Kakatapos lang ng klase namin ngayon sa buong araw.
Nagsi-uwian na rin ang mga kaklase ko subalit naiwan lang akong nag-iisa dito sa silid.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin ngayon. Ang sakit ng ulo ko na para bang pinipiga.
Ang mga kamay at paa ko naman ay todong bumibigat.
"Zhikia, nandito ka lang pala. Hihi. May ibibigay pala ako sa'yo. Sana ay tanggapin mo." Nakita ko nalang ang lalaking kaklase namin na bigla nalang sumulpot galing sa kung saan at naglalakad papunta sa harapan ko ngayon.
Walang iba kundi ang werdo ko na 'admirer-kuno'.
"Ha?" Naitanong ko nalang sa kaniya.
"May ibibigay akong regalo."
"Hindi ko naman birthday ngayon. Ano...." nag-aalinlangan ko pang giit.
"Sayo nalang 'yan."- Dagdag ko pa habang pinipigilan ang sakit na nadarama ng aking ulo.
"Tanggapin mo nalang Zhikia, pinaghirapan ko ito para sa'yo."-saad niya sabay lahad ng regalo niya sa aking harapan.
"Please." pamimilit pa nito.
Ningitian ko nalang siya ng pilit at sabay ibinuka ang dalawang kamay ko para tanggapin ang regalo na ibibigay pa niya sana ngunit ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang biglang nasa kamay ko na ito.
Anong nangyari?
Parang magnet? Agaran nalang napunta sa kamay ko kahit hindi ko naman kinuha.
Ipinagwalang bahala ko nalang ito. Bagkus ay tiningnan ko si Flyn na literal na nagugulat pa rin.
"Thank you nalang." Pasasalamat ko kay Flyn.
Nawala ang gulat niyang pagmumukha at napalitan ito ng ngiting abot sa mata. Umaliwalas na ngayon ang mukha niya dahil sa mga ngiting iginawad niya sa akin.
"We--welcome. Salamat at tinanggap mo. Segi, alis na ako Zhikia."
Madali siyang lumabas ng silid matapos sabihin ang mga katagang iyon sa akin.
Nakatingin lamang ako ngayon sa pisara. Literal na nakatulala lang. Sinusubukan kong tanggalin ang kirot na nararamdaman ko sa ulo ko kahit alam ko pang hindi ko kaya itong paalisin.
'Yun nalang ang aking pagkabigla ulit nang may malakas na hangin ang kumawala sa harapan ko. Nakikita ko itong nagsasayaw ng mahina.
Agad kong ipinikit ang aking dalawang mata at naramdaman kong nawala na ang tunog ng hangin sa harapan.
Ano ba talagang nangyayari sa akin?
Tumayo na ako. Nakaramdam ako ng konting pagkahilo pero ipinagwalang-bahala ko nalang. Kinuha ko ang regalong bigay sa akin ni Fly at mabilis itong inilagay sa bag saka ako madaling lumabas ng aming silid.
---
"Nandyan ka na pala Zhikia."- saad ni Lola Eana pagkakita niya sa akin dito sa labas ng pintuan ng bahay namin.
Si Lola Eana nalang ang nag-iisang taong umalalay sa akin sa buhay. Siya ang nag-aruga sa akin magpahanggang-ngayon dahil ayon pa niya, ang mga magulang ko ay namatay na nung bata pa lamang ako.
"La..." Naisambit ko nalang sa kaniya saka ako nagmano.
"Kumain ka muna."-
Umiling ako ng mahina sa sinabi niya bago siya sinagot.
"Mamaya nalang La. Busog pa kasi ako." Tugon ko pa saka na ako dumiretso sa kwarto.
Agad kong inihiga ang katawan ko sa kama pagkapasok na pagkapasok ko palang dito sa kwarto ko at tinitingnan ng masinsinan ang kisame.
Sa isang iglap lang ay may malakas na hangin na namang lumabas at pagkurap ko ay nawala na.
Nagpokus ako at tinitingnan na naman ng maigi ang kisame ng silid ko at lumabas na naman ang malakas na bugso ng hangin.
Bakit?
Nanaginip ba ako ngayon?
Parang... Parang nakakonekta ang hangin sa mga mata ko. Sa sarili ko.
Agad akong napa-upo sa kama. Sinampal ko ang aking magkabilang pisngi at nakaramdam naman ako ng konting paghapdi mula sa pagkakasampal ko dito. Pero hindi ako nanaginip. Totoo ang mga nangyayari ngayon.
Itinaas ko ang aking dalawang kamay at napagulat nalang sa aking nasaksihan.
Lahat ng nakadikit na mga bagay dito sa loob ng kwarto ko ay nakalutang na dahil sa hangin na hindi ko alam kung saan nanggagaling.
Parang nakakonekta talaga sila sa akin.
Mabilis kong ibinaba ang kamay ko at biglaan nalang nagsibagsakan ang mga bagay dito sa loob kaya napatakip ako ng aking magbilang tenga.
"Zhikia, anong nangyayari dyan apo?"- malakas na sigaw ni Lola Eana mula sa baba.
"Wala po ito Lola. Ano po----may daga kasi dito sa kwarto ko. Oo, 'yon nga po. May marami ngang daga. Tama! Kaya hinahanap ko ngayon. Ginagamitan ko ng walis!"
Ewan ko nalang kung maniniwala si lola sa akin.
"Mag-ingat ka dyan!"
"Opo, Lola."
Napangiwi nalang ako sa pinanggagawa ko.
May pumasok nalang bigla sa utak ko kung anong dapat kong gagawin ngayon.
Hmmm.
Pumunta ako sa bintana ng kwarto ko dito at saktong nandito pa ang tanim na San Francisco ni Lola.
Tiningnan ko muna ito ng masinsinan at nagpokus na rin sa maaaring gagawin.
Gusto kong malaman kung ano talagang meron.
Agad gumagalaw ang San Francisco na nasa harapan ko ngayon dahil sa hangin na lumalabas na galing ba sa dalawang mata ko?
Ito na nga.
Nagpokus pa rin ako.
Sa pagkabigla ay naitaas ko ang aking mga palad.
Totoo ba itong nakikita ko ngayon?
Lumulutang ang tanim na San Francisco sa harapan ko ngayon. Ang mga ganitong pangyayari ay sa telebisyon ko lang nasasaksihan. Pero heto-- nangyayari sa totoong buhay. At sa akin pa.
Ano nang gagawin ko?
Sa hindi malamang dahilan ay agad akong napakurap at ibinaba ang mga palad ko.
Mabilis rin na nahulog ang San Francisco ni Lola Eana at nabasag ang hindi kalakihang lalagyan nito.
Ngayon alam ko na ang nangyayari sa akin.
Maya-maya pa ay sumasakit na naman ng matindi ang utak ko.
"Zhikiaaaa!" - Narinig kong pagsigaw ni Lola.
And then everything went black.
BINABASA MO ANG
Tale of Missionaries |#PHTimes2019| (COMPLETED)
Fantasy[UNDER MAJOR EDITING AND REVISING] Nagbago ang ordinaryong buhay ni Zhikia Veleene Fenancial nang napag-alaman niyang hindi siya normal na tao. Siya ay may kapangyarihang hangin, ang ku-kumpleto sa anim na elemento: Apoy, Hangin, Tubig, Kadiliman, K...