Zhikia Veleene Fenancial's POV
"Hold on"- saad ni Dhane kay Tepher habang inaalayan niya ito.
Patuloy na naglalaban sina Glent, LG at Coleen sapagitan ng higante.
"Tepher sorry"- saad ko habang hinahawakan ang kamay niya. "Sorry"-
Nanghihina na siya.
Malakas ang natamo niya sa pinalabas na kapangyarihan nang higante.
"Shh wag mong sisihin sarili mo Zhikia"- saad niya na nakangiti parin.
Tiningnan lang ako ni Dhane saka bumalik ang tingin niya kay Tepher.
"Pagagalingin kita. Hold on please Tepher."- diretsong saad ni Dhane.
Nakita ko ang mukha ni Tepher na parang nagsasabing 'kaya ko-to'.
Subalit mahinhin na pumipikit ang mga mata niya.
"Tepher..."- giit ko
Hinawakan agad ni Dhane ang kamay ni Tepher.
Wala akong ibang maisip ngayon kundi ang humingi ng tawad dahil kasalanan ko naman.
Sana mapagaling siya ni Dhane.
Tumingin lang si Dhane sakin na malungkot ang mata.
"Walang epekto, hindi gumagana. Ganun na siguro kalakas ang tumama sa kanya. Pero wag kang mag-alala malakas at mabilis padin ang tibok ng puso niya"
"It's my fault"
"Don't blame yourself."- saad niya na parang nakikinig sa mga naririnig niya mula sa dalawang tenga niya. "Secure and don't leave her. Glent needs me. They need me. Babalik ako"
Saad ni Dhane saka mabilis na umalis. Alam kong pupuntahan niya sina Glent.
Napatingin ako sa mukha ni Tepher.
Sa hindi inaasahan agad nalang na may liwanag na sumilaw sa paligid naming dalawa ngayon ni Tepher.
Nakakasilaw na liwanag.
Saka lumabas ang babaeng nakaputi na hindi ko maaninag ang pagmumukha.
"Kamusta? Air descendant" - nanginig ang katawan ko sa narinig kong boses ngayon.
"Si-sino ka?"- giit ko na napatakip sa mata dahil sa nakakasilaw na liwanag. "Anong kailangan mo?"
"Magpapakita ba ako kung wala akong kailangan mula sayo" - wala akong magawa kundi ang takpan lamang ang mga mata ko. "Hindi mo ba nakita sa salamin kung sino ka? O nag bulag-bulagan kalang?"
Wala akong naintindihan sa mga sinasabi niya.
Mula sa maputing liwanag agad itong nagpalit anyo sa madilim na liwanag.
Kaya hindi na sakit sa mata kung titignan subalit gayun parin hindi ko pa din maaninag ang pagmumukha ng nasa harapan ko ngayon.
"Wag mong isipin na kalaban niyo ako dito dahil magkakampi tayo"
Magasasalita na sana ako ng nagsasalita na siya.
"Hindi maganda ang kahihinatnan ng away na ito nakikita ko basi sa nakita ko."
"Kung nakita mo? Bakit hindi nakita ng isa sa kasamahan namin kung ano man ang nakita mong kahihinatnan nito laban sa Higante?"
"Sa tingin mo sasabihin niya, nagkakamali ka. Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit nagsisimula na naman ang mga kakaibang nangyayari. Bakit ayaw mong lumaban? Takot ka? Sa kapangyarihan mong yan? Wag kang bulag. Lumalaban ka na naayon sa lahat. Wag kang duwag Zhikia. Isa sa kasamahan mo ang nagsasakrapisyo sayo at ikaw, wala man lang nagawa?" - nanlambot ako sa narinig ko mula sa kanya. "Ang lahat ng ito ay dahil sayo. Alam mo mawawala itong lahat ng ito. Mamamatay ang Higanteng nakakalaban ng mga kasamahan mo at magagaling ang kasamahan mong natamaan ng kapangyarihan ng higante.."
"Sa anong paraan?" -tanong ko sa nasa harapan ko ngayon.
"Magsakrapisyo ka"
Naliwanagan ako sa narinig ko galing sa bibig niya.
Hindi na sila mahihirapang tapusin ang higante at gagaling nadin si Tepher.
"Payag ka?"
"Payag ako"
Sa pagkasabi kong iyun ay nakita ko ang taong nasa harapan ko ngayon na may sinasabi subalit hindi lumalabas sa bibig niya ang mga salitang sinasabi niya.
"Salamat panghuling saad niya bago nawala"
Nakita ko nalang ang katawan ko na may lumalabas na hangin hanggang sa lumalaki at lumalaki at palakas ng palakas.
Tiningnan ko lang ang paligid.
Nakita ko si Tepher na bumangon na parang wala lang nangyari.
Agad na may sumabog sa di kalayuan at bumalik ang paligid sa pagyanig.
Siguro namatay na ang Higante.
Nakita ko nalang na hinawakan ni Tepher ang kamay ko at tumatakbo at tumatahak sa lugar namin sila LG, Glent, Dhane at Coleen.
Nanghihina ang katawan ko.
Humihina nadin ang hangin sa paligid ko.
Bago tuluyang pumikit ang dalawa kong mata may narinig akong huling kataga.
"You've sacrifice."
BINABASA MO ANG
Tale of Missionaries |#PHTimes2019| (COMPLETED)
Fantasía[UNDER MAJOR EDITING AND REVISING] Nagbago ang ordinaryong buhay ni Zhikia Veleene Fenancial nang napag-alaman niyang hindi siya normal na tao. Siya ay may kapangyarihang hangin, ang ku-kumpleto sa anim na elemento: Apoy, Hangin, Tubig, Kadiliman, K...