magkakaroon daw ng Aberya itong eroplanong sinasakyan ko! Pababa na nga lang! Sablay pa! Lintek na buhay nga naman to oh!
"Aaaah!!!" Maliliit na sigaw mula sa mga pasahero, paano kse nagsheshake na ung eroplano.. Napapikit na lang ako, at napahawak na lang sa katabi ko, finasten ko na nang maigi ung seatbelt ko... Nagdasal! Lahat pa ng santo tinawag ko! Malay mo dumating na parang justice league lang... Pero lalong yumanig ung eroplano, wala na to... Wala na to...sabi ko sa sarili ko...syempre pag mamatay na ako ayokong magdala pa ng hinaing o hinanakit! Lalo pa't single ako! Opo SINGLE! Yan capslock para intense ..
Napa sigaw na lang ako bigla "SIGE NA AAMININ KO NA ANG LAHAT!"
" Lahat ng iniidolo kong artista! Ay pinagpapantasyahan ko sa kwarto ko!Mahilig akong manood ng cartoons kahit na matanda na ako, iniisip ko na kabahagi din ako sa kanila! minsan kahit di ko sinasadya bigla na lang akong nananginip ng gising iniisip na nakikipag date ako!kahit wala naman!naiinis Ako sa mga Tao na sinasabing magaling akong mag advice! E kasi nga single! Pakshet kayong lahat! Wala pa akong boyfriend since birth! kaya naman ignorante ako sa usapang date! Kiss at sex! minsan iniisip ko nang takbuhan ang internet at makipag hook up sa mga Kano! Baka naman kasi mag work!!iniisip ko nang ibahagi sa diyos ang kagandahan ko, baka naman si god ang partner ko!naiinis ako sa pamilya ko dahil! kinukulit nila akong mag pa buntis na lang!inggit na inggit ako sa bestfriend ko dahil May boyfriend at Ikakasal na siya higit sa lahat ! Mahal ko si Kyle ang boyfriend ng bestfriend ko..."
Parang armalite ung boses ko sa pagkakasabi ko ! Teh di birong Malakas ang pagkakasabi ko.. Naawa nga ako sa katabi ko dahil ang sakit ng pagkakahawak ko sa kanya, dala naman na kasi ng takot....
Tapos bigla na Lang tumahimik, Asa langit na ba ako? At May nag salita na lang
"miss, we already landed safely, I'm afraid your confessions are useless, ung kamay mo nga pala" sabi nung lalaki ! At dahan dahan kong nilingon ang mukha ko, ..teka?! Tapos na? Landed safely??? Nakababa na kami, tinginganan ko yung kuyang katabi ko...
Nanigas ako bigla, literal na tumigil ang mundo, di ko maigalaw yung mga kamay ko, paa, at kung ano ano pa, nararanasan ko na ata ang mamatay s a kahihiyan... Di ko alam kung ano na ang nagyayari...
"Ma'am? Okay na po tayo, pwede na po kayong bumaba" sabi nung stewardess... Nung pagkasabi niya nun dun ako nagkaroon ng ulirat, na nasa eroplano nga pala ako... Napabigla ako ng tayo... Inisip kung ano nga ba ang nagyari...
Lahat daw bumaba na..
Putaragessss! Ung katabi ko! ... Bigla bigla na lang akong kumaripas ng takbo! Hinahabol yung na katabi ko
Bangga dito, bangga doon, hanggang sa makarating ako sa labas...
Tiningnan ko, hinahanap ko... Di ko makakalimutan yung mukha nung lalaki, mukhang purong amerikano, medyo mahaba ang buhok, hazel yung kulay ng mta at medyo brownish yung buhok, at matangkad, naka suot lang siya ng ragged pants at puting t-shirt..
Wala na di ko na makita.....
"Echicko! Malaki ang pinas, imposibleng magkikita pa kayo diba! Tsaka sa drama lang nagyayari yung magtatagpo ulit..." Sabi ko sa sarili ko, nasa hotel ako ngayon, syempre libre stay in, pero di pa rin ako mapakali eh kasi nga, ano bang malay ko at hindi pa pala ako mamatay! Sinigaw ko ng malakas lahat ng confession ko sa sarili ko... Nakakahiya lang talaga! Paano kung iniisip nung lalaking yun na, ako na ang pinaka kawawang babae sa mundo.. Isipin mo! Ignorante! At NBSB!
"Pero di malabong magkikita kami ulit, paano pag magkikita kami?" Patuloy ko pa ring sinasabi sa sarili ko...
"Mas mabuti nang handa, paano kaya kung ... Sakalin ko siya? Itali kaya?"
Nagiisip pa ako ng kung ano ano pa.... "Kung sabagay ano naman ang ggawin niya sa sikreto ko diba? Baka naman naprapraning lang ako... Di naman ako mayaman, ang tanging price posesyon ko lang ay ang violin ko, ano naman gagawin niya dun diba?"
Hmmm,mm... Aaaaah!!!
Npahiga na lang ako sa kama, sabay kamot sa ulo... "Bwiset naman! Akala ko pahinga na! Naging aberya pa! At ang ganda pa talaga ng ngiti nung lalake, parang pinagtatawanan pa niya ako! Bwiseeeeet!"
...........
Nagising ako sa alarm clock ko,oo nga pala ngayon na yung tugtog ko... Medyo bangag pa ako dahil sa kakaisip kagabi.. Di ko pa rin alam ang gagawin ko kapag nagkita kami nun... Baka naman hindi na..
Lord naman wag niyo akong biruin ng ganito
Nang matapos na akong maghanda, bumaba na ako sa hotel, at doon may nagaabang na ulit sakin na sasakyan para sa destinasyon ko...
Sa totoo lang excited na ako.... Nako echicko kalimutan mo muna ang lahat...
Mag pakasaya... Itakwil ang lahat ng bad vibes! Tandaan mo, utos to ni sir raf! Dapat good job....
..maya maya pa nakarating na ako sa location...
Na lock jaw ako sa nakita ko! Isang napaka laking villa! Na napapaligiran ng mga puno, ganito talaga kayaman tong mga smith?!
Pag pasok ko, maraming kilalang tao ang nanduduon, di naman na bago sa akin pero, wala lang ang galiiing super duper, yaman nila, isipin mo birthday lang?! Bongga!!!!
..pagkababa ko ng kotse may nagalalay sa akin... Sinabi sa akin kung ano ang gagawin ko..
Uupo lang naman ako at tutugtog, may mga singer din naman, buti na nga lang at may babasahin ako kaya naman iwas hassle...
Kami ang opening at buhay ng party kaya naman nag si tugtugan na kami.. Titigil lang kami kapag dumating na yung celebrant... Si luke smith daw.. Ano kaya itsura nun?
BINABASA MO ANG
Confession ng Isang Single
Romance1. Lahat ng iniidolo kong artista! Ay pinagpapantasyahan ko sa kwarto ko! 2. Mahilig akong manood ng cartoons kahit na matanda na ako, iniisip ko na kabahagi din ako sa kanila! 3. minsan kahit di ko sinasadya bigla na lang akong nananginip ng gising...
