Jho.
August 24,2015Pauwi na kaming batangas ni bea hahatid nya daw ako pero lagi nya naman talaga ako hinahatid dito every friday at walang pasok kinabukasan minsan sinusundo nya din ako kapag monday morning, ganun sya kasipag.
Tahimik kami pareho ako kasi iniisip ko anong ibibigay ko sa kanya sa 1st monthsarry namin kasi naman halos lahat na ata nasa kanya na. "Beh?" Tanong ko sa kanya.
"Oh ano yun?"
"Ok ka lang?"
"Ikaw ba?"
"Ok lang naman. Bakit ang tahimik mo ata di ako sanay. May problema ba?"
"wala naman. Beh may tanong ako."
"Ano yun?"
"Do you love me?"
Nagulat naman ako sa tanong nya ano nanaman bang drama to? Kinakabahan ako ah.
"Ano ba namang klaseng tanong yan beatriz. Syempre mahal kita. Mahal na mahal."
"I love you too." Then she hold my hand and kissed it.
"Alam mo pinapakaba mo ko sa mga tanong mong ganyan. Malapit na 1st month natin ngayon mo pa ko dadramahan ng ganyan."
"Ay kinabahan ka ba sorry na hehe gusto ko lang makasigurado."
"So your doubting my love for you?"
"Ofcourse not. Anong plan mo sa sunday?"
"Wala sa bahay ako nun eh. Pero gusto kita makasama sa 1st month natin kaya baka pumunta ako sa inyo."
"Di ba magagalit si tita?"
"Sasabihin ko na lang may importante akong gagawin."
Nagkatinginan kami saglit tapos bumalik din sya sa pag da-drive.
"Hanggang kelan tayo mag tatago jho?"
"Bakit sawa ka na magtago?"
"Hindi. Never akong magsasawa sayo kahit di mo ako ipakilala sa mama mo, ako na mismo magpapakilala sa kanya."
"Beatriz."
We always have this kind of conversation talaga and i'm guilty about it kasi nga di ko sya maipakilala kay mama as my girlfriend and i know nahihirapan na din sya 😢
"Let's have a dinner together on sunday. Puntahan kita sa inyo."
Change topic nyang sabi. "sige. Sorry beh kasi di kita maipakilala kay mama ng maayos alam ko kasing di nya tayo matatanggap, ayoko din na sabihin nyang iwasan kita. Sorry talaga."
Sandali pang katahimikan at andito na kami sa tapat ng bahay. Nag sidehug sya sakin.
"Wag mo na isipin yun beh. Di tayo susuko hanggat di nya tayo natatanggap ok?"
"Opo di tayo susuko. i love you so much beatriz."
"Mahal din kita." Tapos bumitaw na sya sakin.
"Tara na sa loob kumain ka na muna bago umalis."
"Wag na beh babyahe pa ko eh."
Tiningnan ko yung oras 8 na pala late na nga. Kawawa naman tong mahal ko.
"Sure ka? Ay wait. Pumasok ka muna sa bahay may ibibigay ako sayo."
"Wag na beh."
"Saglit lang to beatriz please?"
"Alam mong di kita matitiis diba?"
Yes i know. Kaya pumasok na kami at dumeretso akong kitchen para mag prepare ng sandwich para may makain sya pauwi. Wala sila mama nasa kwarto na ata.
"Here!" Bigay ko sa kanya. "Kainin mo yan habang nasa byahe pero ingat pa din sa pag mamaneho habang kumakain. Kaya mo naman yun diba?"
"You're so sweet. I love you so much jho."
"Sige na late na eh. Text mo ko pag nakauwi ka na hihintayin ko text mo."
Hinatid ko na sya sa labas.
"What if maaksidente ako sa daan tapos di kita matext?"
"Shut up beatriz. Sige na uwi na. Mahal na mahal kita ipapakilala pa kita sa pamilya ko, mag sasama pa tayo in the future diba? Kaya tigilan mo yan."
"Haha di ka naman mabiro. Sige na alis na ko."
"Pwes di sya magandang biro. Last mo na yun."
"Beh?"
"Ano nanaman?"
"I love you." Sabi nya in her serious awra tarantado to si beatriz.
"Beatriz naman eh. Gusto mo bang samahan na lang kita pabalik ng manila para lang masiguro kong safe kang makauwi?"
"HAHAHA jho im kidding. Sige na bye."
Pumasok na sya sa loob at umalis na.
Nakakatakot yung mga trip nya. Nakakainis. 😡
YOU ARE READING
Just ~JHOBEA~
Fanfictionit's all about Jhoanalouisse Maraguinot and Isabel beatriz De leon.