Lucky

5.1K 80 1
                                    

JHO.

*hinga malalim*

andito ako ngayon sa harap ng kwarto nila beatriz nakasalubong ko si jia sabi nya di daw tulog si bea kaya pumunta na ko. 

*knock-knock* walang bumukas. *knock-knock* wala parin. binuksan ko na walang nag bubukas sakin eh. tsaka di naman sya naka lock.  bat di sila nag la-lock ng door pano pag pinasok sila ng halimaw diba? kaso isang dyosa yung pumasok ngayon so hayaan mo na nga.

hinanap ko si bea sa kwarto nasan sya? bat wala naman sya sa higaan nya. 

wait may naririnig ako. 

 "I'm lucky I'm in love with my best friend

Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

Lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday" 

di ko maiwasang di mapangiti.  bea de leon is singing everyone! 

pero wait bat yan yung kinakanta nya. di ako nag salita hinayaan ko lang syang mag concert sa cr.  :D

"Oh oh oh oh oh oh oh oh
Oh oh oh oh oh oh oh oh" 

 at yun bumirit na talaga sya haha i love this girl. bigla ako nagulat i mean parehas kaming nagulat "ANONG GINAGAWA MO DITO?!" tanong nya sakin nakakunot nanaman yung noo nya. ayts. kakatapos lang mag concert badtrip ulit bes?!

"ahm. pinapakinggan kang kumanta?" pagpipigil ko ng tawa di ako makaget-over sa last part eh bakit ba haha.

"is that a question or an answer jhoana?!" nakatitig lang sya sakin. sige jho ginusto mo yan eh. "kung wala kang gagawin dito makakalabas ka na. or baka si jia hinahanap mo? nasa labas ata sya. hanapin mo na lang." dagdag nya pa.

"grabe ka naman sakin syempre yung bestfriend ko yung pinunta ko dito. hanggang kelan mo ba ko iiwasan ha beatriz?" tanong ko sa kanya pero di nya sinagot umupo sya sa kama nya at sinuklay yung buhok nya. 

"uy. di ako aalis dito hanggat di mo ako kinakausap." tumingin sya sakin. bat ang ganda nya sa part na yan. luh! jho ano yan!

"hanggang sa mamuti ka mismo." ang bully nya. bakeeet?!

"namumuro ka na beatriz ah!"

"edi sige makakaalis ka na." tapos bumalik sya sa pag susuklay ng buhok nya.

"no. not unless kinausap mo na ako ng matino." determinado talaga ako ngayong gabi bahala ka jan beatriz.

"ok sige so matutulog na ko. good night jho." humiga sya tapos nag cover nung kumot. lakas nya mag asar. hinila ko yung kumot nya. "bea naman eh. kausapin mo na ko pls. ilang araw mo na kong iniiwasan eh. namimiss na kita. namimiss ko na yung bestfriend ko "  :(

 tumingin sya sakin. "edi bumalik ka kay marci." 

tapos tumalikod na ulit sya di ko mapigilang mapangiti ang cute nya mag tampo. pero wait so about nga kay marci toh lahat? 

"selos ka naman? may problema kasi sya. ang bad ko naman kung di ko sya tutulungan diba? hindi naman kami nagkabalikan eh. at wala na rin akong balak makipag balikan sa kanya" di pa ko tapos pero nag salita ulit sya. "talaga ba?" tapos humarap ulit sya sakin.

"oo naman. ok na ako sa friendship na meron kami. promise."

"but promises are meant to be broken diba?" yan na nakikipag usap na sya sakin hehe.

"hindi ah. not on me bey. ok ? so pwede ba wag mo na ko iwasan? di ko kayang di mo ako kinakausap eh." i have this feeling kasi na kulang yung araw ko pag di ko kausap or kasama tong babae na  nasa harap ko ngayon.


"hinihintay ko lang naman na ikaw mismo gumawa ng paraan. para makausap ako. kasi ayoko talaga kausapin ka." tapos tumawa sya.

"ah ganon? kaya ba iniwan mo ko kila ate ly nung nakaraang gabi kahit kakadating mo lang dun? at kaya ba lagi kayong mag kasama ni ej?"  sumagot ka beatriz!

"haha andami mo namang tanong. oo na kung dyan ka sasaya. " tingnan mo tong tao na to.

"bakit lagi kayong mag kasama ni ej? pinagpalit mo na ba ako sa kanya?"

"what if yes? anong gagawin mo jho?" biglang sumeryoso yung mukha nya.

kinabahan naman ako. baka mag katotoo yung sinabi ni ged na jowain neto si ej. luh! ayoko. gusto ko ako lang yung special na babae sa buhay nya, ako lang yung bestfriend nya. wala ng iba.

Just ~JHOBEA~Where stories live. Discover now