Clingy bei is life

5.4K 75 1
                                    

BEA.
5:00 am

For some undefine reason di ko alam bakit ako nagising nang ganito kaaga pumikit ulit ako pero di pa din ako makatulog.

Napansin ko na lang na nakayakap sakin si jho na kagabi ay alam kong nakatalikod sakin.

And now here i am staring at her as if any time pwede syang mawala sa pangingin ko. "Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa? Bakit ikaw pa ang naibigan ko? Ano bang meron?"

Kinakausap ko sya habang tulog siguro nga may rason din bakit ako nagising ng ganto kaaga. "But i'll keep it lowkey jho dahil ayokong mag bago yung pakikisama mo sakin ayokong mawala ka sakin."

Bigla syang gumalaw. Kaya nagulat ako at nag tulog-tulogan. Tumayo sya tapos nag punta ng cr. Inayos ko yung higa ko para mas malaki yung space ng kanya. Pero pag labas nya ng cr sa higaan ko na sya nahiga.

Iniwan mo ko dito sa higaan ni jia. Ang laki ng space sa tabi ko oh jho. Baka gusto mo lang naman.

Hinintay ko na makatulog ka ulit tapos tumabi ako sayo di ka naman pumalag so di na ko nag salita.
Inayos ko pa nga yung kumot mo kasi nga malamig pa at ayokong malamigan ka.

Bigla kong naramdaman yung tyan kong nag huhurumintado. Nagugutom ako. Kaya nag ayos ako para kumain sa mcdo at mag take out ng breakfast for jho. Kasi 9am pasok nun eh. Ako din naman.

Pag balik ko tulog pa rin sya kaya ginising ko na. I hugged her tight and i kissed her forehead tapos naalimpungatan sya.

"Aga mo naman nagising." Sabi nya tsaka kinusot kusot yung mata nya.

"Syempre sabi ko sayo diba i'll spend more time with you today?"

"Di ka pupuntang ust ngayon? Aba himala ata." Sabi nya tapos tumayo at nag hilamos.

Me: di pa din tayo tapos sa issue na yan jho? Di na nga pupunta diba?

Jho: wala namang issue ah. Nag tatanong lang ako de leon. Kumain ka na ba? May pasok ka diba?

Me: oo meron tapos na ko kumain. Binilhan kitang breakfast. Kumain ka na.

Jho: busog pa ko. Sige na babalik na ko sa kwarto namin kelangan ko ng maligo. Well i think, see you around kasi sabi mo di ka pupuntang ust.

Me: jho please.

Jho: ano nanaman? Pinagbigyan na nga kita na dito ako matulog eh. Ano pa?

Me: galit ka ba? Sayang naman yung binili ko para sayo tapos di mo kakainin :(

ano bang problema nya? Gusto ko mainis pero di ko magawa. i'm so inlove with this girl.

"Di ako galit. Haha di ka naman mabiro." Tapos bigla syang lumapit sakin at niyakap ako. "Ano bang binili mo? Bakit ang aga mo nagising pumunta ka na sigurong ust no kaya ang aga mo gumising?"

Niyakap ko sya lalo ng mahigpit.

"Nag seselos ka ba kay ej? Parang laking issue sayo yung pag punta ko ng ust. Actually nanliligaw ako kay ej kaso wala busted eh. Tsk!"

She looked at me and smile. Feeling ko matutunaw yung puso ko nung ngumiti sya.

"Buti nga sayo, tara na kumain na tayo kelangan ko na maligo anong oras na oh. Di mo kasi ako ginising."

"Can we just stay like this for a while? Namiss ko yung bestfriend ko eh." Hindi ako humiwalay ng yakap sa kanya. Pwede bang ganto lang kami buong araw?

"Kung di ka pa nabusted ni ej di mo pa ko maaalala eh no?" Tapos kinurot nya ko sa likod. Masakit pero ok lang 😂

Kung alam mo lang jho, kung alam mo lang talaga. "Di ka din naman kasi nagtetext sakin kaya kala ko ok lang sayo. Mukha namang nag enjoy ka habang wala ako eh."

"Nako beatriz wag mo ko dramahan ah. Kagabi ka pa. Pwede bang kumain na ko anong petsa na oh."

"10mins. pa jho please 1week kaya kitang di nahug haha" sabi ko sakanya.ayoko talaga sya bitawan.

"Bat ba ang clingy mo? Ano meron?"

Nagulat kami pareho ng biglang may bumukas ng pinto.
Si jia. "Anong nangyayari dito jho,bea?"

Just ~JHOBEA~Where stories live. Discover now