Jho.
One week na kaming di nag kikita ni beatriz at oo 1 week na kaming mag kausap ni marci kasi nga broken hearted sya.
Gusto nya lang naman ng kausap. Wala syang balak makipag balikan at ako din naman ok na ko sa kung anong meron kami ngayon. Masaya na kami sa friendship na meron kami.
Pero mas ok sana ako ngayon kung alam ko kung nasan si beatriz. Tinatawagan ko sya kagabi di naman sya sumasagot.
Wala akong pasok ngayon wala rin kaming training anong gagawin ko ngayon sa buhay ko?
Cheking my twitter account.
Scroll.
Scroll.
Scroll.Wait si bea ba yun? Scrolled up.
"Thank you for today idol 😍😘"
Si bea nga with ej. May pa kiss ka pang nalalaman beatriz tss. Kasama ka pala ni ej kagabi kaya di ka sumasagot sa tawag ko.
Bat di ka nag paalam sakin?
What bestfriends are for?Ok life must go on jho.
Bumangon ako para maligo pupunta na nga lang akong MOA.
inaya ko si ged para naman may kasama ako kawawa naman ako diba kung alone lang ako dun.Then habang nag lalakad kami ni ged.
nakita ko si bea. Di nya ko nakita kasi nakalabas na sila.Kasama nya nanaman si ej. Tapos yung tawag ko kaninang umaga di nya sinasagot.
Bea naman eh. Ako naman oh. Kahapon si ej kasama mo ngayon si ej ulit?Nagulat ako kinakausap pala ako ni ged.
Ged: uy. Nakikinig ka ba?
may kinukwento kaya ako sayo.
Me: ah-eh may iniisip lang ako. Ano nga yung sinasabi mo?
Ged: ano ba kasing iniisip mo? Sabihin mo na nakakabaliw yan.
Me: haays. Ok nakita ko kasi si bea kasama nya si ej.
Ged: so? Anong issue dun jho?
Me: yun yung issue dun ged.
kasama nya na nga si ej kahapon. Tapos hanggang ngayon kasama nya pa din? Tapos yung mga tawag ko di nya sinasagot? Ay nako. Di mo maiintindihan ged.Tumigil sya sa paglalakad. Kaya napatigil din ako tapos tumingin sya sakin ng parang nakakalokong tingin. "Nagseselos ka ba jho?"
"HINDI. ano ba namang klaseng tanong yan ged!" gigil ako neto ni ged hindi ako nag seselos. Ok lang ako.
"Si bea oh. Kiniss nya si ej"
"Nasan?!"
"Okeeey. Sige di ka nga nagseselos."
"Ged naman eh. Di ka nakakatuwa" okeey. Sige talo ako dun. Nag seselos ako ngayong kasama nya si ej.
"May gusto ka ba kay bea?"
Mga tanungan neto ni ged parang baliw."Hindi syempre. Best friend ko sya. Ok? Siguro naman may karapatan akong mag selos kapag may iba syang kasama?"
"Balita ko may gusto si bea kay ej since high school eh. Pano yan pag niligawan ni bea si ej. Wala ka ng karapatan mag selos. Kasi syempre. Girlfriend na yun. Best friend ka lang."
"Edi wala. Mahirap ba yun! Ba yan ged. Ewan ko sayo." Ang sakit naman ng pagkakasabi nya ng BESTFRIEND KA LANG.
iniwan ko sya binilisan ko lakad ko.
Nakakabadtrip eh."HINDI HALATANG GUSTO MO SYA AH. YOU'RE INLOVE WITH YOUR BESTFRIEND." pasigaw nyang sabi. Nakakahiya sya swear.
"Ano ba ged. Shut up. Maraming nakakarinig mahiya ka naman."
"Sorry naman. Don't deny it jho. Mahihirapan ka nyan."
"Shut up ged. Just shut up. I need peace of mind ok?"
Nakakainis naman to.
Bat ba kasi sinama ko pa tong baklang to eh.Hindi ako pwedeng mainlove kay bea.
HINDI.
YOU ARE READING
Just ~JHOBEA~
Fiksi Penggemarit's all about Jhoanalouisse Maraguinot and Isabel beatriz De leon.