CHAPTER26: SOMETHING NEW

143 18 0
                                    

Zhikia Veleene Fenancial's POV

"Kaya niyo pa ba?"- tanong ni LG.

Wala akong maisip kundi ang maawa sa sitwasyon namin ngayon.

Dhane tried to heal us pero hindi talaga gumaling ng kahit katiting ang mga sugat na natamo namin sa kapangyarihan ng ahas, dahil siguro nanghihina nadin si Dhane at hindi na niya kayang magpagaling kaya wala na kaming magawa kundi mag tiis sa ginawang  panglagay ng mga sugat namin na ginawa ni Tepher na nagmula sa balat ng hayop.

She can manufacture things that are related to plants and animals then.

"We should go now. May hahanapin pa tayo"- tiningnan ko si Tepher.

Tama siya.

Kailangan pa naming mahanap ang tatlong kapwa naming mag-aaral.

Tatayo na sana ako ng nakakita ako ng nakakasilak na liwanag.

"Guys, stop!"- alam kong tiningnan nila kung saan ako nakatingin ngayon.

"Missionaries"- rinig na rinig naming boses, at alam na namin kung kanino ito.

Walang alinlangan kaming lumuhod.

"Master"- saad naming lahat.

"Masaya ako para sa inyo, sa kabila ng hindi maayos na kalagayan nagawa niyong gamitin ang Combination Tactic"- yun ba yung pag-sama sama namin ng kapangyarihan. "Dahil dyan bibigyan ko kayo ng mahiwagang pagbabago"

Tiningnan namin ang isa't isa.

"Stay with your mission"- biglang nawala ang liwanag at saka kami tumayo mula sa pagkakaluhod.

"Anong pagbabago?"- pagtatanong ni Coleen.

Nakita ko nalang na lumiwanag ang katawan niya. Tiningnan ko ang katawan nilang lahat at lumiwanag ito ng walang humpay saka ko naramdaman na lumiwanag din ang katawan ko.

Unting-unti nakaramdam ako ng ginhawa.

Nawawala ang hapdi at sakit sa mga katawan ko at alam kung ganun din sa kanila.

"My wounds are gone"- tumingin ako kay LG na nakangiti.

"I did not feel pain anymore!"- hiyaw ni Dhane.

Tumigil kami sa pag-uusap ng may nakakuha ng atensyon sa aming lahat.

Nakita nalang namin sa aming harapan ngayon ang libro na lumiliwag ng nakakasilaw.

May pumasok sa isip ko.

"Zhikia. Is this familiar to you?"- nakita ko nalang si Glent na nasa gilid na ng librong lumiliwanag na nakakasilaw.

"Ahh. Nearly familiar"- sagot ko.

Lumapit si Coleen sa libro.

"Wait! This is the book that I saw in your room Zhikia"

Ang librong nakakasilaw. Ang librong tinatago ko mula kay Glent nung gabing iyun.

Tama!

"TUOBA AILOTRAF"- sabay naming pagsagot ni Coleen.

Paano niya nalaman?

"I know this book because I saw this on our dorm  sa sala. At ito yung libro na itinago ko sa likod ko mula sayo Glent. Nambigla ka kasi nung gabing iyun. That night sinabi mo din sakin na basahin ito kaya nadala at nandoon itong librong ito sa silid ko." - tugon ko.

"How about you Coleen? Paano mo nalaman ang librong ito?" - naguguluhang tingin ni Tepher sa aming dalawa ni Coleen.

"Well, nakita ko lang din ang librong ito sa room ni Zhikia. You know what, this book gave me the information that Zhikia will be awaken that day nung nasa malubha siyang kalagayan." - kibit balikat ni Coleen.

"So? That's why you've said to me that day na isa ka ring vision teller dahil malalaman mong magigising si Zhikia noong araw na iyun." - natatawang saad ni LG.

Inirapan lang siya ni Coleen .

"Pero bakit naman ito nandito?" - naka-hawak sa chin na tanong ni Dhane.

"Maybe it is the master's plan"- saad ni Glent kaya napatango kaming lahat. 

"TUOBA AILOTRAF"- pagbabasa ni Tepher sa pabalat nito. "Maybe we can find some information here. Basahin kaya natin."

Pagbuklat ni Tepher sa unang pahina walang kahit niisang tinta ang nakasulat.

Nung nabasa ko itong librong ito ay marami na ang nakasulat. Hindi ko nga lang naintindihan kung ano-ano ang mga nakasulat doon.

Tiningnan ko din si Coleen na hindi mawari ang mukha. I guess ganun din ang naiisip niya.

"Nothing"- giit ni Tepher.

"But something is written in this book before"- wala akong nagawa kundi buklatin ang ikasunod na pahina at sa pagkagulat ko on-the-spot na sumusulat kung ano man ang nandito sa librong ito.

'hindi naman on-the-spot ang librong iyan nung binasa ko-look' na nakatingin sa akin si Coleen.

Sa akin din. Teka?

Magbabago ba kung ano ang nakasulat sa librong ito?

Missionaries,

Simula ngayon makakasama niyo ang librong ito sa inyong paglalakbay. Magsisilbi din itong hakbang sa mga mapa na kinakailangan ninyong puntahan sa misyon ninyo.

Pagkatapos naming mabasa ang unang nakasulat. Lumaki ang liwanag.

Huli na at pinasok at tinangay kami dito sa liwanag na nanggaling sa librong ito.

Alam kong dadalhin kami sa isang lugar nito.

Tale of Missionaries |#PHTimes2019| (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon